NAKATANGO lang si Claire habang patuloy sa pagsesermon ang nanay niya.
“Nay, naman wag ka nang magalit.” Tumayo siya at lumapit sa nanay niya para lambingin.
“Claire naman, sayang kasi yon eh. Sa magandang school ka nag-aaral, sigurado na ang kinabukasan mo roon,” sabi ng nanay niya habang napahilot sa sentido nito.
“Nay, magtatrabaho nalang po muna ako kagaya ni Jellaine para po makatulong ako sa gastusin dito sa bahay at makapag ipon ng pang enrol sa ibang school.” sabi niya saka niyakap ang kanyang ina.
“Bakit? Hindi ko ba kayang kumayod para makapag aral ka. Lahat kaya kong gawin para mas mapa-ayos ang buhay mo, Claire kaya makisama ka naman.” nakikiusap na sabi ng nanay ni Claire.
“Sorry na Nay. Alam ko kasing hirap na hirap na kayo sa paglalabada at pagtitinda ng kung ano-ano. Gusto ko po sanang matulungan kayo, baka magkasakit na kayo sa sobrang daming ginagawa niyo.”
Kahit sinong magulang na nasa posisyon niya ay magagalit din.
Basta na lang si Claire umalis ng Santiago University at agad siyang umuwi sa kanilang lugar. Basta ang nasa isip niya lang ng mga panahong yon ay gusto na niyang makawala kay Rain, ayaw na niya itong makita. Ayaw na niyang makita si Rain dahil natatakot na siya kung saan tutungo iyong nararamdaman niya.
“Kumain ka nga ng maraming marami, tignan mo nga yang katawan mo. Ang payat payat muna.” napapailing na sabi ng nanay niya.
“Si Nanay talaga ang OA .” nakasimangot na sabi ni Claire.
Natigilan silang pareho nang may kumatok. Napakunot noo si Claire.
“Nanay, may lovelife kana?” inirapan siya ng nanay niya at binatokan.
“Aray!”
Nagtungo na ang nanay niya sa pinto para buksan kung sino man ang kumakatok, tinikman naman niya ang niluto ng nanay niyang kare-kare.
“Claire, nandito ang kaibigan mo!”
“Si Jellaine ba yan?” tanong niya at saka uminom ng tubig.
“Hindi anak, lalaki!”
Napakunot noo si Claire.
πSino naman ang kaibigan kong lalaki na pupunta?π
Natigilan si Claire na pumasok ang nanay niya na nasa likod ang tinutukoy niyang kaibigan niya.
πAnong ginagawa niya rito?!π
“Naku, hijo, umupo ka muna.” sabi ng nanay niya.
Bago pa makaupo si Rain, agad si Claire tumayo at hinawakan sa braso si Rain.
“Naku Nay, uuwi na po siya eh. Sige Nay, ihahatid ko lang siya sa labas.”
Bago pa makasagot ang nanay niya ay hinila na niya si Rain palabas ng bahay, tumigil sila sa tapat ng gate. Naiinis na hinarap niya si Rain.
“Bakit ka nandito Rain?” nakapamaywang na tanong ni Claire.
“Bumalik ka na,” sabi pa ni Rain habang nakatingin siya ng seryoso kay Claire. Napangiti naman si Claire ng mapakla sa sinabi nito.
“Oo talagang babalik na ako sa loob at ikaw, bumalik ka na sa lungga mo!”
Babalik na sana si Claire sa loob ng bigla siyang hawakan sa braso.
“H-hindi na kita aawayin.” sabi nito.
Natigilan si Claire sa sinabi nito, napatingin siya sa mukha nito. Walang bahid ng pagbibiro sa mga mata nito.
“Ano ba kayong dalawa?! Magtititigan na lang ba kayo diyan? Walang forever, oy!” Napaiwas agad si Claire nang marinig ang boses ng nanay niya.
“Umuwi ka na utang na loob” seryosong sabi ni Claire saka agad na pumasok sa loob.
Napabuntong hininga si Claire at bumalik na sa hapag.
πNakakainis, ganadong ganado ako kanina. Ngayon wala na akong ganang kumain. π
“Ano ka ba naman anak? Bakit mo tinataboy ang poging ito? Hijo, wag mong pansinin yang anak ko. Umupo ka muna rito. May aasikasuhin lang ako sa labas.”
Napairap siya sa nanay niya.
π Kung alam lang sana ni nanay kung ano ang pinaggagawa ni Rain sakin sa school. π
“Hindi mo ba akong yayayaing magkape?”
“Ang kapal!” bulong ni Claire na naririnig naman ni Rain. “Umuwi ka na, wala kaming stock na kape.” masungit na sabi ni Claire.
Pumasok na ang kanyang nanay mula sa labas. “Hijo, matanong kita. Boyfriend mo ba tong anak ko?”
Nasamid si Claire sa tanong ng nanay niya, agad naman siyang inabutan ng tubig ni Rain. Gusto sana niyang mag inarte kaso nasamid siya kaya kinuha nalang niya.
“Nanay naman!” naiinis na sabi ni Claire, tinawanan lang siya ng nanay niya. Nawindang siguro ito dahil may kaibigan siyang lalaki.
“Alam mo hijo sayang lang talaga at hindi ako masyadong kamukha ng anak ko pero mapapagtiyagaan naman ang mukha niya kahit papaano kaya salamat at pumatol ka sa anak ko.”
Tinignan niya ng masama si Rain, habang pigil na pigil sa pagtawa.
“Hindi ko po boyfriend yang lalaking yan, nay!” sabi niya at simpleng inirapan si Rain.
“Nga pala hijo, ano pala ang pangalan mo?”
“Rain po,” magalang na sabi nito.
“Rain, as in ulan?” tanong ng nanay niya. Ngumiti si Rain at tumango.
“Schoolmate kayo ni Claire diba? Pilitin mo naman siyang bumalik sa school. Itong batang to, sinasayang ang opportunity,” napapailing na sabi ng nanay niya.
“Nandito po talaga ako na kumbinsihin siyang pumasok,” sabi naman ni Rain.
“Bakit ba ayaw mong bumalik sa school mo? Hindi ka ba okay roon? May nang aaway ba sayo roon?” tanong ulit ng nanay niya.
“Actually, Im also here to apologize because————”
Hindi na naituloy ni Rain ang sasabihin ng hinawakan ni Claire sa ilalim ng mesa ang kanyang kamay. Gulat na napatingin si Rain sa kanya. Ibinaling niya ang tingin sa nanay niya at ngumiti.
“Wala nay, wala akong kahirap-hirap sa school na yon. Mababait ang mga kaklase at schoolmates ko. A-ang dami ko nga pong kaibigan don eh. Ikaw lang talaga ang iniisip ko kaya ako bumalik dito,” sabi pa ni Claire.
Tumingin lang sa kanya si Rain.
ππππππππππππ
“Kailan ka aalis dito?” masungit na tanong ni Claire.
Nandun sila sa may sala kaya makakapag usap na sila ng maayos ni Rain.
“Aalis ako kapag kasama ka. Baka gusto mong si Mark pa ang sumundo sayo dito, baka pumayag ka. Sa tingin ko kasi may gusto sayo si Mark.” nanunuksong sabi nito at pinisil ang ilong ni Claire.
“Paano mo naman nasabi yan? At saka hindi naman niya nasasabi na may gusto siya sa akin.”
“Dahil hindi niya gustong sabihin sayo……. well, ramdam ko gusto...
tagal
maganda ang story sna lng hindi bitin
next please