Meant to be? Chapter 16


Tiniis ni Ace ang sakit nang di nakakausap ang dalaga. Pero sadyang di nya kaya.
Kaya palihim nya itong sinusubaybayan sa eskwelahan nito. Gamit ang sasakyan ng isa nyang tropa.
Kompleto na ang araw nya kapag nakikita ito. Before lunch andon na sya nag aabang ng palihim.. dahil alam nyang doon ito kumakain sa carenderia sa labas ng campus. Miss na nya ang kanilang tawanan at kulitan. Si Nice lang ang nakapagpasaya sa kanya ng ganon at nakapagpabaliw.
May inuutusan syang nagbibigay ng sustento nya dito.. Ngunit paminsan minsan na lang yong lunch dahil pinatitigil na ni Nice. Pera na lang ang pinabibigay nito, at ito na lang din ang bumibili para makaiwas sa posibleng pagHihinala ng iba.
Kahit ito’y namimiss na rin ang binata. Idinadaan na lang nya sa buntong hininga at pagbuga ng hangin kapag sumasagi ito at lage lage pa talaga. “Kung kelan mo iiwasan tsaka na di mawala wala sayong isipan. KaAsar lang!” at isa pa yong sing sing.. Na di talaga nito tinanggap nong isauli nya.
Inumpisahan na rin ni Ace ang construction ng Coffee shop nya. At nagbukas din sya ng isa pang netcafe. Ang layo na nya sa dating Ace na puro liwaliw at pang tsi chicks ang inaatupag. Puro pAgpapapogi at pagpapalit palit lang ng nobya.
Ngayon ay puro si Nice ang laman ng kanyang utak, ang makaipon para sa kinabukasang naglalaro na sa kanyang isipan.
Naging mas responsable sya at tinutukan din ang pag aaral..
Nakipag bonding na rin sya uli sa mga katropa para may mabalingan ang pangungulila . Pero di maiwasan na bigla na lamang syang natutulala..
Sinubukan na nyang hiniwalayan si Khate.. Pero sinabi nitong magpapakamatay ito.Mas lalo syang naaaboredo. Kahit pa pansin nito ang pambabalewala nya. Kung sya nabaliw kay Nice ito’y patay na patay sa kanya. At nanaisin talagang mamatay..
Ang pag ibig nya kay Miss Alegre ay naging sugat sa kanya..at alam nyang ang dalaga lang din ang magiging gamot para gumaling ang sugat.
Kailangan lang nyang magpakatatag.. At paninindigan nya ang pag ibig na inilahad nya dito.
Isang hapon, andon sya sa school nito. May mahalaga kasing lakad ang congressman at wala ang isa pang driver na sumusundo kina Khate.. Kaya hinintay nila si Rica.
Pano yong anak ng driver nyo? “tanong nya kay Khate.
” Yaan mo na yon, mag ba van na lang sya. O di kaya’y mag aabang ng jeep. Never mind her..”
Napaarko ang kilay ni Ace.
Napascroll sya sa cp habang si khate ay pumulupot sa kanya, humiga sa kanyang balikat. Paparating na si Rica.
” Nice! Dali dito! ” nag iwas ng tingin si Nice ng magkatinginan sila ni Ace, at lalo na ng makita ang pagpulupot ni Khate dito. Wala namang magawa si Ace dahil parang linta kung makadikit ang katabi.
“Rica!?” saway ni Khate sa kapatid
” Isama na natin sya ate!”
” Let’s go babe..”
Naghanap ng pamasahe si Nice dahil sasakay na lang ng traysikel pa terminal at don na mag aabang ng masasakyang van. Sobrang pahirap pag wala ang papa nya o yong isang driver. Kampante kasi ang magulang nina Khate na susunduin din sila ni Ace. Sa akalang pinapasakay na rin sya.
Kunyaring may mahalagang tinitingnan sa cp si Ace kaya di pa nya binubuhay ang makina.
Pero bigla syang sumusulyap sa kinatatayuan ni Nice. Sa muling pag sulyap nya may estudyanteng lalaki ang lumapit dito , halata nyang di gusto ni Nice ang gawi ng lalaki.. Kita nya ang pag iwas nito..tumaas agad ang presyon nya. Makakapagpatumba na naman yata sya!
Agad syang nagpaalam kay Khate na mag c cr lang. Umuo naman ito at nagpaka abala na sa cp. Sinunggaban ni Ace ang pagkakataon doon sya dumaan sa likod, umikot sya para di makita ni Nice at ng lalaki.
Tumakbo na sya ng maaktuhan ang pag hawak ng lalaki sa siko ni Nice na pilit nitong binabawi.
” Ipahanda mo na ang kabaong mo gago ka!!
Ilang minuto lang ay naukopa na nya ang pagitan nila. Agad nyang inundayan ng suntok!binatukan at halos binugbog na nya. Lumabas ang galit nya, kahit ang galit nya sa nangyari sa kanila ng dalaga, inilabas nya lahat!!
” Ace tama na!!” makakapatay ka na!!
“Talagang papatayin ko ang kutong ito”
“Ang layo naman ng kuto.. Kuto talaga?”
Napatingin ito sa kanya at ilang sandali’y pay napangiti ng bahagya. Ganon din si Nice.. . Parang umikot ang paligid at tila sila lamang ang naroon habang nakatitig sa isat isa. Ngunit napagitla si Nice at nag iwas ng tingin ng dumating si Khate.
Hawak ni Ace sa kwelyo ang lalaki, putok ang labi at...


ilong.
May dumating ding binata na naka black shirt.
“Ayos ka lang? ” sabay alalay nito kay Nice.
Tumango lang ang dalaga. Matalim na tingin ang agad sumilay Kay Ace diretso sa binatang dumating. Tsaka bumaling kay Nice na tila nagtatanong.
“Let’s go? ihahatid na kita. ” halos bulong nito kay Nice.
” hey! What’s wrong babe? ” usisa ni Khate..
ang talim ng tingin nya ng pumayag si Nice na sumama dito.
Kasama ng binata ang guard at mabilis nitong dinala ang lalaki sa guidance.
Di na nagtanong pa ang guard dahil pinasa sa kanya ang video ng pangyayari na kuha ng isang estudyante
“Oi Nice napano ka?.”
“Ok lang ako Rie..”
“Matagal ka nang crush non e. Ngayon na sya nakatyempo talaga! “Nag init lalo ang dugo ni Ace.
” Oi, hi Bryan?”
” Hi Rica..”
” Ihahatid mo sya..”
” Oo, mukhang wala na naman ang papa nya. Sige mauna na kami.”
” O sige, ingat! “ingat Nice kitakits na lang sa bahay”
” Sige Rie”
Ang talim ng tingin ni Ace sa dalaga. Ayaw nya itong sumama dito. Parang gusto nyang patamaan din ang lalaking to! Pero wala sya sa lugar. Selos na selos sya!
“Let’s go babe”
Wala sa sariling bumalik sya ng sasakyan.
Di pa rin inaalis ang paningin sa papaalis na ring sina Nice at Bryan.
“Who’s that guy Rica.”
“Siya si Bryan yong anak ng administrator dito. Pero first year college na yon ngayon. Mukhang schoolmate kayo ate.. Matagal na yong may gusto kay Nice e.. Junior High pa lang kami. Hanggang ngayon wala pa syang naging gf.”
“So sya pala yong nabanggit ni Nice, infairness he’s ok. May itsura naman at neat manamit mukha ngang may binatbat.”
Ouch!! Slow babe!!
Sorry!
Bigla kasing pinaharurot na ni Ace ang sasakyan!
“Actually bagay sila diba ate?
“Yeah, swerte nya.”
“Baka pag nag college na kami, sagutin nya na yon.”
Mas lalong bumilis ang pagmamaneho ni Ace. At di na maganda ang pakiramdam nya. Pansin ni Khate ang pag ka pressure nya.
” oi, ok ka lang?”
Hinihingal na kasi sya.
“Yeah,”
Kinagabihan diretso sya sa bar kasama ng tropa at may mga ka table na ring mga babae. Sinubukan nyang maaliw sa mga babaeng naroon, pero may babaeng lumapit sa kanya. Mukhang type sya. Schoolmate pala nila na mahilig sa night out at party lover. Sexy ito at may itsura.
Halata ni Alvin na may gusto ito sa tropa nya kaya di nya dapat iiwan si Ace. Baka maisahan sila ng babae.
Inaakit nito ang binata na nakainom na rin. Kita nyang kay lapit na ng mga mukha nito sa isat isa. Ang kamay nito ay nasa hita ni Ace nakapatong.
At sa kasamaang palad nakatulog si Alvin at ang ibang tropa ay lasing na rin. Paggising nya wala na si Ace at ng babae. Kinabahan agad sya, napabalikwas sya at mabilis na hinAnap ang binata. Hiningal na sya sa kakalakad Di pa naman sinasagot ni Ace ang tawag nya. “Pagsisisihan mo to Ace magpakita ka na!!”
Panay kamot sya ng ulo.. Alam nyang durog ang buddy nya ngayon pero di ito dapat magpadala sa sama ng loob sa mga nangyari.
Buti na lang may nakakita dito ng magtanong tanong pa sya. Sabi nitong nakita nyang may kahalikan si Ace at nagpunta ng lodge sa labas ng bar. Mabilis nyang tinunton ang sinabi ng babae. , halatang may inggit don sa kasama ni Ace ang babaeng nagsabi sa kanya. “Hooh! lupit mo talaga sa babae bro!!
Agad nyang tinulak ang pinto pero nakasarado.” lagot na! “, nanginginig na sya.
Sinipa nya ng sinipa.
” oh my! ” . Nakita nyang naghahalikan si Ace at ng babae at mukhang malaswa na ang nakikita nya. . Konting konti na lang.
“Ay di pa pala mabubuksan, imagination ko lang pala yon. Br0? ”
Patuloy sya sa pag katok hanggang bumukas ito tumambad si Ace na half naked at ng babae na nagsusuot na ng damit pan itaas
” O Ayan ang Pera mo, di ko kailangan yan! sinayang ko lang ang oras ko sayo!”
Sabay tapon ng babae sa mukha ni Ace at padabog na umalis
“Bro Ano yon? tapos na ba? May nangyari ba? ” pinanghinaan na sya ng loob.
Nahuli na ba ako? Bro sagutin mo ako nakuha mo kaya mo binabayaran? Isusumbong kita kay Nice..
. Pinaligaya nya ako e, binayaran ko ,di ko naman sya girlfriend.”
“So may nangyari nga?”
“Wala!
Kung hindi si Nice di na ako nag iinit. Sya lang ang makaka pa hard on sa akin. Sya na lang.. Wala ng iba






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top