π—¬π—’π—‘π—š π— π—”π—•π—”π—œπ—§ π—žπ—” π—£π—˜π—₯𝗒 π—¦π—œπ—₯π—”π—¨π—Ÿπ—’


π—¬π—’π—‘π—š π— π—”π—•π—”π—œπ—§ π—žπ—” π—£π—˜π—₯𝗒 π—¦π—œπ—₯π—”π—¨π—Ÿπ—’
(π™Ύπ™½π™΄πš‚π™·π™Ύπšƒ)
Naglalakad ako sa hallway ngayon dahil papunta ako sa faculty room para kunin ang card ko.
Ako nga pala si Patrick 4th year high school.
Maraming students akong nakasalubong kasama ang parents nila para magkuha ng card nila.
Napadaan ako sa hagdan papuntang principal’s office.
May nakita akong matanda nasa edad 66, nakatayo sa gitna ng hagdan kaya nilapitan ko ito para tulungan.
β€œTulungan kona po kayo, ” hindi naman ito umangal dahil parang hinahapo pa siya.
Tinulungan ko siya pababa ng hagdan.
β€œIsang step nalang po, ” nag alinlangan pa itong bumaba pero tinulungan kona para matapos na.
β€œAyan po, okay na, ” nakangiti kong sambit pero tanging sama ng tingin ang binigay nito sa’kin dahilan ng mawala ang ngiti ko sa’king labi.
β€œB-bakit po ganyan kayo...


maβ€”aray!” sigaw ko ng paluin ako ng payong na dala niya.
β€œTarantado kang bata ka! ” sigaw nito sa’kin.
β€œBakit po?! ”
β€œSa taas ang punta ko! Nagpapahinga lang ako sa gitna dahil napagod ako pero anong ginawa mo! ” ang sama ng tingin nito sa’kin.
Maraming students at parents ang napapatingin sa pwesto namin.
Napapakamot nalang ako sa batok ko dahil para akong bata pinagalitan ng lola dahil bagsak Ito.
β€œLola hindi ko naman alam, ” nahihiya kong sagot.
β€œPakialamero ka kasi, ” sambit pa nito.
β€œGanon po ba, sige po umakyat na kayo ulit kailangan kona din umalis e, ingat po lola, ” mabilis akong tumakbo palayo sa kanya baka mapalo pa ako ulit.
Naririnig ko pa ang pagtawag nito pero hindi kona siya nilingon.
Haysssssss.
Ang hirap maging mabait inaabuso.
End.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top