Serenity
Kinabukasan ay pati si Ryder ay pwede nang makalabas at nagpapasalamat ako na ayos na ang kanyang pakiramdam. Habang chinecheck-up siya ng doctor ay dumating sina Mama at Mama Estrella kasama sina Papa at Papa Fernando.
“You’re good to go kid,” sabi ng doctor at pumalakpak naman si Ryder.
“Thanks doc,” sabi ko na lang at lumabas na siya ng kwarto.
“Hays. Buti naman at maayos na ang apo namin,” simula ni Mama Estrella. “Iha si Ryker pala? Hindi ko pa siya nakikita ni minsan ah. Busy pa rin ba siya?” Tumango na lang ako.
Naalala ko tuloy iyong pinag-usapan namin kagabi ni Ryker pero hindi ko naman pwedeng sabihin ito sa kanila. Ayoko kasing magalit sila kay Ryker kaya nanatili akong tahimik na lang. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang aking anak. Habang inaayos ko ang gamit ni Ryder ay pumasok si Ryder at lahat kami ay napatingin sa kanya.
“Iho!” bati ni Mama Estrella sa kanya.
Agad naman siyang humalik sa pisngi ng kanyang ina pati sabl aking ina ay gano’n din. Pagkatapos ay nagmano siya sa kanina Papa at Papa Ferdinand. Lumapit siya sa amin ng kanyang anak at saka binigyan ako ng halik sa aking noo at ginulo ang buhok ni Ryder.
“I’ve got great news. Nakahanap na kami ng donor para kay Ryleigh.” Rinig ko ang pagsinghap nila Mama at ako naman ay natuwa sa balita ni Ryker.
“Talaga?” tanong ko sa kanya sabay napatingin siya sa akin at tumango.
“That’s great news!” masayang sambit ni Mama at ngumiti naman si Ryker.
“Bukas ay inaasahan naming darating ang puso para kay Ryleigh para maoperahan na siya agad.” Napangiti ako at napatingin sa aking anak na si Ryder dahil pati siya ay masaya sa kanyang nalaman.
“Kanino raw galing iyong puso?” tanong ko.
“It came from a child who has a brain tumor. Hindi niya nakayanan iyong operasyon kaya bumigay ang katawan niya. Sabi naman ng mga magulang nito ay bilin daw ng bata na kung sakaling mamatay siya ay gusto niyang makatulong sa iba kaya gusto nitong i-donate lahat ng pwedeng mai-donate niya,” paliwanag ni Ryker.
“Lahat?” gulat kong tanong.
Tumango si Ryker. “Yup! Liver, heart, eyes and every internal organ na pwedeng i-donate ay binigay ng kanyang mga magulang.”
Nakaramdam naman ako ng awa sa mga magulang nito lalo na sa bata. Kung sakaling anak ko iyon at gano’n ang kahilingan nito ay hindi ko yata kayang gawin na ipamigay ang bawat parte ng aking anak sa iba. Sana kung nasaan man ang batang iyon ay nasa langit na siya.
“Uuwi na kayo ngayon ‘di ba?” Napatingin ako kay Ryker sa tanong niya at agad na tumango.
Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking baywang sabay ilinapit ang kanyang bibig sa aking tenga sabay may ibinulong sa akin.
“Remember what we’ ve talked about yesterday, my love. Go straight home, and no talking to men.” Agad naman akong napatango sa kanyang sinabi at tipid na napangiti. “Ma, Pa, I’ll go ahead. Marami pa po akong gagawin lalo na sa prepasyon para sa operasyon ni Ryleigh bukas.”
Nagpaalam na ito at makahulugang tumingin sa akin bago ito lumabas. Napahinga naman ako ng malalim at agad na napangiti sa aking anak. Nang maayos na ang gamit niya at nabayaran na lahat ng aming bill ay binisita namin si Ryleigh na abalang kumakain at nakita kong si Maria naman ngayon ang nagbabantay sa kanya. Sinabi niya na nagsasalitan silang dalawa ni Linda ng pagbabantay dito. Kumpara sa dati ko siyang nakita ay medyo lumakas na siya ngayon.
“Mama! Ryder! Where’s Papa?” tanong niya.
“Busy si Papa pero alam mo anak bukas na bukas ay magiging okay ka na.” Hindi man niya maintindihan ang ibig kong sabihin ay ngumiti naman siya.
“I can go play again tomorrow Mama?” Tumango ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi. “Yehey! I can play again with you Ryder.”
“Yehey! I will be waiting for you sis.” Mahina naman akong natawa sa kanilang dalawa.
Pagkatapos nito ay sinabihan ko si Ryleigh na babalik ako sa hospital bukas. Hawak kamay kaming sabay na naghintay ni Ryder ng taxi sa labas ng hospital. Hindi na muna ako nagmaneho dahil medyo takot pa ako pagkatapos ng nangyaring aksidente. Umuwi na kami ni Ryder at aaminin kong nakahinga ako ng maluwag pag-alis namin ng hospital. Halos isang buwan na yata kaming pabalik-balik dito at sobrang stressful pala ang manatili rito. Excited na rin akong makauwi dahil hindi ko na maaamoy ang amoy ng hospital.
Pagdating namin ay naabutan pa namin si Linda na nagdidilig ng mga halaman. Binati niya kami at mabilis kaming pumasok sa bahay. Halos mapangiti ako nang makita kong muli ang aming bahay. Agad ko namang tinext si Ryker na nakauwi na kami at agad naman siyang nag-reply. Pagkabasa ko ng kanyang text ay akmang papasok na sana ako...
omg!