𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 CHAPTER 1


𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄: (MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
CHAPTER 1: Unloved
Papasok na siya sa kanilang bahay ng makasalubong niya ang kanyang ina na naka porma. Siguradong lasing nanaman ito kung umuwi.
Walang salitang kinuha niya ang kamay ng ina at nagmano. Kahit ganito ang kanyang ina ay buo parin ang kanyang respeto at pagmamahal dito. Dahil alam niyang kahit baliktarin man ang mundo, ina niya parin ito.
“Ma, saan po kayo pupunta?” Tanong niya kahit alam niya na wala siyang makuhang sagot dito.
Itinabig ng kanyang ina ang kanyang kamay na nakahawak dito. ” Huwag mo akong hawakan, pwede ba? Naalala ko lang ang walang hiyang rapist mong ama sa bawat paghawak mo sa akin!” Bulyaw nito sa kanya, kahit ilang beses na niya itong narinig mula sa bibig ng kanyang ina ay hindi niya parin maiwasan na masaktan.
“Pasensya na po, mama.” Nakayukong hinging paumanhin niya at pigil ang pag patak ng kanyang mga luha.
” Pasensya, puro nalang pasensya! Hindi mo naman maibabalik ang nakaraan sa iyong paghingi ng pasensya! ” muling singhal nito sa kanya dahilan upang mapa atras siya. Samantala, agad namang nag martsa paalis ang kanyang ina na hindi man lang siya muling nilingon.
Hindi na niya nagawang sumagot pa, nawalan na siya ng lakas ng loob para mang hingi ng pera para sa kanyang proyekto kinabukasan.
Wala siyang nagawa kundi ang tingnan ang papalayong ina habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata.
Ilang sandali pa siyang nakatayo sa labas ng kanilang bahay. Nang mapagod na ang kanyang mga paa sa kakatayo, napagdesisyunan niyang pumasok na sa loob.
Matamlay siyang nagbihis at pagtapos ay tulalang pinagmasdan ang litrato ng kanyang ina na May malapad na ngiti.
Hinaplos niya ang nakangiting mukha ng kanyang ina. “Kailan kaya kita makitang ngumiti ng ganito ka lapad, mama?” Tanong niya sa larawan at ngumiti ng mapait.
Hindi niya maiwasang masaktan sa tuwing malala niya kung paano siya nabuo. Kay sakit palang yakapin ang katotohanan, mas gugustuhin niya pang nagising nalamang sa kasinungalingan ngunit ipinagkait iyon ng kapalaran sa kanya.
Isa siyang bunga ng isang pagkakamali. Nasa third year college ang kanyang ina at nagkaroon ng munting kasiyahan, selebrasyon sa pagkapanalo nila sa volleyball league. Maraming kalakihan na dumalo at halos lahat ng mga iyon ay hindi kilala ng...


kanyang ina. Hindi niya alam na marami palang dadalo na mga kalalakihan, ilang sandali pa ay nag-iinomam na ang kanyang mga kasamahan. Habang tumatagal ay dahan dahan ng nalalasing ang mga ito . Siya at ang isang lalaki na hindi niya kilala ang siyang tanging natira na may matino pang pag-iisip.
Nilapitan siya ng lalaki at inalok ng orange juice na hawak nito at agad naman niya itong tinanggap dahil nauuhaw na siya. Muling bumalik ang lalaki sa dating pwesto at mariin siyang pinagmamasdan.
Nang maubos niya ang juice, nilagay niya ang baso sa malapit na lamesa at agad ding bumalik sa pwesto. Nang makaupo na siya ay bigla nalamang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata.
Kinaumagahan, nagising nalamang ito na nasa isang silid at wala ng saplot ang katawan ni isa. Tanging pagluha nalamang ang nagawa nito habang minamasdan ang mantsa ng dugo sa puting bedshit na siyang patunay na naisuko niya ang kanyang sarili sa hindi kilalang lalaki. Hinahanap niya ang lalaki ngunit wala siyang nakalap na impormasyon lalo na’t hindi niya din natatandaan ang mukha nito.
Lumipas ang buwan at nagbunga ang pananamantala ng lalaki sa kanya na siyang dahilan upang masira ang kanyang buhay. Nang dahil sa kanyang pagbubuntis ay inataki sa puso ang kanyang ina at siya ang sinisi ng kanyang ama. Ilang buwan ang lumipas ay sumunod din ang kanyang ama. Lasing itong nagmaneho at nabangga ito sa teen Wheeler’s truck at hindi na naka survive pa. Hindi naging madali ang buhay niya, araw araw itong umiyak, sinisisi ang sarili. Hindi niya nagawang ipa laglag ang bata na nasa kanyang sinapupunan dahil takot siya. Kaya ng isinilang niya ito ay ganon nalamang ang kanyang galit sa sarili niyang anak, para sa kanya ay isang salot ito sa buhay niya na walang ibang dala kundi problema.
Minsan na itong nakuwento ng kanyang ina sa tuwing lasing ito. Hindi lang masasakit na salita ang kanyang natanggap mula dito lalo na pag lasing. Pinagbubuhatan siya nito ng kamay at hindi hihinto kapag hindi siya nawalan ng malay.
Naging malupit ang tadhana sa kanya. Sa edad na 16 ay nagawa niyang intindihin ang kanyang ina na walang ibang ginawa kundi mag dulot ng sugat sa bata niyang puso.
# understandingyounglady.
> Enjoy reading. Lovelots!






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Ang ganda

Leave a Reply


top