The Broken Wife
Chapter 7
Nakatingin ngayon si Ryker sa orasan na nakasabit sa kanyang pader at hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatitig dito. Ni wala na siyang halos tulog kagabi simula ng mga nangyari kahapon. Hindi niya kasi bukod akalain na gano’n ang magiging reaksyon at desisyon ng ama ni Serenity. Nagulat din siya sa sarili dahil agad siyang pumayag na magpakasal sa dalaga. Aaminin niya na may pagtingin naman siya sa dalaga pero hindi pa sumagi sa isip niya ang magpakasal.
Nahilot niya ang sintido at napabuga ng malakas na hangin. Buti na lang at day off niya ngayon dahil baka mas lalo lang siyang ma-stress sa kaiisip. Maya-maya ay napatingin siya sa kanyang cellphone nang tumunog ang ring tone niya at nakita niyang tumatawag ang kanyang ina mula sa ibang bansa. Agad niya itong sinagot na tinatamad.
“Bakit naman ganyan agad ang bungad mo sa akin? Para kang namatayan ah?” Hindi niya alam kung matatawa siya sa sinabi ng ina.
“Hindi naman mama. I’m just so stress that’s all,” sagot niya.
“Bakit? Marami ka bang pasyente na may sakit pa?” tanong ng kanyang ina.
“Medyo pero day off ko ngayon kaya makapagpapahinga ako.” Napangiti siya at napaisip bigla kung kailangan niya na bang sabihin sa kanyang ina na ikakasal na siya.
Sigurado siyang matutuwa ito dahil matagal na rin naman siyang pinipilit na magpakasal ng ina pero ayaw lang niyabdahil sa tingin niya ay bata pa ito. Iyon nga lang ay hindi alam ng inabna napagkamalan lang siya sa isang bagay na hindi naman niya ginawa at ito ang naging kinalabasan.
“Ryker, iho, what’s wrong? You became so quiet all of a sudden?” Napangiti si Ryker at huminga ng malalim.
“Mama, guess what? I’m going to marry someone soon.” Pagkasabi niya nito ay naging tahimik sa kabilang linya.
Hindi niya alam kung nasa kabilang linya pa ang ina. Napatingin na lang siya sa kanyang cellphone nang bigla na lang inend ng ina ang tawag at nakatanggap ng isang text mula sa ina.
“We’ll be coming home soon.”
Napangiti na lang siya sa sinabi ng ina at muling napatingin sa kisame. Naalala nito ang dalaga at naisip niya kung kumusta na ito pagkatapos ng mga nangyari kahapon. ‘Oh well, hindi naman siguro masama kung maikasal ako sa kanya.’
ALAS-SINGKO pa lang ng umaga ay gising na si Serenity. Hindi niya tinigilang tawagan ang kanyang mga magulang kagabi hanggat hindi nito binawi ang pilit na pagpapakasal ni Ryker sa kanya. Mali naman kasi ang akala ng ama na si Ryker ang nagtangkang gumahasa sa kanya dahil ito pa mismo ang tumulong sa kanya pero hindi siya pinakinggan ng sariling ama. Kaya naman naiinis na bumango si Serenity at agad na umilalim sa shower upang maligo. Pupuntahan niya ang kanyang mga magulang at kakausapain ng mabuti ang kanyang ama.
Nang matapos siyang magbihis ay dali-dali siyang lumabas ng kanyang apartment at saka sumakay sa kanyang kotse. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nagulat ang mga katulong na napatingin sa kanya at agad na binati siya.
“Ate Lorna, nasaan ho sila Mama?” tanong niya sa isang kasambahay na naglilinis sa salas ng bahay.
“Nasa kusina ho sila ngayon Miss Serenity.” Tinanguan ni Serenity si Lorna at malalaki ang hakbang niyang pumunta sa kusina.
Katulad nga ng sabi ni Lorna ay abalang nag-aalmusal ang kanyang mga magulang. Ang ama niya ay abalang nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape samantalang kumakain naman ang kanyang ina ng tahimik. Huminga siya ng malalim at agad na linapatin ang kanyang mga magulang.
“Papa,” pukaw niya sa kanyang ama at sabay na napatingin sa kanya ang kanyang mga magulang.
“Serenity, ano’ng ginagawa mo rito?” walang-buhay na tanong ng kanyang ama na para bang hindi dapat siya naroon.
“Papa, pakiusap ho iurong niyo na ho iyong kasal sa aming dalawa ni Ryker. Hindi naman ho siya ang nagtangka sa aking gumahasa. Iyong dating nobyo ko ho ang gumawa nun.” Napasinghap naman ang kanyang ina at napatayo.
“Sino? Si Aaron?” Tumango naman siya sa tanong ng kanyang ina. “Ernesto, hindi naman pala iyong doctor ang gumawa nun.”
“Mas lalong kailangan mong pakasalan ang lalaking iyon.” Natataka siyang napatingin sa kanyang ama. “Kung guguluhin ka ulit ng mga dati mong naging nobyo ay baka tumigil na sila oras na malaman na nilang ikakasal ka na.” Sa wakas ay umangat ang tingin ng ama ni Serenity sa kanya. “Para ito sa kaligtasan mo, Serenity. Nakausap ko na ang kumpadre ko na ite-telivise natitn ang kasal niyo ni Ryker.”
“Ernesto!” sita ng kanyang ina.
“Huwag ka nang sumali rito Olivia dahil kapakanan ng anak natin ang ginagawa ko.”
Hindi makapaniwalang napatingin si Serenity sa kanyang ama. “A-Ano ho? At hindi niyo man lang ako tinanong kung gusto ko ito?” Lumuhod siya sa tabi ng kanyang ama at muling nakiusap. “Papa naman nakikiusap ako huwag niyo naman ho akong pilitin na pakasalan siya. Hindi naman ho ako gusto...