Munting Pangarap Ni Esang Kabanata 40


DahiL sa kapatawarang iginawad sa akin niLa tito ay pakiramdam naming magkakapatid ay nanalo kame sa lotto ..mas higit pa nga dun kung tutuusin ey.. Walang halagang makakapantay sa sayang nararamdaman namin.. Bumalik na ang aming mapagmahal na mga maguLang ❤ ..
MabiLis lumipas ang araw ..
Nandito kame ngayon sa likod bahay at naglalaro ng piko.
Masaya kameng naglalaro ng piko ng mga kapatid ko..
Yung piko yun yung laro na parang hugis tao..na nakaguhit sa lupa.. Basta pagniLaro mo to ay kailangan may pamato ka at tapos tatalong talon ka at dapat di mo maapakan ang guhit…
Wala ngayon sila tito… Nasa bayan siLa.. MamimiLi sila ng panghanda sa Pasko.. Pansit lang naman at biko. Pero para sa amin ay napakasarap na nun at napakabongga na ng Pasko namin pag may biko at pansit kame sa hapag na pagsasaluhan..
Pawis na pawis kame sa pagLalaro.. Ok lang nman kase naasikaso narin naman namin lahat ng gawaing bahay.. Nakapagsaing na si Boboy habang nagLalaba ako.. Makapag igib na rin si Long ng tubig na gagamitin kapag naghuhigas kame.. Nagtulungan kameng tatlo samantalang si Marya..ewan kong saan na nman gumala..
Noong makaramdam na kme ng pagod ay saka naman dumating si Marya.. At ang dami nyang dalang Chetcheryang ZOMZOM ..pag binuksan mo ito ay may makukuha kang laruan sa loob..
Nagtaka kame kse binigyan nya kame ng tig tatlo saka tatlo din kanya… Di na kame nagdalawang isip at tinangggap ito..
Kinahapunan ay hinanap ni tita ang pera nya.. Kulang daw ito ng 12pesos.. Kaya agad naming itinuro si Marya dahiL sya lang nman lagi ang salarin sa pangungupit kay tita…
Pinalo si Marya ng tsinelas at galit na galit sya sa amin… Tinawanan lang namin sya nina Long at Boboy..
Minsan talaga may karma din talaga para kay Marya… Napakatamad na ay napakamaldeta pa..
Masaya ang araw na to..
Limang araw nlang at PASKO NA.
Kinabukasan ay naglambing sa amin si tito…
Tanghali ngayon at gusto nyang magpabunot ng puting buhok sa uLo..
“Mga anak… Bunutan nyo ko ng buhok.. “,pagLalambing ni tito sa amin..
“kame pong apat?” Tanong ko agad
“Oo..
Agad kameng Lumapit sa tabi ni tito kiko… Andito. Kame sa payag.. Dito na talaga sya natutulog simuLa ng ginawa nya itong payag ..Nahiga na si tito.. Ako ang nasa uLo nya para magbunot ng uban… Si Marya nman ay sa bigote at balbas ni tito,di nman makapal angbalbas ni tito… Yung bigote lng.. Tapos si long at si boboy ay tag isang kili kili..
SinimuLan na namin ang pagbubunot kay tito.. Tig isa kameng binbin(tsane).
“Esang anak ‘dalaga ka na kaya wag ka ng masyadong malambing sa akin… “sabi ni tito..
“Bakit naman po?” takang tanong ko…
“DahiL dalaga ka na.. Kung dati pwede ka pang magpakalong sa akin o di kaya tatabi sa akin sa pagtulog ngayon ay di na pwede..Masagwang tignan yun lalo na’t di mo nman ako totoong ama.. “mahabang paliwanag ni tito
“Masama po ba yun tito? ”
“Oo nman. Masamang tingnan .kung sa atin...


walang malisya sa ibang taong makakakita ay baka masamain at sabihing binabastos kita o baka mamaya sabihin nilang may relasyon tayo.,ang isip kase ng bawat tao ay iba iba.. “,sabi pa neto..
“Ah cge po tatandaan ko po. “,sabi ko.
“Nakakatuwa nman may dalaga na kong anak saka may dalawa na ring binata.. Nararamdaman ko na talagang matanda na ko.. .. “sabi netong maluha luha..
Di ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni tito sa mga sinabi nya pero saka ko nlng iisipin yun basta kung ano yung sinabi nyang wag ko ng gagawin ay susundin ko nlang.. Mamaya itatanong ko nlng kay tita bat nasabi yun ni tito sa akin..
“tito pwede ba wag kang malikot? Daldal ka ng daldal sige tuloy ng galaw ng baba mo. Di ko mabunot ng maayos tong bigote mo “, sabi ni Marya na atat na atat matapos para makapaglakwatsa.
Natawa nman si tito sa sinabi ni Marya kaya natahimik ito sagLit. Si Long at Boboy ay serysuso sa pagbubunot ng buhok ni tito sa kili kili..
“Long? May nililigawan ka na ba? “,si tito ulit na parang di sanay sa katahimikan. Hahaha
“Meron po ko kras pero ayaw ko pa po manligaw “, pagtatapat ni Long dto ng totoo..
Akala ko magagalit si tito pero parang natuwa pa ito..
“bakit naman ayaw mo ligawan ..maganda ba sya? “tanong ulit ni tito
“Opo ang ganda nya kaso gusto ko muna magtapos sa pag aaral “,
“Nako… Baka maunahan ka pa ni Boboy.. “pagbibiro ni tito
“Nako.. Wag kang mag alala tito bakla po ako “, kunyareng nagbakla baklaan pa si Boboy
“Aba! I tarantado ka gusto mong lunurin kita “,bigla nalng nagalit si tito
“Biro lng tito.. Parang di mo ko kilala “,bawi agad ni boboy.
“Ayusin mo anak! Wala tayong lahing bakla ”
“Hahaha.. Opo” .si Boboy.
“Ano ba tito.. Ang kulit nyo talaga. daldal talaga ng daldal saka napapansin ko parang di mo ko anak dito.. Ako lang ata ang di mo sinasali sa mga usapan nyo.. “sabi ni Marya na parang naiiyak na..
Bigla kameng nagtawanan.. Pero si Marya halatang asar na.
“Dun ka sa tita mo.. Db lagi kayo magkakampi nun “,sabi ni tito dito..
“Isusumbong ko kayo !”sabay takbo ni Marya sa natutulog na si tita..
Tita..
Tita..
Narinig naming pagtawag neto.. Nagtawanan kameng mga natira sa payag.
Bigla kameng natahimik ng mapansin naming yung tawa ni tito ay naging iyak na…
“bakit kayo umiiyak? Sabay naming tanong na tatlo.
“Kase akala ko talaga iiwan nyo na ko. Nung sabihin ng tita nyo sa akin na pinapaiwan na kayo ng kapatid ng papa nyo subrang natakot ako. Di ko pala kayang mawala kayo sa akin “,paghikbi nito
Magsasalita pa sana kame ng dumating ang nandadayo sa baryo namin na nagpipicture o nagkodak ang tawag sa baryo namin..
“Tatay baka gusto nyo po Family Picture ,tamang tama po para sa pasko. “pangungumbinse nito.
Agad pumayag si tito.. Sa kauna unahang pagkakataon magkakaroon kame ng..
FAMILY PICTURE NA MAISASABIT SA DINGDING.
-itutuloy
Goodnight 🙂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top