Flor : Jojo anak, saan ka ba nagpunta, nakabili na kami ni Papa mo ng fresh flower na ibibigay mo kay Jeralene.
Jojo : wow naman, mama ang ganda naman niyang bouquet of red roses.
Max : syempre naman anak, para sa espesyal na babae na magiging manugang namin.
Jojo : thanks papa, mama, napaka-supportive naman ng mama at papa ko..
Flor : dapat lang naman anak na suportahan ka namin. Dahil eto na ang pinakahihintay namin ng papa mo.
Max : oo nak, buong buhay mo ginugol mo ang pag-angat ng negosyo natin, ganun din ang buhay natin. Naging matagumpay lahat ng negosyo natin dahil sayo. Kaya dapat lang na harapin mo naman ang sarili mo, panahon na para bigyan mo ng kasiyahan ang puso mo, alam ko naman na masaya kang kasama kami, kaya lang iba yong may babaeng kukumpleto sa buhay mo anak, panahon na para bumuo ka ng sarili mong pamilya na makakasama habang buhay.
Flor : kaya nga nong sabihin mo samin na mag-aasawa kana, ay natuwa kami.
Max : oo anak,. Kaya ipangako mo na mamayang gabi ay maidadala mo si Jera dito sa bahay, ayain mong dito mag-dinner dahil gusto na namin siyang makita at makilala ng mama mo.
Jojo : opo promise po, makikilala niyo na po siya mamaya.
Max : oh pano anak, pumunta kana at hihintayin namin kayo dito mamayang gabi ha.
Jojo : sige po papa. Maliligo lang po ako sandali.
Max : bilisan mo anak ha, at akoy inip na inip na..gusto ko nang makita ang mga magiging apo ko!!!(nakatawang sabi)
Jojo : opo..(nakangiti niyang sabi)
.
At nang makatapos ng maligo at magbihis, nagpaalam na siya sa magulang niya.
.
Flor : anak yong flower baka makalimutan mo.
Max : eh yong singsing baka nakalimutan mo?
Jojo : okay napo papa mama..sige po punta na po ako.
Flor : oh sigurado kang wala kang nakalimutan ah.
.
Inisip ni Jojo kung wala siyang nakalimutan, yong singsing kinapa sa bulsa. Yong flower na ibibigay niya kay Jeralene hawak na niya, yong wallet niya yong celpon, at susi ng kotse ah may nakalimutan siya ang Jacket niya…At bigla niyang naalala ang jacket niya, naiwanan niya sa May batuhan. Kinagalitan ang sarili bakit ba niya nakalimutan yun. Mahal na mahal niya ang Jacket niyang iyon dahil bigay ng lolo niya iyon.
,
Flor : o bakit anak. Ano yong nakalimutan mo?
Jojo : mama, yong Jacket na bigay ni lolo sakin, nakalimutan ko sa dalampasigan kanina, babalikan ko nalang muna yun, at baka mawala doon, saka ako pupunta kay Jeralene.
Max : o sige anak, alam mo bang puntahan yang address na yan?
Jojo : opo naman pa. Malapit nga lang po ito dito eh.
Flor : o sige anak, ingat ka!!
.
Natutuwa si Jojo sa mga magulang niya, at excited din ito katulad niya. Kinapa niya uli sa bulsa ang singsing. sumakay na siya ng kotse, pupunta na siya kay Jeralene, at tiningnan muna niya ang sarili sa salamin, at huminga ng malalim.,at sinabi sa sarili na, handa na siyang pasukin ang buhay may asawa, at si Jeralene ang gusto niyang makasama habang buhay..at bago niya puntahan ang address ni Jeralene na ibinigay ni Jomel ay nagpunta muna siya sa dalampasigan para kuhanin ang naiwang Jacket. Samantala naman si Jeralene ay inaalala ang mga sandali nila ni Jojo ng sila ay, nasa bahay nila Mang Berto at Aleng Sally, hindi niya makakalimutan ang lugar na iyon, dahil mayroong isang magandang alaala ang naiwan don, doon sa lugar na iyon ay may bakas ng pagmamahalan na naganap.doon niya ipinagkaloob ang sarili sa lalakeng minamahal, nong una palang na nakita niya si Jojo ay parang magaan ang loob niya dito, kya ganun na lang ang lakas ng loob niya na patakasin ito sa pagkakadena, parang hindi niya kayang isipin na may mangyayaring masama kay Jojo, at sa mga gabi na kasama niya ito sa kwarto, ay parang maligaya na ang puso niya, kahit na nasa hindi magandang sitwasyon ang buhay niya ng mga panahong nasa kamay siya ni Drake, makita niya lang si Jojo ay naiibsan ang takot.
.
At si Jojo naman ay naglalakad na siya patungo sa mga batuhan, para kuhanin ang naiwanang Jacket, napahinto si Jojo sa paglalakad ng makitang may nakaupo doon sa may batuhan na napag-iwanan niya ng jacket, ngunit tumuloy na din siya sa paghakbang, habang papalapit siya ay napag-alaman niyang babae ang nakaupo doon, hindi niya kasi masyadong makita ang mukha ng babae naka suot ng malapad na hat na pang babae, at natatakpan ang mukha nito at tapos naka shade ito at may scarf at medyo naka-side view, kaya hindi niya kita ang mukha ng babae, at hindi din naririnig ang mga yabag niya dahil sa hampas ng alon sa dagat na lumilikha ng ingay kaya, medyo lumihis siya ng daan, para hindi agad mapansin ang presensiya niya ng babae, hindi muna siya lumapit sa babae, nakita niya kasi yong jacket niya ay nasa tabi lang nong babae, nagkubli lang muna siya sa may malalaking bato, at pinagmamasdan niya ang babaeng nakatalikod mula sa gawi niya, meron din daw palang tumatambay doon sabi niya sa isip niya, at naalala niya tuloy noong bata siya na nakakubli din siya doon sa malaking bato na iyon, dahil pinagmamasdan niya yong crush niyang babae noon, at natigilan siya sa mga sandaling iyon, baka kaya yong babae na yon at ang batang iniligtas niya 18 years ago ay iisa!!, may kaba siyang naramdaman, sa isip niya ay baka yoon nga ang babae. Sa totoo lang hindi niya din nakalimutan yong batang babae na yun, hanggang sa magbinata siya, sa twing nakikita niya ang pendant sa wallet niya ay naalala niya ito. Nangarap din siya noon na maging girlfriend ito. at kaya niya nasabi noon na kapag bumalik siya galing ng America ay liligawan niya ito pag nagkita silang muli..pero hindi na siya nakabalik agad dahil nasa matinding karamdaman ang kanyang lolo, at siya lang ang gusto ng lolo niya na si jojo ang mag-alaga sa kanya, hindi niya natanggihan ang kannyang lolo dahil mahal niya ang kanyang lolo. Kaya ngayon nga ang problema ay may mahal na siyang iba, si Jeralene, si Jera na ang nilalaman ng puso niya dahil unang kita pa lang din niya kay Jera ay nakaramdam na siya ng kakaibang damdamin, katulad din ng naramdaman niya sa babaeng niligtas niya, tumibok na ang puso niya noong mura pa ang isip niya, sa kasabihan nga ay Puppy love!! At naulit nga ang ganung pakiramdam ng makita ang babaeng nagligtas sa kanya sa kadenang nakatali sa kanya noong nasa kamay siya ni George. At hanngang sa napagpasyahan niyang lapitan na ang babae at kausapin at alamin kung tama nga ang iniisip niya na yoon nga ang babaeng iniligtas niya sa pagkakalunod.
.
At samantalang si Jeralene naman ay nakikipag-usap sa kawalan..at nang medyo malapit na si Jojo sa babae. Ay nagsalita ang babae, pinapakinggan lang ni Jojo ang sinasabi nito at sa isip ni Jojo ay parang pamilyar ang boses nito, may ka boses daw ang babae, pero hindi na ang boses ang pinagukulan niya ng pansin, kundi ang sinasabi nito.
.
Jeralene : pasensiya ka na ha, hindi na kita mahihintay, ang tagal mo kasi, sabi mo After 15 years babalik ka at magkikita tayo dito mismo, bumalik ako, kaya lang hindi ka naman bumalik, 18 years na ang nakakalipas, masyado nang matagal kaya sorry ha, hindi na kita nahintay, may mahal na akong iba, mahal na mahal ko siya, alam mo ba katulad mo siya. Mabait din siya, at niligtas niya rin ako, kasi nga katanga ko naman kasing lumangoy..at salamat sayo ha, dahil niligtas mo ako sa pagkakalunod ko dito noong bata ako at dahil doon ay nagpatuloy ang buhay ko, salamat din sa inspirasyon, (tumutulo na ang luha niya) dahil sayo nagsipag akong mag-aral, lagi nga akong Honor student dahil gusto ko pag nagkita tayo may maipagmamalaki din ako sayo at isa pa, kung wala ka dito noon para iligtas ako, wala ako ngayon dito at hindi ko din makikilala ang lalakeng nagbibigay ligaya sa puso ko..alam mo buhat ng makita kita dito hindi kita kinalimutan, yon nga lang masakit isipin na hindi na kita uli makikita, kaya ibinaling ko sa iba ang aking isip, nagkaroon ako ng nobyo na wala akong pagmamahal sa kanya, sumubok lang ako, na baka sakali na makalimutan kita, pero hindi rin pala, bigo din akong kalimutan ka, dahil habang nakikilala ko ng husto ang naging nobyo ko na may pagkamagaspang ang ugali ay naalala kita, sorry pero sinisisi kita, dahil sayo kaya ako nasadlak sa masamang tao, alam ko naman na mali akong sisihin ka, kasi wala namang dapat sisihin kundi ako, dahil sobra akong nangarap ,umasa na magkikita tayong muli, at inaasahan ko din yong sinabi mong liligawan ako..pero tapos na yun, dahil ang lahat ng pinagdaan ko sa dating nobyo ko ay siya naman ang naging daan ng pagkakakilala namin ng mahal ko…pero sana makita parin kita, para makapagpasalamat uli sayo!! Hinding-hindi kita makakalimutan! Habang buhay akong magpapasalamat sa iyo mananatili ka dito sa isip ko.
.
Narinig lahat ni Jojo ang mga sinabi ng babae, hindi siya makapaniwala na tama ang hinala niya na ang babaeng niligtas niya noong bata siya, at ang babaeng nasa harap niya ay iisa, nalulungkot siya dahil nalaman niya na ganun siya minahal ng babae na yun,at narinig niya lahat ng sinabi ng babae, sa isip ni jojo ay humihingi siya ng tawad dito, umasa pala yong babae na babalik siya, nakokonsensiya siya dahil sa kanya pala ay napunta siya sa hindi tamang lalake, kailangan niyang kausapin ito at hihingi siya ng tawad, dahil sa umasa ito sa sinabi niya, natutuwa din siyang malaman na ginawa siyang inspirasyon nito, sa totoo lang ganun din naman si Jojo sa kanya, yun nga lang dahil mataas ang expectation ng lolo niya sa kanya, kaya ang nasa isip nalang ni Jojo noon ay makapag-aral ng mabuti, first priority niya ang pag-aaral kaysa makipag-girlfriend, pero hindi niya din nakakalimutan ang babaeng niligtas niya, ngunit naibsan din ng bahagya ang habag ng malaman din ni Jojo na masaya na ito dahil natagpuan na nito ang lalakeng minamahal..magsasalita na sana siya ng biglang kumilos ang babae, tinanggal ang shade at inilapag ito sa bato ganun din ang Scarf at tinanggal din ang suot na hat, at nagpapahid ng mga luha, at laking gulat ni Jojo ng makilala ito, hindi siya maaring mag-kamali, kahit nakatalikod ito ay alam niyang si Jeralene ito…ang babaeng kanyang minamahal, lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makilala ang babae, ang babaeng niligtas niya at ang babaeng minamahal ay iisa. Hindi siya makapag-salita sa nalaman niya..tumutulo na ang luha niya, hindi alam ang sasabihin.
.
Jojo : J-Jera!!!
.
nagulat ng marinig ang boses ni Jojo, at agad na lumingon at napatayo sa pagkaka-upo
.
Jera : J-jojo!!
.
Sinugod ni Jojo ng yakap si Jera, mahigpit niyang niyakap ang babaeng minamahal, at ganun din si Jera gumanti siya ng yakap kay Jojo, umiiyak si Jojo kaya umiiyak na din Jera, ayaw nilang bitawan ang isat isa dinadama nila ang mga sandaling magkadikit ang kanilang mga katawan,.at gustong patunayan ng bawat isa na hindi sila nananaginip lang na iyon ay totoong magkasama sila.
.
Jojo : i’m sorry, sorry mahal, sorry hindi ko sinasadya, na hindi ako nakabalik, sorry!!(umiiyak niyang sabi)
.
kumalas ng bahagya sa pagkakayakap at tiningnan sa mga mata...