πππππππ ππ: ππππππππππ πππ πππ /
ππππππππ πππ πππ πππππππ
ππ΄π°π³ π±π΄π΅πΎππ΄ ππ΄π°π²π β
“Baby.” Ang chat sakin ng boyfriend ko, agad akong napangiti ng maramdaman ko ang pag lalambing niya sa chat niya sakin.
“Bakit?” I asked him, matagal siya bago nag reply kaya ilang minutes pa akong nag hintay.
Ayuko naman magalit sa kanya kung late reply siya, naiintindihan ko naman kung may ginagawa pa siya, hindi naman ako tulad ng iba dyan na kunting late reply lang ay nagagalit na agad, kailangan din natin respetuhin kung ano man ang ginagawa nila.
Isa pa ay kailangan rin natin mag tiwala sa kanila para iwas away at tampuhan.
“Iinom sana ako, baby ei nag aaya kasi ang tropa… promise kunti lang baby.” Ang chat niya kaya naman wala akong nagawa kundi ang payagan siya.
“Basta siguraduhin mo lang na kunti lang ang iinumin mo. Yung kaya lang ng sarili mo.” Ang reply ko sa kanya, hindi kasi porket jowa na natin sila, pwede na rin natin silang pag bawalan ng gusto nila
Ang sabi nga ng iba, may karapatan parin sila pero may limitasyon na.
“I promise baby.” Ang chat niya pa, nakita kung nag off na rin agad ito kaya hinayaan ko na lang at nilibang ang sarili ko sa ibang bagay habang hinihintay siyang muling mag chat.
By the way I’m Elaine and Bryan is my three years boyfriend.
Ang relasyon naming dalawa ay hindi perpekto, minsan nag aaway, nag tatampuhan pero inaayos din naman agad naming dalawa.
Ang sabi pa nga ng iba, ganun naman talaga pag mahal mo diba, handa kang mag tiis makasama mo lang siya.
I’m grade 11 and he’s grade 12, mag kaiba kami ng school ng pinapasukan.
Ang layo kasi ng bahay namin sa bahay nila kaya parang LDR na rin lang kami, minsan lang kami kung mag kita pero sinusulit naman naming dalawa pag mag kasama na kaming dalawa.
Iminulat ko ang mata ko ng marinig ko ang pag tunog ng cellphone ko, nakatulog na pala ako kakahintay sa chat niya.
“Baby.” Yun ang laman ng chat niya sakin.
“Bakit umaga ka na nag chat Bryan?” Yun agad ang reply ko sa kanya sa imbis na batiin siya ng good morning.
“Ang sabi mo, hindi ka mag lalasing? Anong nangyari?” Ang muling chat ko sa kanya.
“Ano kasi hindi ako pinayagan ng tropa ko na umuwi ng maaga kaya nalasing ako baby.” Ang reply niya kaya kumirot ng bahagya ang dibdib ko, okay lang lagi naman napapako ang pangako.
“Okay.” Ang chat ko sa kanya, paulit ulit siyang humingi ng sorry dahil sinuway ko raw ang bilin niya kaya, muli na naman kaming nag kabati.
Ganun ako karupok pag dating sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na darating sa point na hindi na kami mag kaintindihan.
“Elaine, diba sinabi ko sayo mag chat ka naman sakin?” Ang sabi nito, hindi agad ako nag reply dahil may inutos muna saglit si mama sakin kaya yun na muna ang inuna ko, na seen kona rin ang ilang chat niya kaya nasisiguro akong galit na naman yun, mag papaliwanag na lang ako mamaya.
“Baby, sorry ang dami ko kasing tinapos wala pa nga akong pahinga.” Ang chat ko sa kanya.
“Okay.” Ang chat niya, nasaktan ako dahil dun pero sinuyo ko parin siya.
“Baby sorry na po, wag na magalit.” Ang muling chat ko pero tanging likes lang ang reply niya, so I decided na mag video call sa kanya.
“Baby sorr…” Agad naputol ang sasabihin ko ng malulutong na mura ang natamo ko.
“Ang potah Elaine nag ML ako.” Ang galit niyang sabi.
“A-ay pasyensya ka na Bryan sige tapusin mo muna yang ML mo.” Ang sabi ko at saka pinatay ang tawag, tumulo ang luha saking mga mata dahil ang bigat na ng pakiramdam ko, sobrang nasasaktan ako.
Ilang oras pa bago siya nag chat kaya agad ko yung tiningnan habang tumutulo parin ang luha saking mga mata, kanina pa naninikip ang dibdib ko dahil wala parin akong tigil sa pag iyak. Iwan ko ba pero sobrang napaka emosyonal ko.
“Ano, hindi ka na busy?” Ang chat niya kaya nag type agad ako kahit malabo ang mata ko dahil sa luha.
“Yes po.” Isang like muna ang nireply niya bago nag chat muli.
“Okay, sige matutulog na ako. Bukas na lang. Bye.” Ang reply niya sakin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinasaktan ko na rin ito dahil na iinis ako na nasasaktan.
Ang sakit lang kasi hindi niya ako maintindihan, nasasaktan ako dahil hindi niya man lang ako kinausap ng maayos at naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong oras sa kanya, hindi ko siya napagtuunan ng pansin kanina, pero hindi naman dapat umabot sa ganito diba?
“Good morning.” Ang maaga kong bati sa boyfriend ko, agad din siyang nag reply ng same.
Ang sakit na ng...