The_lost_daughter Chapter_34


Mom..Dad..agad na sigaw ni Syra pagkarating niya sa pinagtataguan nila armando at mariel.
Oh bakit ngayon ka lang nagpakita samin syra inis na tanung ni mariel.
Ano ba pinag gagawa mo?
Busy ako..busy ako mom..busy akong guluhin ang buhay ni chuchay hindi ako titigil hanggat hindi ko mapatay ang babaeng yun,kaso me sa pusa ata hindi mapatay patay inis nitong sabi.
Alam niyo bang kunti na lang sana mapatay na sana nmin yang si chuchay.
Nakita kasi namin ni Bryan na dinala lahat ni Don federico mga tauhan niya kaya sinugod namin ang mansyon.
Kaso itong pakialamerong ex husband ko dumating ang daming bitbit na pulis hinabol pa kami kainis.
Mom pahingi pa lang pera diyan kailangan ko lang ngayon.
Nku..wala nakung pera dito,natalo ako sa casino nung isang linggo malas,inis na sabi ni mariel.
Dad..ikaw!? Kailangan ko talaga nang pera ngayon,wala nku panggastos sa pinagtataguan namin ni bryan.
Bakit kasi doon kapa magtago pwede naman dito kasama namin ng dad mo.
Masaya dun mom,dito kasi boring kayong kasama,agad na sabat ni syra na tinatawanan ang ina.
Ano!?
Wala mom,sabi ko mabuti na yung kayo lang na dalawa ni dad dito masolo niyo ang isat isa diba dad?
Palabiro ka talagang bata ka,sabi ni mariel na halatang kinilig pero si Armando walang pake at mabilis lang tinawag ang kanyang tauhan.
Jack,sigaw ni armando.
Agad naman lumapit ang napakalaking tao na one eye..
Yes sir…
Pakibigyan nga nang pera to si syra para umalis na.
Nang marinig naman iyun ni syra ay agad nilapitan ang Kanyang dad.
Da best Ka tlga dad,hindi tulad kay mommy wala na ngang pera nagsusugal pa inis na sabi ni syra habang niyayakap ang braso nang daddy niya.
Pagkabigay nang pera ay agad naman umalis si syra..
Saan naman punta mo niyan,agad na tanung ni mariel sa anak.
Doon kila bryan,mag iisip nang plano kung pano o anong paraan para guluhin si chuchay.
Sa mansyon nang mga fernandez ay busy ang lahat nang tao sa kaarawan ni Cristine..
Manong dito mo yan isabit yung mga balloon,dito naman yung mga upuan utos ni chuchay sa mga tauhan na busy ang lahat.
Excited din kasi siya sa kaarawan ngayon nang anak,ito kasi ang pangalawang birthday nang anak na kasama siya at siya mismo ang naghanda.
Dumating naman si christian dala dala ang isusuot nang anak na gown na sleeping princess napaka cute nito.
Nang maready na ang lahat pati si mom at dad ay tuwang tuwa bumaba nang mansyon para tingnan ang Napaka cute nila na apo.
Unti unti narin nagdagsaan ang mga bisita pero bago sila pumasok kailangan muna sila icheck nang guard,inimbitahan namin ang mga anak nang tindero at tindera sa palengke,at mga anak nang kapitbahay namin dati nila ondo at cynthia.
Dumating narin ang mga malalaking mascot na mickey mouse,garfield at tyaka ang mascot na tom & Jerry.
Tuwang tuwa si cristine na makita ang malaking pusa.
Sinimulan na nga ang mga palabas at palaro nang mga bata,si cristine nasa harap karga karga ni cynthia na nakaupo.
Sila mom nman at dad ay nakaupo sa gilid nanonood nang mga laro nang mga bata.
Habang ako naman ay nasa gilid nakatayo tinitingnan si cristine na tuwang tuwa sa birthday party niya.
Ang saya ni cristine pero sasaya pa yan lalo ang anak natin kung makita niya taung magkasama,agad na sabi ni christian nang tinabihan ako sa pagkakatayo.
Magkasama naman na tayo ah,agad kung sabat kay christian habang ang mata ko ay nasa anak namin.
Chuchay,..
Napatitig ako nang marinig ang boses ni christian na seryoso ito.
Ano ba’t napakaseryoso nang mukha mo ngayon,agad kung tanung.
Nagulat naman ako nang bigla siyang may kinuha sa bulsa niya.
Pinakita niya sakin isang sing sing,napakagandang singsing kahit hindi na ito nakalagay sa isang maliit na kahon.
Chuchay please marry me,mahina nitong sabi.
Natulala ako sa sinabi niya at napatitig sa kanya nang matagal,dahil sa puso ko yun din ang hinihiling ko ang magkasama na kaming tatlo nang anak namin at mabigyan nang kumpleto at masayang pamilya si Cristine.
Ye..
Christian si Cristine sigaw ko nang makitang ang kapal nang usok sa party kung saan ang mga bata halos di na makita ang mga tao.
Nagtakbuhan narin ang ibang mga bisita.
Agad naman kami tumakbo at lumapit sa malaking usok para kunin si cristine,at ang ibang mga tauhan nmin sa mansyon ay nagsitakbuhan narin papalapit sa usok ang bilis nang pangyayari nag iiyakan na ang ibang mga bata at nagsigawan ang mga nanay habang tumatakbo.
Booommmm..malakas na pagsabog ang narinig kaya nag siyukuan agad...


ang lahat..
Habang si Donya Jana naman ay bumalik ang trauma dahil sa narinig na pagsabog,nahulog Ito sa wheelchair..
Bb…baby..Ja..Januz sigaw nito habang humagolhol sa iyak..
Baby Januz..
Nang marinig iyun ni Federico nakaramdan siya nang tuwa nakapagsalita na ulit ang asawa niya agad niya itong niyakap,habang yakap yakap niya ang asawa ay patuloy parin ang pagsambit nito sa dalawang anak.
Unti unti narin nawawala ang usok at tanaw ko na si Cynthia kaya agad ako tumakbo para lumapit sa kanila.
Kinabahan ako nang makita si cynthia wala itong malay at wala na sa kanya si Cristine..
Cynthia..cynthia sigaw ko habang niyoyog siya.
Philip boknoy ondo,sigaw ko hanapin niyo si cristine nawawala ang anak ko.
Agad naman sila nagtakbuhan nilibot ang buong mansyon pero wala.
Hindi nila makita si Cristine..
Cristine baby sigaw ko..
Christian anong gagawin natin nawawala si cristine.
Janelle tinawagan ko na si Alex na tulungan tayo mahanap si Cristine agad na sabi ni daddy.
Stop crying…sigaw ni syra kay cristine na panay ang iyak nito sa loob nang sasakyan.
Kasama ang mga malalaking mascot na mga tauhan pala niya.
Inikot na nila ang malapit na lugar malapit sa mansyon nag palagay narin nang checkpoint si General alex pero hindi tlga nila ito nakita.
Nagsikalat at nagkanya kanya na sila nang hanap kay cristine.
Nang may magtxt kay chuchay.
Punta ka dito sa lumang building malapit nang JF company,ikaw lang mag isa wag kang magsama nang kahit sino,kung hindi ihuhulog ko to si cristine.
Agad ko naman pinuntahan ang adress na binigay niya.
Pagdating ko sinalubong nku agad ni bryan .
Ikaw lang ba mag isa,agad nitong tanung.
Oo..
Punta ka don sa rooftop andun anak mo.
Nang marinig ko yun ay agad ako tumakbo papuntang rooftop.
Lumingon lingon ako nang marinig ko ang tawag ni syra.
Chuchay,dito kami..
Kita ko hawak niya sa kamay si Cristine.
Baby mahina kung sabi..
Syra wag mo idamay ang batang walang kamuwang muwang sigaw ko.
Nilibot ko ang paningin ko kita ko ang rooftop na wala itong harang bawat dulo at bawal dulo may laruang nakatali..
Cristine baby,go get your toys agad na sabi ni syra.
Na nagpakaba sakin.
Syra dimonyo ka talaga nagsisi naku kung bakit di kita pinatay noon.
Agad naman binitawan ni syra,ang pagkakahawak kay cristine.
Go baby get your toys sabi nito at humagikhik nang tawa.
Kita kong dahan dahan naman na lumakad si cristine papalapit sa nakasabit na laruan kaya tumakbo ako para kunin siya nang bigla hinila ni syra buhok ko at pinagsasampal ako,gumanti naman ako sinuntok ko siya at tinadyakan kaya napa atras siya,akma akong lalapit ulit kay cristine nang hinablot niya naman buhok ko at sinapak hanggang sa matumba kami,ang mga mata ko ay nanatili lang nakatingin kay cristine kahit panay na sampal ni syra sa mukha ko.
Kita kong huminto si cristine sa paglakad at tumingin samin ni syra.
Kaya binaling ko ulit ang tingin ko kay syra agad ko naman siya binalibag kaya siya naman ang nasakyan ko sinabunutan ko siya agad at pinagsasampal,nang matanaw ko naman si cristine na tinuloy ang lakad..
Kaya agad naman din ako tinumba ni syra at hinila habang nakahiga sa sahig.
Ang mga mata ko ay nasa kay cristine parin hanggang sa makita ko na nakalambitin na ang ulo ko,kita ko na sa baba ang mga sasakyan dumadaan na ang liit na lang nito tingnan dahil sa sobrang taas nang building.
Nilingon ko naman ulit si cristine kunti na lang aabutin na niya ang laruang nakasabit,habang patuloy ang pagsakal sakin ni syra nasa kay cristine parin ang aking mga mata.
Nang makita kong aabutin na ni cristine ang laruan,ibinigay ko ang lahat nang lakas ko at hinawakan ang dalawang kamay ni syra at itinukod ko sa kanya ang paa ko at malakas na binaliktad si syra dahilan nang pagkahulog nito sa building..
Syra sigaw ko pero mabilis ang pagbagsak nito.
Natulala ako saglit nang makitang nahulog si syra,nang bigla kong maalala si cristine agad akong tumayo at pinigilan siya na kunti na lang mahuhulog nrin ito.
Napabagsak ang upo ko sa sahig nang makuha at nayakap ko na si cristine.
Bang..bang..rinig ko naman ang putok nang baril sa baba!
Maya maya naka akyat narin si christian sa rooftop at agad kami niyakap ni cristine.
Ok lang kayo,agad na tanung ni christian habang mahigpit na yumakap samin.
Si syra,christian nahulog siya nahulog siya sa building umaagos ang luha ko nang sabihin iyun kay christian.
Tama na..tama na hindi mo kasalanan yun chuchay,ginusto niya ang maging masama..
Kaya sinisingil na siya…
Itutuloy…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Ang galing

Leave a Reply


top