When a Single Mom meet the Hot CEO Chapter 25


Kate’s POV:
NABABALIW ako sa kakaisip kung ano ang pinag-usapan nila David at Michael.
Sa tuwing tumitingin sila sa aking gawi, sabay silang tumatawa na tila may mali sa mukha ko.
I can’t read their eyes. Magaling sila magtago kung ano ang tumatakbo sa utak nila.
Ako dapat ang magpaplano eh!
Pero sa pinapakita nila, halatang may pinaplano sila laban sa akin.
THE HECK!
“Pwede ba, walang nakakatawa sa ginagawa ko.”, asar kong bigkas.
Nagwawalis kasi ako ngayon ng sahig dahil naboboring na ako.
Ayaw kasi nila akong kausapin.
Kaya minabuti kong tulungan ang mga yaya dito.
At dahil sa pagkainis ko, nawalan ako ng gana.
Bumalik ako sa taas para matulog na lang ulit.
Kaso naririndi pa rin ako sa tawanan nila.
Kung hindi ko lang inere si Michael, iisipin ko talaga na si David ang totoo n’yang magulang.
Nagseselos na tuloy ako.
Dumating lang si David sa buhay namin, nakalimutan na ako ng anak ko.
“Hays!”, buntong-hininga na sambit ko sabay bato ng unan.
Akma ko na sanang ipipikit ang mata, pero naudlot ‘yon dahil sa kakaibang usapan sa ibaba.
Yes, napalitan ng seryoso ang usapan ng dalawa na animo’y may kausap sila na babae.
Pa’no ba kasi, sa mga salita palang ni Michael, halatang may ka-video call sila.
“Papa, ang ganda niya po. Mas maganda pa po siya kaysa kay mama.”, saad ng bata.
Talagang kinumpara pa ako ng magaling kong anak sa ibang tao.
“Hi, Venice. Sorry, kung ngayon ko lang nasagot ang tawag mo. Sobrang busy ko kasi, lately.”, wika ni David sa kausap niya
Venice?
Venice ang pangalan no’n?
“By the way, gusto kong ipakilala sayo si Michael. My son.”, muli nitong sabi.
Medyo gumaan ang loob ko dahil tiyak magtatanong ang babae kung sino ang nanay.
“Wow! Kaya pala ang pogi eh. Mana sa inyong dalawa ni Katrina.”, komplimentong wika ng dalaga.
What did she say?
Hindi naman yata ako bingi diba?
Malakas ang pagkakasabi no’n dahil sa speaker. Kaya hindi ako magkakamali na binanggit niya ang pangalan ni Katrina.
“Papa, sino si Katrina? Is she your girlfriend?”, tanong ni Michael.
Englishero na ang anak ko ha?
“Ex-girlfriend, Michael. Dati kong nobya bago ko nakilala ang mama mo.”, sagot ng lalaki.
Tsk. Proud na proud pa s’yang sinabi ‘yon sa bata.
“Ahm David, can I have a favor? Sunduin mo naman ako dito. Na-flat kasi ang kotse ko kaya na-stock ako dito sa lugar na malayo pa sa bahay namin.”, turan ng babae.
Ang kapal ng mukha ha?
Ginawa pang driver ang binata.
Subukan lang ni David na mag-oo, malilintikan siya sa akin.
“Sure. No problem. Just text me the address. And I’ll be there.”, tugon ng lalaki.
Gosh!
Pumayag nga!
Hindi man lang siya umayaw!
“Thank you, David. Maaasahan ka talaga. Don’t worry, aalisin ko ang pagod mo mamaya.”,
Mas kumulo tuloy ang aking dugo!
Parang gusto kong makita ang babae na ‘yan.
Kaya heto, mabilis akong napabangon at dali-daling bumaba.
Marahas kong inagaw ang phone kay David at tiningnan ang kausap para mapagsabihan ko.
Kaso ang dila ko, biglang umurong dahil sa...


nasilayan ko.
Hindi siya babae.
Hindi babae ang ka-video call niya.
“S-sino ka?”, utal na tanong ko.
“I’m Vincent. Pero Venice ang palayaw ko.”, malanding saad nito.
Halos mamatay naman sa kakatawa si Michael at David dahil sa kalokohan na ginawa nila.
“Honey, it’s a prank! HAHAHAHA. Selos na selos ka ha?”, bigkas ng binata.
Grrrrr. Nangangati ang kamay ko. At gusto ko yatang manampal.
Pero naisip ko, anak ko pala ang isa.
Mahal ko ang anak ko.
“Honey, it just a prank. Don’t take it seriously. Si Michael mismo ang nagpasimuno na gawin ko ‘yon.”, pagpapaliwanag ni David habang sinusundan ako patungo sa kusina.
Kung nagawa nila akong i-prank, pwes mag-iinarte ako ngayon para makabawi.
Akala nila, sila lang ang marunong umacting. Well, ‘wag ako. Because I can do better.
“Kate, talk to me. Hindi ako sanay na ganyan ka.”, sambit muli ng binata.
Hinarap niya ako at tiningnan ng diretsa. Akma sana nitong hahawakan ang pisngi ko, kaso iniwas ko ‘yon.
“Hindi lahat ng ginagawa mo ay nakakatawa. Minsan nakakainis na rin.”, turan ko sa lalaki at tinarayan siya.
Kumuha ako ng juice sa ref at ininom ito para kunwari mainit ang ulo ko.
“Hays. Nagrequest lang sa akin ang bata. Kaya pinagbigyan ko ang ang trip ng anak natin. So please, ‘wag mo yun seryosohin. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. Nakita mo naman siguro yung tumawag diba? Bakla siya, Kate.”, wika ulit ni David.
Gusto ko ng matawa sa itsura niya, pero pinigilan ko lang.
I want to take a revenge sa ginawa nilang pagpapaselos.
“Mama, ba’t ang drama mo? Ang panget mo kapag ganyan ka. Patawarin mo na si papa, para gumanda ka.”, turan ni Michael na talagang sumunod din sa kusina.
Kung alam ko lang na ganito ang bata, dapat sa pwet ko na siya nilabas. Tsk.
“Honey.”, tawag nito at patuloy na hinahaplos ang braso ko.
“Pwede ba David, kung magpaprank ka, ipaalam mo naman.”, inis kong saad.
“Kate, kapag sinabi kong prank ang gagawin namin, edi hndi na ‘yon prank.”, kumakamot na tugon niya.
Oo nga noh?
Medyo bobo ako sa part na ‘yan.
“Kahit na. Hindi tayo vlogger para gawin ang mga bagay na ginagawa nila.”, pagpapalusot ko na lamang.
Kagat-labi ako na tinalikuran siya at bumalik sa sofa.
But this time, kumandong ang anak ko kasabay ng pagpisil nito ng aking ilong.
“Mama, hindi po kita tinatraydor. Hindi ko sinabi kay papa na isusurprise natin siya. Basta may plano din po ako, mama.”, bulong niya at kinindatan ako.
Ano daw?
Hindi ko ma-gets ang gusto niyang iparating.
Sino ba talaga ang kakampi niya? Ako o si David.
“Mahal ko po kayo parehas mama, kaya ‘wag mong isipin na kinalimutan kita dahil kay papa.”, malambing na sabi ni Michael at niyakap ako ng mahigpit.
Hays. Nakuha niya ang kiliti ko do’n ha? Kaya yung galit ko, nawala bigla dahil sa anak ko.
“I love you too.”, mahina kong sambit.
Hinagkan ko siya ng halik sa labi para ipahatid ang pagmamahal ko sa kanya.
END OF CHAPTER 25
©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top