The Broken Wife
Chapter 19
Serenity
Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa hospital. Pwede naman na naming iuwi si Ryleigh pero tuwing tinatanggal nila iyong mga nakakabit sa kanya ay nahihirapan siyang huminga. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit naging ganito bigla ang kalagayan ng aking anak. May mali ba akong ginawa? Nagkulang ba ako? Bakit hindi ko napansin na nahihirapan na pala ang aking anak? Kung pwede lang sana ay ako na lang ang nasa lugar niya para mawala ang sakit.
Nang malaman ito ng aking mga magulang at mga magulang ni Ryleigh ay agad din silang sumugod dito sa hospital. Maski si Jancie ay nag-aalala kaya naman pati siya ay pumunta rito. Ayon kay Ryker ay naghahanap naman na sila ng magdo-donate ng kanilang puso pero iilan lang naman din kasi ang mga gustong mag-donate nito.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa aking anak. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil ito ng marahan. Napatingin ako sa may pinto nang ilinuwa nun si Ryker na mukhang pagod na pagod na rin. Ilang araw na rin kasi siyang walang tulog para maghanap ng donor ng puso para sa aming anak. Agad ko siyang sinugod ng yakap at nag-aalalang napatingin sa kanya.
“Ayos ka lang ba? You look tired. Mas maganda siguro muna kung magpahinga ka. Nandito naman ako na magbabantay pa.” Umiling siya.
“I can’t my love. Kapag nasa bahay ako ay gano’n lang din ang gagawin ko at mas lalo lang akong mai-stress at mapapagod. How’s Ryleigh?” Baling niya sa aming anak.
“She’s fine. Natutulog pa rin naman siya hanggang ngayon.” Tipid siyang tumango at lumapit sa aking anak.
Simula nang ma-hospital si Ryleigh ay palagi na lang nandito si Ryker. Nag-aalala ako na baka katawan naman ng aking asawa ang bumigay dahil wala na siyang pahinga. Ayoko naman siyang pilitin pero it’s been a week. May hangganan din naman ang kaya ng katawan ng isang tao. Siguro ay kakausapin ko na lang siya ulit para hindi rin kumala ang kalagayan niya.
Pagtingin ko sa orasan ay alas-dose na pala at kailangan ulit naming kumain. Kumakalam na rin ang aking sikmura kaya kailangan ko na sigurong kumain din.
“Ryker, kakain lang ako. Kapag natapos ako ay ikaw din okay? Ayokong pati ikaw ay magkasakit din.” Tumango siya habang nakatingin sa aming anak.
Agad naman akong dumiretso sa canteen ng hospital at agad na bumili ng aking kakainin. Habang kumakain ako ay biglang may lalaking nakiupo sa aking table. Nagulat pa ako dahil bigla na lang siyang umupo sa aking harapan.
“Sorry miss. May kasama ka ba?” Umiling ako. “Wala na kasi akong makitang pwesto dahil puno na kaya kung ayos lang sa iyo ay makikiupo na lang muna ako.”
Tahimik naman kaming kumain. Noong una ay nagulat ako dahil tatlong serve ng kanin ang nasa pinggan niya at naubos niya ito lahat. Ang bilis niya ring kumain na kulang na lang ay gawin niyang sopas ang pagkain niya. Nauna oa siyang matapos sa akin na kunti lang ang serving.
“Sa wakas nabusog din.” Napangiti naman ako sa kanya. “Ang sarap talagang kumain noh lalo na kung gutom ka.” Natawa naman ako ng mahina. “Ayan ngumiti ka na sa wakas.” Nagtaka naman akong napatingin sa kanya.
“What?”
“Kanina kasi nakasimangot ka at mukha kang pagod. Hindi bagay sa angelic face mo.” Napakurap-kurap naman ako sa kanyang sinabi. “Bakit ka malungkot?”
“Iyong anak ko kasi may sakit sa puso at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakahahanap ng donor niya.” Tumango-tango naman siya.
“Wow! Ina ka na pala? Hindi halata sa itsura mo dahil mukha kang bata. Ang swerte naman ng asawa mo dahil nakabingwit siya ng malaking isda sa dagat.” Natawa ako ulit sa sinabi niya. “Darwin nga pala.” Pagpapakilala niya sa akin at ilinahad niya ang kanyang kamay.
Akmang makikipagkamay ako nang bigla na lang may humila sa aking braso at pinatayo ako. Nagulat ako nang makitang si Ryker ito at madilim ang mukha niyang nakatingin kay Darwin. Napatingin siya sa akin at bigla akong nakaramdam ng takot.
“Kung tapos ka nang kumain ay bantayan mo na ang anak natin.” Napalunok ako at agad na tumango.
Agad na akong umalis kasama si Ryker at hindi man lang ako nakapagpaalam kay Darwin ng maayos. Pagdating namin sa kwarto ni Ryleigh ay pabalibag na isinara ni Ryker iyong pinto na nagpatalon sa akin sa gulat. Napatingin ako sa kanya at halata ang galit sa kanyang mukha.
“R-Ryker, kumain ka na. Ako na ang magbabantay sa anak natin.” Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig sa akin.
Napailing siya at walang salita na lumabas ng kwarto. Halos maibuga ko ang hangin na kanina ko pa pinipigilan. Napatingin na lang ako kay Ryleigh at hinawakan ang kanyang kamay.
“Baby ginalit ko yata ang Papa mo dahil mukha siyang galit.” Hinalikan ko ang kamay ng aking anak. “Sana pagbalik ng Papa mo ay hindi na siya galit sa akin.”
Dumating ang hapon ay wala nang Ryker ang bumalik pa. Naisip ko na marahil ay abala na siya kaya hindi ko na siya hinintay pa. Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok kaya hinilig ko na lang muna ang aking ulo sa kama ng aking anak atvagad naman akong nakatulog marahil sa pagod na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog.
Bigla akong naalimpungatan dahil sa pagkalam ng aking tyan. Paggising ko ay naakota kong gabi na at wala pa rin si Ryker. Tinignan ko si Ryleigh at nakitang tulog pa siya. Binigyan ko siya ng halik sa kanyang pisngi bago ako lumabas. Pagdating ko sa canteen ay nakita kong kunti lang ang tao marahil siguro ay gabi na kaya gano’n. Habang nakikipila ako at namimilibng aking kakainin ay nakita ko si Darwin na papalapit sa akin.
“Hello,” bati niya sa akin.
Alanganin akong ngumiti sa kanya dahil baka mamaya ay makita nanaman ako ni Ryker.
“Iyon ba iyong asawa mo kanina? Grabe kulang na lang kainin niya ako ng buhay sa tingin niya. Well, naiintindihan ko naman dahil kung ako rin siguro ay maging gano’n kapag may maganda akong asawa.” Pilit ko siyang hindi pinapansin at ipinagdadasal na sana ay maka-order na ako.
Mukha namang mabait si Darwin kaso iniisip...