Embracing The Darkness🍁☪
📚Kabanata 7📚
Malakas ang kabog sa dibdib ko matapos kong kumanta na hindi ko alam kung bakit ko ginawa.
Patuloy pa ding nakasarado ang mga mata ko. Ayokong makita ang reaksyon nila. Ano ba kasing naisipan mo Kendra at bigla ka na lang kumanta? Halos tuktokan ko ang sarili.
Ilang minuto ng tahimik sila kaya naman unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita agad si Madam na nakaharap na at nanlalaki ang mata. Maging ang mga kasamahan ko ay gulat na at nakanganga pa.
Bigla ay pumalakpak si Madam at niyakap ako ng mahigpit. Hanggang sunod-sunod na silang nagpalakpakan na para bang tagumpay ang concert ko.
“Perfect Kendra! Bravo! Hindi ko alam na magaling kang kumanta para kang professional singer! Tiyak kong mas dadayuhin tayo ng parokyano kung ikaw ang aawit sa entablado! Nasasabik na akong isalang ka! Umawit ka! Kung gusto mo ay iyon lang ang magiging trabaho mo. Sabay tayong kikita ng malaki! Ano? Tatanggapin mo ba?!” Sabik na sabik na sabi ni Madam na aakalain mong nanalo sa lotto kung mangutitap ang mata.
“Naalala ko tinanong kita dati maging ni Madam kung kumakanta ka pero ang sagot mo ay hindi. Anong nangyari? Bakit bigla ka na lang kumanta kanina?” Nagugulohang tanong ni Cherry.
“Ano pa ba Cherry eh di para magpapansin. Tss. Masyadong pabida, kairita.” Iritadong sabat ni Magaling.
“Tumigil kayo Cherry at Magaling! Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga nakita ko na ang hinahanap ko! Ano Masarap? Kailan mo gustong sumalang?” Nakangiting tanong ni Madam.
“Madam! Paano naman ako?!” Angal ni Magaling na halatang nagagalit na.
“Eh di ano pa? You’re out! You’re fired boses bato ka kasi!” Napatingin kami sa sumabat na iyon na nanggagaling sa likod ng mga kasamahan ko kaya naman ng humawi sila ay nakita ko si Maharot na may dalang supot ng mga pagkain at nakangiting kumaway sa akin at nagthumbs up.
“Ano namang ginagawa mo dito? Ikaw ang fired na tanga! At hindi ikaw ang kausap ko!”
“Pake ko sayo. Ikaw ang tanga, hindi ako fired kung hindi ako ang nagresign kasi mayaman na ko. Hindi ka ba na inform? Puro kasi suso.” Pangsusupla naman ni Maharot na umani ng tawa sa amin. Nawala na tuloy ang pagkagulat ko sa naging feedbacks nila sa pagkanta ko bigla. Hay naku ito talagang babaeng ito hindi papatalo. Dati kasi silang magbestfriend si Magaling at Maharot kaya ganiyan na lang ang galit nila sa isa’t isa ngunit ng dahil sa isang costumer na naging parte ng buhay nilang dalawa ay nasira ang pagkakaibigan nila.
“Girls tama na iyan. I miss you Maharot.” Ani ni Cherry na nagsaway sa dalawa.
“Miss you too Baks!” Sagot naman ni Maharot na lumapit at yumakap pa kay Cherry.
“Magaling pasensya ka na pero alam mo namang tinanggap lang kita na maging manganganta dahil wala akong pagpipilian. At nasabihan naman kita na temporary lang iyon habang wala pa kong nakikitang papalit kay Maharot. Siguro din naman ay aware ka sa resulta, kakaunti na lang ang parokyanong dumadayo dito. May isa pa ngang costumer na lumapit at nagreklamong wala daw emosyon ang pagkanta mo na alam naman na natin.” Wika ni Madam na seryoso na. Nakita ko namang umirap sa akin si Magaling at halatang nanggagalaiti.
“Ano Masarap?” Muling wika ni Madam na nakabaling na sa akin.
Kinakabahan akong tumingin kay Maharot na tumango lang sa akin.
“Ano kasi Madam…may problema. Hindi ko alam pero parang may stage fear ako o audience fear. Nagpapractice kasi kami dati ni Maharot dito pero palagi akong nanginginig at nasusuka kapag nasa stage na.” Nahihiyang pag-amin ko.
Bigla ay tumawa ng malakas si Magaling na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
“Tanga number 2. Magkaibigan talaga. Ano Madam? Tatanggapin mo pa din ba iyan? Baka maubos ang parokyano mo kapag inatake iyan ng stage of fear kuno niya.” Sabad muli ni Magaling na nakangisi na sa akin na hindi ko na lang pinatulan. Habang si Maharot naman ay pinipigilan ni Cherry na sugorin si Magaling.
Tahimik na napahalukipkip si Madam at bahagya pang nangungunot ang noo at tinitingnan ako waring nag-iisip.
“M-Maskara…” Mahinang sabi ni Maalindog na nakatayo na pala at nasa tabi na nila Matamis.
“A-Anong sabi mo Marie?!” Gulat na tanong ni Maharot.
“Maskara. Hindi ba Ate noong unang beses akong sasayaw...