πŒπˆπ’π“π€πŠπ„ CHAPTER 8


(MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
Sa kanyang sitwasyon ay nagawa niya paring mamangha sa babaeng papasok sa kanilang bahay. Puro naka itim ito at naka bonet na din. Hindi mo makikita ang kanyang mukha dahil natatakpan ito.
“Anong ginagawa niyo diyan?” Pasigaw na tanong nito dahil hindi magkarinigan kapag hinaan lang boses dahil sa malakas na ulan.
Familiar sa kanya ang boses ng babae. Gusto niya itong yakapin at magpasalamat ng marami ngunit hindi paman niya magawa ang bagay na iyon ay biglang tinanggal ng babae ang takip sa kanyang mukha.
Nagulantang ang kanyang buong pagkatao ng makita ang babae sa nasa kanilang harapan ngayon. Ang plano kaninang saksakin si Condrado ay hindi natuloy dahil nabaling ang lahat ng kanyang atensyon sa inang masamang nakatitig sa kanila.
Oo, tama ang iyong nabasa. Ina niya ang nasa kanilang harapan na halos pumatay na ng tao sa uri ng tingin nito.
“Anong kagaguhan ang to, huh?” malamig na tanong nito. Hindi siya nagdadalawang isip na sagutin ang ina.
“Muntik na akong gahasain ni Condrado mama!” naluluha niyang sumbong sa ina. Nanggagalaiti sa galit na tiningnan siya ni Condrado at pinanlakihan ng mata na akala mo ay susundin siya dalaga.
“Anong muntik na kitang gahasain huh? Ikaw nga itong unang nanghalik sa akin habang naghahanda ako ng pagkain!” tanggi ng lalaki.
“Sinungaling! SINUNGALING KANG DRUG ADIK KA! Isusumbong kita sa pulis, isusumbong kita!” galit niyang sigaw sa pagmumukha ng lalaki.
“Sige, isumbong mo. Hindi Kana sisikatan ng araw bukas!” pananakot ni Condrado sa kanya.
Nanginginig man sa takot ay handa parin siyang ipaglaban ang katutuhanan at ang kanyang karapatan bilang babae.
“Hindi ako natatakot! Mamatay na kung mamatay basta makulong kalang, hayop ka!”napaluha siya sa subrang galit. Nanginginig ang kanyang buong katawan at isang kalabit nalang ay baka masaksak niya ang lalaki.
“Sandali! Sino ang nagsasabi sa inyo ng totoo?” walang emosyon na tanong ng kanyang ina.
Nilingon niya ito. Tinignan gamit ang mapupungay at nangungusap na mga mata.
“Ako mama, ako ang nagsasabi ng totoo. Hindi lang ito ang unang beses na pinagtangkaan niya akong gahasain.” umiiyak ng sabi.
Mataman siyang tiningnan ng ina. Hindi nagbago ang pinakitang reaksiyon nito.
“Huwag kang maniwala diyan sa anak mong sinto-sinto, Amelia. Naghahanda lang ako ng pagkain dito at bigla niya akong hinila at sinunggaban ng halik. Itinulak ko siya at tinutukan niya lamang ako ng kutsilyo.” simpleng sabi ng lalaki at paniwalang paniwala naman ang kanyang ina.
Masama siyang tiningnan ng ina.”Totoo ba, Misale, huh?” matigas na tanong nito.
Paulit-ulit siyang umiling sa ina. “Hindi po mama. Sinungaling yan! Kung May nagsisinungaling man sa aming dalawa, ay siya yun hindi ako! Binaliktad niya lang ang storya. Bakit ko naman ipagkanulo ang aking sarili sa hayop, adik at pangit na lalaking yan?!” Matapang niyang sagot at sinamaan ng tingin ang lalaki na hindi naman nagpatinag.
“Wala kang karapatan para tawaging, hayop, adik at pangit si Condrado! Napaka walang modo mong babae ka!” isang malakas na sampal ang kanyang natanggap mula sa ina.
Hindi pinagsisisihan ang sinabi niya patungkol sa lalaki kahit kapalit pa nito ay isang malakas na sampal.
“Bakit hindi ba yan adik, ma? Ma, inalok pa nga akong humithit niyan ng pinagtangkaan niya akong gahasain. Adik ang lalaking yan at SINUNGALING PA! And most of a future wrecker bastard!” sagot niya sa ina at pinagdidiinan pa ang mga salitang nag nababagay sa lalaki.
“PAKKK!”isang malakas nanaman na sampal ang kanyang na tanggap. Hindi na ito galing sa ina kunti sa lalaki na. Napahawak siya sa kanyang pisngi na nasampal.
“Wala kang karapatan na sampalin ako, Condrado dahil hindi kita ama!” Sigaw niya sa pagmumukha ng lalaki at dinuraan ito.
Galit na napapunas ang lalaki sa kanyang mukha. Huwag kang magreklamo Condrado dahil yan ang nababagay sa isang tulad mo.
“Bastos kang bata ka!” Sigaw ng kanyang ina sa kanya at akma nanaman sana siyang sampalin nito ngunit agad siyang umilag at pagmumukha ng lalaki tumama ang palad nito.
“P*ta!” Malakas na mura ng lalaki.
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa pagmumura nito sa kanyang ina.
“Tanga ka kasi Condrado.” bulong niya sa sarili ngunit malakas ang pandinig ng lalaki at narinig pa nito ang sinasabi niya.
“Walang modo itong anak mo, Amelia. Dapat sa...


batang yan ay parusahan!” suhestiyon nito sa kanyang ina.
Hindi niya napigilan ang sarili, hinaharap niya ang lalaki at masamang tingnan mata sa mata. “Sino ka para parusahan ako,huh? Ama ba kita para gawi yan. Pinakain, binihisan at inalagaan mo ba ako? Hindi mo nagawa ang mga bagay na yan sa halip binastos mo panga ako. KAYA WALA KANG KARAPATAN!” diing sagot niya sa lalaki at isinigaw ang panghuling linya.
Mas lalong nagalit din ang ina niya sa kanyang pinakitang ugali kaya agad nitong hinila ang kanyang buhok at kinaladkad papunta sa kanya silid.
“Napaka walang modo mong bata ka! Lumayas ka! Lumayas ka sa pamamahay ko ngayon din!” nanggagalaiti na sigaw ni Amelia sa anak na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa kanya.
“Bakit ako lalayas, mama? Dapat ang lalaking yan ang palayasin mo dahil sampid lang yan!” balik na sigaw niya sa sa ina. Kahit mahal na mahal niya ang ina at matagal niya pinahalagahan at nirispeto ngunit ngayon ay hindi na siya makapag timpi.
“Abay bastos ka nga!” sigaw nito sa kanya at isang malakas na sampal nanaman ang kanyang natamo.
Namamanhid na ang kanyang pisngi sa mga sampal na kanyang natanggap.
“Ako ang anak mo, ma! Dapat ako ang paniwalaan mo!” mahinahon niyang sabi ngunit may diin bawat bigkas niya sa mga salita na kanyang binitawan.
“Lumayas ka, huwag na huwag kanang magpapakita sa akin! Salot ka sa buhay ko!” Sigaw ng kanyang ina sa kanya habang tinatapon ang kanyang mga damit sa labas ng kanilang bahay. At kinaladkad siya palabas.
Lahat ng kanyang gamit ay nasa labas na ng kanilang bahay. Nagsisimula nanamang tumulo ang kanyang luha.
“Mama, huwag ako ang palayasin mo! Iyang hayop na Condrado ang dapat mawala sa buhay natin!” Sigaw niya ngunit hindi na siya pinakinggan ng ina. Pabagsak nitong isinarado ang pintuan at hinayaan siya manigas sa lamig sa labas ng bahay.
“M-mama!” Hagulgol niyang tawag sa ina. Ngunit wala na yatang pag-asa na pakinggan pa siya ng ina kaya isinilid niya sa kanyang kanang bag ang nagkalat na damit sa balkonahe.
Nang maipasok na ito sa loob ay napagdesisyunan niyang magpaulan nalamang at maglakat patungo sa bahay ng kaibigang si Alice.
Kakalabas palang niya sa balkonahe ay nangangatog na siya sa ginaw at basang basa na. Subrang dilim ng paligid at wala ng ibang sasakyan pa ang dumaan. Kahit hirap na hirap siyang maglakad ay pinilit niya parin.
Nasa gitna siya ng sementadong daan naglakad. Sa isip niya wala nanamang sasakyan pa ang dumaan.
Wala siya sa sariling naglakad. Patuloy lang sa pag-iyak at kasabay ng ulan na dumaloy sa kanyang mukha.
“Ang malas m-malas ko sa buhay. Bakit ako pa? B-bakit? Sana hindi nalang ako nabuhay kung ganito man lang. P-puro nalang pasakit at paghihirap. Bakit hindi nalang ako mamatay! Mismong ina ko ay a-ayaw akong paniwalaan. Bakit ganito? Nahihirapan na ako! ” Himihikbi niyang kausap sa kawalan habang wala parin humpay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Sa malakas na at pagmumuni-muni niya ay hindi niya napansin ang ang sasakyan na palapit na sa kanya.
“Lord ito na ba ang liwanag na susundo sa akin? Kukunin niyo na po ba ako?” tanong niyang muli habang tanaw ang ilaw.
“Beep beep!” Malakas na busina ng sasakyan ngunit hindi ito pinakinggan ng dalaga nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa nasa likuran na niya ang sasakyan.
“Miss magpapakamatay kaba? Kung magpapakamatay ka ay huwag kang mandamay ng ibang tao!” Malakas na bulayaw ng binata sa loob ng sasakyan ngunit wala man lang naging reaction si Misale sa sinabi ng binata at kahit na muntik na siyang mabundol.
Nilingon niya ang sasakyan at bigla nalang nawalan ng malay. Agad na lumabas ang binata sa loob ng sasakyan at hindi ininda ang malamig na ulan na bumuhos sa kanya.
Nasalo niya ang dalawang walang malay at nanginginig sa subrang ginaw. Kinarga niya ito ito at isinakay sa front seat. Ipinasok din sa backseat ang basang-basa na bag nito. Muli siyang pumasok sa driver seat at inabot kanyang tuyong jacket at ginawang kumot sa kawawang dalaga.
“Sino ba kasing tanga ang naglalayas sa gitna ng malakas na ulan? Saan ba kita e uuwi, miss?” tanong niya sa tulog na dalaga at pinaandar na ang sasakyan.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. hala bat ang tagal niya mag updateπŸ€”πŸ€”πŸ€”ilang araw na ehh gusto kona mag basaaaaaaaaaπŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

  2. mukhang nakita na ni misale ang the one niya ayieeee πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜

Leave a Reply


top