One Billion Dollar Wife CHAPTER 1


One Billion Dollar Wife
(REPOST)
CHAPTER 1
SHION’s POV:
“Hoy mga tao! Kumain na muna kayo at magpakarami! Tama na muna ‘yan!” Pagpapatigil ko sa mga lalaking ito na kanina pa ginagawa ang pinag-uutos ko.
Sinabihan ko sila na ayusin ang garden. Puro kalat ng mga dahon. Ang mga halaman naman ay hindi pa nagugupitan. Hindi na sakto ang hugis.
Natapos na nila ang pagwawalis. Ngayon naman ay nakatoka na sila sa pag-gu-gupit.
Hindi ko alam kung bakit ko sila napasunod. Pinapabantayan niya ako mula sa mga kaibigan niya. Akala mo naman tatakas ako, ngayong isa na akong Mrs. Franco.
Hindi ako aalis hanggat hindi niya nakukuha ang nararapat sa kaniya. Ipaparanas ko sa kaniya ang impyerno. Ang bangis ng isang Shion.
“Woah! Finally I’ll gonna eat na!” Malakas na sigaw ni Hansel saka inilapag na lang sa lupa ang gunting para sa halaman.
Kaya tiningnan ko na ang tatlo. Tatlong halaman ito na mataas. Parang sa forbidden maze kung saan ang halaman ang silbing bakod para hindi makita ng lahat ang daraanan. P’wede ka ring lumusot sa gitna para makapunta sa kabila. Pero masakit sa mukha.
Tatlong halaman ito pero nakahugis sa bawat letra ng pangalan ni Kio. At si Hansel ay nakatoka sa letter I. Nasa dulo na siya.
“So tiring! Uh!” Inis na singhal naman nitong si Jrake. Kung saan niya lang itinapon ang gunting.
Patalikod ‘yon kaya natamaan si Hansel na papalapit na sa direksyon ng kaibigan. Letter K naman si Jrake. Kaya magkatapat lang sila.
“Aw! Hey man! May problema ka ba sa akin?” Tanong nito sa iritableng boses at mabilis na kinuwelyuhan si Jrake. Gamit niya ang kanang kamay, samantalang ang kaliwang kamay ay nakahawak naman sa kaniyang ulo na natamaan ng gunting.
Masakit pa naman ‘yun.
“Oo ‘yung matakaw na t’yan mo. Hindi ko sinasadya tanga!”
“Mas t*nga ka! ‘E di ikaw na ang palaging nag-gy-gym!”
” Ano namang konektado ng nag-gy-gym sa pagiging matakaw mo? Nakakain ba ang barbell?”
” Bakit pagkain ba ang barbell? Are you stupid?”
” Hindi. Mukha mo lang.”
Bago pa man magkasakitan ang dalawa. Pumagitna na si Naver.
‘Ay sayang. Akala ko may mangyayaring riot.’ Nadidismayang aniko sa aking isipan.
Napaupo na lang ako sa gitna ng lamesa na babasagin. Kinuha na naman ang tablet at pinagmamasdan ang impormasyon na nakuha ko tungkol sa lalaking ‘yon.
Humigit sa isang linggo na ang kasal. Wala namang nangyaring kakaiba. Pasalamat ako dahil magkaiba kami ng kwarto.
Palaging nasa opisina si Kio. Takot ata na makita ang totoong pagkatao ko.
Hindi niya alam kung sino ba ang pinakasalan niya. Hindi niya rin alam kung ano ba ang kayang gawin ni Shion Montavidad.
And that’s me.
“What are you doing?” Tanong nitong si Naver pagkalapit pa lang sa akin. Umupo siya sa kaliwang upuan.
Siya si Naver Alfonso. Parang brand ng isang alak at sapatos ata ‘yung sa Naver. I don’t think so. Judge me if you want. Wala talaga akong alam.
Siya ‘yung lalaki na kulay green ang mata.
Sa loob ng isang linggo na ‘yun nakilala ko nang maigi ang tatlo.
Si Naver. Tahimik lang pero minsan nakikisali sa asaran ng dalawa na si Jrake at Hansel. Ito lang ang may kayang sawayin ang dalawa kapag malapit na sa riot.
He has a perfect shape of his face. Perfect V-line. Has a mole on his pointed nose, maliit lang naman. Kissable lips that every girls can droll over. Tama lang ang laki ng kaniyang mata. ‘Yung kilay straight na straight. Pero manipis nga lang.
Makapal din ang buhok niya. May pa-bangs si Kuya. Pero naka-under cut. Pati ata sa buhok ay pinag-usapan na rin nila.
He has a gray color of hair. I don’t know if it is normal or pina-dye hair lang niya.
Sa suot naman niya gusto lang niya ay simpleng damit. Hindi makikitaan ng pagkamayaman. Simpleng t-shirt na plain at maong shorts lang ang type niya. At kapag business na ang usapan. Doon lang ata siya magsusuot ng mga business attire.
“Wow! Carbonara and clubhouse cheeze burger! May pa-salad pa. Nakakatakam. “Napalingon naman ako kay Hansel na napalabi pa habang naglalaway sa pagkain na hinanda ko.
Umupo siya sa kanang upuan na katabi ko at saka hindi na nagpasabi na kakain na siya.
Tinapik ko agad ang kaniyang braso. Napatigil siya sa pagkuha sana sa plato at tinidor. At nagtatakang lumingon sa akin.
“What?”
“Wash your hand. Para namang hindi ka sinasabihan ng magulang mo na maghugas muna bago kain. Kung gusto mong kumain ng lupa, samahan pa kita sa garden at kukuhaan kita ng lupa. Ipapakain ko sa ‘yo ‘yun ng hindi mo nauubos.” Nanlilisik ang mga mata ko habang sinasabi ‘yon.
Napalunok naman siya. Namumutla na rin bago tumakbo palayo sa akin. I mean pupunta lang sa gripo na malapit lang naman dito.
“NAVER HUWAG NA HUWAG MO AKONG UUBUSAN!” Malakas na sigaw niya at pinapaalalahan ang isang ito na nagsisimula na rin ata sa pagkain.
Nakalimutan kong sabihin na malakas din kumain ang isang ito.
“Ikaw? Akala mo hindi ko rin alam. Baka gusto mong sipain pabalik sa pinanggalingan mo? “Napa-ismid naman siya sa sinabi ko at saka tumayo na sa kaniyang pagkakaupo.
Rinig ko pa ang malakas na pagdausdos ng paa ng upuan sa sahig.
Naiinis na ata? Pake ko.
“Whatever.” Asik niya sa akin pero ginawa pa rin naman ang sinabi ko.
Nakita ko naman si Jrake na nakangisi sa aking harapan. Pinakita pa sa akin ang kamay niya na basa pa.
“I’m already done washing my hands. Can I eat now?” Tanong niya sa akin na ikinatango ko naman.
Tuwang-tuwa naman siyang umupo sa kanang upuan din pero katabi na ni Hansel. Nagsimula na siyang kumuha ng plato at tinidor. Inuna muna niyang kunin ang carbonara. May sandok naman kaya malaya siyang makakuha. Kapag tinidor ang ginamit niya, panigurado na stupid* siya.
Tinikman niya muna saglit ang sabaw nito at nagningning ang mata na lumingon sa akin.
Para siyang bata. Ano namang meron sa carbonara at ganiyan na ganiyan ang itsura niya?
Wala naman akong nilagay na gayuma para magmukha siyang tanga.
Kung gagawa man ako ng gayuma. ‘Yung lalaking si Kio ang bibigyan ko. Gayuma ng kamatayan. Para dedbols na siya sa mundo.
“Sh*t! Ang sarap mong magluto!” Parang bata na aniya at lumingon pa sa direksyon ng dalawang kaibigan. “DALIAN NA NINYO KUNG AYAW NINYONG UBUSAN KO KAYO!” May halong pagbabanta niya sa kanila.
Napapailing na lang ako. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa ginagawa ko. Pa-scroll-scroll lang ako sa mga na-i-type ko kagabi sa Microsoft word.
Lahat ng may kinalaman sa lalaking ‘yun ay nilagay ko talaga rito. Inaalam ko talaga lahat para makaisip naman ako ng plano kung paano ba siya mapapagod sa akin.
Or hindi kaya ay paibigin ko siya…
‘Malabo…hindi p’wede.’
“PUSANG INAKAY! UMAYOS KA JRAKE!”
“MAPAPATAY TALAGA KITANG AN*M*L KA!”
Galit na sigaw ng dalawa sa lalaking ito na masaya lang sa pagkain. Parang wala siyang narinig. Kuha lang talaga siya nang kuha.
Sa sobrang dami nilang ginawa, alam kong kumakalam na ang kanilang t’yan. Ala una silang nag-asikaso. At ngayon ay alas kwatro na ng hapon.
Kainitan pa naman ng pagawain ko sila. Ayos lang ‘yan. May sabon naman sila. Gawan nila ng paraan para bumalik kutis nila. Wala akong pakealam.
“Bakit ba ang tagal ninyo sa gripo? Kinakain na ba kayo n’yan? Kasalanan na rin ninyo kung maubusan kayo nitong si Jrake,” tiningnan ko naman si Jrake. Napalingon agad siya sa akin nang nagtataka. “Ubusan mo na sila. Mga makukupad ‘e.” Utos ko na ikinatango naman niya at ginawa talaga ang sinabi ko.
Ang mangkok na malaki na pinaglagyan ko ng carbonara ay kinuha niya. Pinu’westo niya ‘yon sa harapan niya at wala ng balak na tigilan pa ito.
“Dalian mo na kasi!” Rinig kong angil ni Naver sa kaibigan.
“Huwag mo akong utusan! Hindi kita ina!”
“Dadalian mo kung ayaw mong maubusan tayo ng ugok na ‘yon?”
” Oo na! Fackka that guy! I’ll gonna kill him.”
“Then faster!”
“Arghh! Sa ‘yo na! Oo na!”
” HANSEL! D*MN YOU!”
” D*MN YOURSELF TOO!”
” Ganiyan na ba talaga sila?” Tanong ko kay Jrake na napatango-tango na lang habang kumakain pa rin.
‘Baboy ba ito? Hindi naman halata.’
He’s Jrake Nathan Lim. Half Chinese. Siya ‘yung singkit sa kanilang tatlo. At siya si Blue Eyes. Nabalitaan ko na MVP player siya sa basketball noong high school at college siya. Hindi na kataka-taka sa height niya. 7’ ang sukat ng pagkakatangkad niya.
Maganda ang pagkaka-curve ng mukha niya. Mas matangos pa ang ilong niya kaysa sa dalawa. Kulay blonde naman ang buhok niya. Natural cut for men talaga ang istilo ng buhok niya.
Medyo makapal ang kilay niya na laging nakataas ang kanan. Akala mo may galit.
Kung si Naver mahilig sa simpleng damit. Ito namang lalaking ito basta na lang susuot kung ano ang nandiyan.
‘Yung pantalon niya may butas sa may hita. Tatlong hiwa ‘yun na hindi naman halata ang loob kung nakatayo. Pero kung uupo siya,...


makikita ang kaputian.
At ang pang-itaas naman niya ay…nevermind.
“Bakit ganyan ka makatingin sa damit ko?” Takang tanong niya sa akin.
Hindi ko pala namamalayan na nakatitig na ako sa damit niya.
“I’m just wondering kung wala ka bang nakikita o basta suot ka na lang ng damit. May butas kaya ‘yang suot mo sa may bandang dibdib mo. Hindi mo ba pansin na kanina pa labas ‘yang-”
” Oh! Shiyah… pero okay lang. Hindi naman ako babae.”
” You’re right. Mas masama kung babae ang nakalimot magbra. Mas nakakahiya.” Sang-ayon ko naman at muling pinasadahan ang tablet.
” Hoy dre. Alam naming kaibigan ang turing namin sa ‘yo. Pero pagdating sa pagkain. Magkakatalo tayo. Kung ayaw mong mapatay kita, bigyan mo kami.” Madilim na sabi nitong si Naver na ikinamutla naman nitong si Jrake.
Nilagay niyang muli sa gitna ng lamesa ang mangkok at hinayaan na lang ang dalawa na pagkapyestahan ang luto ko.
Katulad ng reaksyon ni Jrake. Para silang nagayuma sa gawa ko. Pero ipinagsawalang-bahala ko na lang ang lahat.
Bahala silang magkomento ng kung anu-ano. Basta ako ay magiging busy sa plano ko.
‘Ano na nga bang plano?’
*BLURP*
Tunog ng bibig na napadighay dahil sa katakawan. Hindi ko inaasahan na sabay-sabay pa sila.
Si Jrake mahina lang. Si Naver medyo lang. At si Hansel naman parang may megaphone ang bunganga. Siya ‘yung umangat sa kanila.
Napangiwi na lang ako sa lalaking ito.
“Sorry nabusog lang.” Hinging paumanhin niya sa akin na ikinatango ko na lang kahit na nandoon pa rin ang hindi kaaya-ayang mukha.
“Sabay-sabay pa talaga. Iisa lang ba ang t’yan ninyo?”
“No!” Naver
“Nah!”Jrake
“Neh?” Takang tanong naman nitong si Hansel na malakas namang binatukan nitong dalawa. “Aray! Nag-aala Shion na rin ba kayo?” Inis na tanong niya sa mga ito.
Nakalimutan ko pala. Ang panghuli si Hansel Giovanni Jones. Siya ‘yung brown eyes ang kulay ng mata. Mahaba ang buhok niya hanggang batok. Siya lang ang nag-iisang may hikaw ang tenga.
Pabilog ang hugis ng kaniyang mukha. Manipis ang labi na kulay pink. Sana all ‘di ba?
At mahilig naman ang lalaking ito sa pormahan. Sobrang init na nga, nagawa pang magjacket. Nakasando lang siya. At isang skinny pants.
Sa kanilang tatlo o apat na rin kasama na si Lampa. Siya ang pinakaisip-bata. Mas matakaw din. At pinakamaingay, hindi lang sa t’yan kundi sa bunganga.
Pero napabalik ang diwa ko sa sinabi niya.
” Bakit naman nadamay pangalan ko?” Nakataas ang kilay ko pagkatapos kong sambitin ‘yon.
” Kung hindi mo ako sinipa kanina,” pasimula nitong si Naver.
“Kung hindi mo rin ako sinakal,” dagdag din ni Jrake sa sinabi ni Naver.
“At kung hindi lang suntok, sampal at matalim na tingin ang ibinigay mo sa akin,” pagpapatuloy naman nitong si Hansel habang nakanguso.
” Hindi ka sana namin sasabihan ng amazona na si Shion.” Sabay-sabay na sagot nila na ikinangiwi ko lalo.
“Kasalanan ko na n’yan?”
“OO!”
“‘E di I don’t care. Paki ko naman sa inyo.” Walang gana kong sambit at saka tumayo na sa aking pagkakaupo.
Naglakad na ako papasok sa mismong bahay. Pero bago ako tuluyang makalayo. Napaharap muli ako sa kanilang tatlo na napaigtad sa paraan ng titig ko.
“Let’s play a game. League of legends.” Suhestiyon ko na nagpaliwanag na naman sa mukha nila.
” GAME!”
******
“What are you all doing?” Walang emosyon na bungad ng lalaking kakapasok pa lang ng bahay.
May hawak siyang suit case sa kaniyang kanang kamay. Ang tuxedo naman niya ay nakasandal sa may kaliwang balikat niya. Kaya ngayon ay naka-fitted shirts na lang siya na light blue.
Bagay pala sa lalaking ito ang kahit anong damit na isuot. Masculine kasi. Malaki ang dibdib. Saka ang ganda ng curve ng katawan.
Nainggit naman ako.
Saktong-sakto ang bungad niya sa amin. Hinahanda ko ang kakainin naming lima. Ang niluto ko lang naman ay sweet and sour na isda.
Hindi rin mawawala ang paborito kong menudo at sinigang na manok. Ayoko sa baboy. Pero nakain din naman ako kapag trip lang.
Gumawa rin ako ng dessert namin. Graham ice cream with fruit salad.
” Ano bang nakikita mo? Malamang naglalaro.”
“Huwag mo akong pilosopohin.” Malamig na sagot nito sa akin sabay baling na rin sa kinaroroonan ko.
Napaismid naman ako. “‘E di wow. Paki ko.”
“Tsk. Stop that and go home.” Utos nito sa tatlo na hindi na maipinta ang mukha.
“Dre naman ang ganda ng laro ‘e.” Angil naman nitong si Hansel na ikinatalim ng tingin ni Kio. “Oo na. Tara na nga.”
“Hindi ba kayo kakain muna? ”
” They will go home now. ” Pananabat naman nitong si Kio sa akin.
“Ikaw kakain ka?” Tanong ko naman sa kaniya.
“Why would I? Kung gusto mong kumain. Ubusin mo, wala rin akong pakealam.”
“‘E di wow,” muli kong ibinaling ang tingin sa tatlo na nakatayo na. Patingin-tingin pa ang mga mata nila sa aming dalawa. ” Kumain na muna kayo. Bago kayo umalis.” Yaya ko na ikinailing nila.
Hindi pa rin kasi nawawala ang matalim na tingin ng lalaking ito sa tatlo niyang kaibigan.
Ano bang problema kung dito sila kakain? Kakain lang naman ‘e. Saka sayang naman ang effort ko kung ako lang ang kakain ng mga ito.
Pinasarap ko pa para hindi sila magsawa at saka gusto ko talaga ng nilulutuan ang mga taong alam kong tunay.
Pero gagantuhin lang?
Ano bang problema niya? Gustong-gusto ko na talaga siyang suntukin ‘e.
“Kakain o sasaktan ko pa kayo?” Banta ko sa kanila na ikinaatras nila.
“H-hindi na… next time na lang. Aalis na kami.” Pailing-iling pa itong si Naver sa akin habang nauutal.
Ngumisi naman sa aking direksyon si Kio. “Don’t threaten them.”
“I’m not. Ikaw kaya ang nauna.”
“Pamamahay ko ito kaya gagawin nila ang pananalita ko. ”
” Sino namang kakain nito? Pinag-effort-an ko pa kaya ito. Hindi ka naman kakain tapos sila papaalisin mo.”
” Iiyak ka na n’yan?” May pangungutya pa niyang saad sa akin na ikinalisik ng mata ko sa direksyon niya.
Napabuntong-hininga pa ako saka pumikit na lang.
“Kakain o babasagin.” Sambit ko ulit pero nakayuko lang habang nakapikit.
“I said don’t threaten them.” Suway naman sa akin ni Kio.
“KAKAIN O BABASAGIN?” May diin na tanong ko at iniangat ang aking ulo.
Nilibot ko ang tingin sa tatlo na umiiling pa rin.
Mga takot.
“Ayaw ninyo huh.” Patango-tango pa ako at lumapit sa lamesa. ” Ayaw talaga ninyo. Ikaw Kio, ayaw mong kumain? Masarap pa naman ang luto ko.” Pang-ayaya ko sa kaniya.
Blangko lang ang ibinigay niya sa akin.
“En-”
Hindi na niya matuloy ang sasabihin niya nang itulak ko paitaas ang lamesa. Kahit na mabigat ito dahil gawa sa kahoy. Hindi sa akin naging mahirap na itulak iyon palapit sa kanila.
Nagsihulugan ang mga pagkain. Nagkaroon ng malakas na tunog na nagpabingi sa lahat.
At lahat ng mga babasagin ay nasira.
Pero wala lang sa akin. Madilim ang mga tingin ko sa mga ito.
“I hate someone who avoiding the food. Kung wala lang din pala akong kwenta sa bahay na ito. Please let me go out! Let me live peacefully! Trabaho ang gusto ko! Trabaho mga sirang plaka kayo!” Galit na galit kong sigaw at sinipa pa ang bangko na humaharang sa aking direksyon.
Naglakad na rin ako para makalayo sa kanila. Ang lakad ay naging takbo na. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Halo-halo ang emosyon sa aking dibdib.
Gusto kong manakit. Gusto kong ibuhos ang lahat ng galit ko sa mundo… sa mga taong kinagagalitan ko. Pero hindi ko magawa.
“MGA B’W*S*T KAYO!” Sigaw ko pa sa kawalan.
Nakarating ako sa aking kwarto na nasa dulo. Binuksan ko ‘yon at saka sinaraduhan. Ni-lock ko pa para walang sinuman pumasok na walang permisyon sa akin.
Pabagsak akong humiga sa kama nang makarating ako rito. Nakadapa ako. Nasa kutson ang mukha ko. Alam kong manghihina ako dahil sa nakataklob ang ilong ko.
Pinipilit ko na lang matulog. Baka sa pagtulog ko ay makalimutan ko na lang ang lahat.
Pinipilit kong alisin ang galit sa aking dibdib. Pero patuloy itong bumubugso, nag-aalab sa matinding emosyon na nararamdaman ko.
“Ahhh!” Malakas na hiyaw ko pero alam kong hindi maririnig ng nasa ibaba.
Nakatakip ang kutson ng higaan sa aking bibig.
Pero kahit na sumigaw man ako ay wala pa ring maitutulong ito.
Tumayo ako sa aking pagkakadapa sa higaan. Naglakad ako palapit sa pader sa harapan nitong kama. Wala man lang kahit isang palamuti o disenyo lang ang loob.
Ngunit hindi ko pinansin ‘yon. Galit na galit kong ginalaw ang aking kanang kamao.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na suntukin ang pader na ito. Wala akong pake kung masakit. Wala akong pake kung malakas.
Basta ang natatanging alam ko lang. Galit ako. Sa sobrang galit ko gustong-gusto ko ng patayin ang Kio na ‘yun.
” Ipaparamdam ko sa iyo ang sakit ng ginawa mo. Hinding-hindi ako titigil. You ruined my life. You ruined everything. You’ll gonna taste my wrath. This one billion dollar wife of yours, will gonna be your nightmare.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top