The Broken Wife
Chapter 14
Serenity
Makalipas ang tatlong buwan simula nang makauwi kami ni Ryker dito sa Pilipinas ay napag-alaman naming buntis ako. Iyon na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
Nagdaan ang ilang buwan at nalaman namin na magkakaroon kami ng kambal. Isang lalaki at isang babae. Nakita ko kung gaano kasipag at mapagmahal na ama at asawa si Ryker sa akin at sa magiging anak namin. Hindi niya ako pinapalabas ng bahay lalo na noong kabuwanan ko na. Sobrang alaga niya sa akin hanggang sa manganak ako. Sana lang talaga ay hindi na magbago si Ryker dahil wala na akong hihilingin pa.
Nandito ako ngayon sa hospital kung saan ay katatapos ko lang manganak sa aking kambal. Paggising ko ay nakita ko ang aking mga magulang at mga magulang ni Ryker. Mukhang lahat sila ay excited at nag-aalala sa akin at sa aking anak.
“Gising na si Serenity iho,” tawag ng aking ina kay Ryker.
Lumapit sa akin si Ryker at agad akong hinalikan sa aking noo. “How are you my love?”
Tumango ako. “I’m fine. Kumusta na ang mga anak natin?”
Ngumiti siya. “They are beautiful. Thank you, my love.” Kita ko na sobrang saya niya.
Maya-maya ay pumasok na ang dalawang nurse at buhat na nila ang aming kambal. Lahat ng nandoon ay napasinghap. Ibinigay ng isang nurse ang aking anak sa akin.
“Good morning ho. Ito ho iyong lalaki.” Sabay abot sa akin ng nurse iyong baby namin.
“Wow! Ang cute! Manang-mana siya sa akin anak,” masayang sambit ng aking ina.
“Naku balae mukhang kamukha siya ng aking anak. Tignan mo ang ilong niya ang tangos,” sambit naman ng ina ni Ryker.
“Oo nga. Aba’t ang gwapo naman ng batang ito. Ano ang ipinangalan niyo sa kanya iha?” tanong ng ina ni Ryker.
“Ryder po itong lalaki at Ryleigh naman ho itong babae,” sagot ko.
“Parang halos kapangalan ni Ryker iha.” Ngumiti ako sa sinabi ng aking ina.
“Gusto ko ho kasi parehas sa pangalan ng aking asawa.” Tumango-tango naman silang lahat.
“Hello Ryleigh,” ani ng aking ama na buhat ni Ryker.
Agad namang umiyak si Ryleigh na sinundan ng kanyang kapatid na si Ryder. Pinadede ko na muna sila dahil mukhang nagugutom sila. Maya-maya ay napatingin kaming lahat sa pinto nang pumasok doon si Janice.
“Pasok ka iha.” Yaya ni Papa sa kanya.
Lumapit naman si Janice at nakita niya ang kambal. “Ang cute! Ako ninang ha?”
“Syempre naman. ‘Di ba mga baby?” Hinalikan ko ang kanilang noo nang matapos silang uminom ng gatas.
Lumipas ang ilang oras na bisita nila ay nagpaalam na silang lahat hanggang sa naiwan kaming dalawa ni Ryker dito. Binuhat niya si Ryder at sa akin naman si Ryleigh. Masaya ko siyang pinagmamasdan habang linalaro niya si Ryder.
Lumapit sa akin si Ryder at hinalikan ako sa pisngi. “Thank you for giving me twins. Wala na akong hihilingin pa.”
Lumipas ang ilang araw ay nakalabas na ako sa hospital. Maayos naman ang pagpapalaki namin sa kambal. Lumipat na rin kami ni Ryker sa bahay niya at iniwan na namin ang apartment. Tulad nga ng sinabi ni Ryker ay hindi niya ako pinagtrabaho at siya lang ang naghanap-buhay para sa amin. Nasa bahay lang ako para alagaan ang kambal dahil ayaw naming kumuha ng iba na mag-aalaga sa kanila. Kahit may mga katulong dito sa bahay ay hindi pa rin namin pinaubaya sa kanila ang pag-aalaga. Gusto ko rin kasi na purong breast feeding lang sila para hindi sila masanay sa timplang gatas lang. Si Ryker ay nagpatuloy sa kanyang trabaho bilang doctor at pang-umaga na siya kaya nakakasama na niya kami kahit sa hapon.
“Ma’am,” tawag sa akin ni Linda iyong isang kasambahay sa bahay ni Ryker.
“Ano po iyon?” tanong ko. Nandito kasi ako sa hardin ng bahay at pinapa-araw ang kambal.
“Ma’am may bisita ho kayo. Si Ma’am Janice raw ho.”
“Sige ho manang. Papasok na lang po sa kanya. Padala na lang din ho ng meryenda.” Tumango si Linda saka umalis.
“Serenity!” sigaw ni Janice at napatingin ang kambal sa kanya na aking buhat. “Ay! Hello Ryder, Ryleigh. Kumusta naman ang mama niyo? Hindi niya ba kayo pinapabayaan?”
Ngumiti ang mga ito sa kanya at naglalaway pa. Kinuha ko naman ang pamunas at pinunasan ang kanilang bibig.
“Naku mukhang malapit na silang magkaroon ng ngipin.” Tumango ako sa sinabi ni Janice.
“Oo nga e. Kaya nga sa susunod bibilhan ko sila ng teether.” Binuhat ni Janice si Ryleigh at ihinaga ng aking anak ang kanyang ulo sa dibdib ni Janice.
“Ang cute! Pwede ko bang iuwi itong isa.” Natawa ako sa sinabi niya.
“Baliw. Paano mo siya bibigyan ng gatas aber?” Sumimangot siya.
“Iuuwi na kita ha? Iiwan natin iyong nanay mo.” Hindi naman umimik ang aking anak at ipinikit lang ang kanyang mga mata.
“Kumusta ka naman na? May boyfriend ka na ba?” Napansin kong napatigil si Janice sa aking tanong.
“Naku! Huwag iyong buhay ko ang pag-usapan natin dahil wala tayong mapapala. Mas mabuti pang kumustahin ko na lang ay iyong asawa mo. Kumusta naman kayo?” tanong niya.
“He’s great! Never niya kaming pinabayaan. Alam mo hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako at may pamilya. Kahit malapit na ang isang taon ay hanggang ngayon parang panaginip lang ang lahat.” Ngumit si Janice.
“Well,...