BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 32


Hindi lahat ng nagpaparaya ay Hindi na nasasaktan, minsan sila pa ang mas nasasaktan.
Hindi lahat ng tumapos ay gusto nang tapusin, minsan sila pa ang may nais lumaban.
Hindi lahat ng bumitaw ay hindi nahihirapan, minsan sila pa ang nawawalan ng lakas.
Alam kong pag hindi ko sinaktan si Riguel Hinding hindi n’ya ako iiwan, Alam kong pag Hindi ako ang umayaw ay Hindi n’ya ako titigilan, Alam kong pag Hindi ko siya binitawan hindi n’ya ako tatantanan. He loves me so much, na dumating sa puntong handa s’yang baliwalain ang lahat para lang makasama ako.
Pero alam kong maling mali na ang relasyon na mayruon sa Amin.
Nadudungisan ko ang pangalan nila, nadudungisan ko ang pagkatao nila, at maaring ako ang maging dahilan kung bakit s’ya babagsak.
He’ll loose everything just by being with me.
Kaylangan ko s’yang saktan para Hindi n’ya mawala ang sarili n’ya dahil sa lintik na pagmamahal n’ya sa akin! Isang Martinez!
Nang natapos ang libing ni papa ay kinamusta ako ni Don Villarosa. He’s sad about what happened and really really disappointed.
Matagal na n’yang kasangga si papa sa pamamahala tapos bigla magkakaganuon.
Tinapat n’ya rin ako sa araw na iyon.
Ang Sabi n’ya ay Hindi na makakabuti sa amin ang relasyong mayruon kami ni Riguel kung ipagpapatuloy pa, naiintindihan ko iyon.
Mawawala sa sarili n’ya si Riguel dahil lng sa pagmamahal n’ya sa akin, at ayaw kong mangyari iyon.
Sa araw din na iyon ay sinabi ko kay Don Villarosa na Wala na kami ng bunsong anak n’ya.
S’ya na raw ang bahalang magsabi Kay Donya, I felt bad for Donya. She likes me so much for her child but then I did nothing but bring them down.
I’m felt sorry for everything.
Hinayaan ko si mamang magwaldas ng mga pera galing sa bank account nila ni papa. She’s depressed and fashion can help her to move on.
Ako? Tatapusin ko lng ang last semester na ito at graduate na ako.
Maghahanap na lang ako ng trabaho pagkatapos, kaya pa naman ang naiwan na funds ni papa para makapagsimula kaming muli.
Isasabay ko na rin ang pagmamanage sa naiwang business ni papa, after all yuon naman ang pinagaralan ko this college.
I really like architecture but sadly it’s not for me, siguro pag nakaluwag luwag na kami, I’ll study architecture.
Hindi nga nagtagal at natapos ang semester na ito.
Graduate na ako, gusto ni mama magkaruon ng party ngunit Hindi...


na ako pumayag, sayang lang ang pera.
Bukas na bukas rin ay maghahanap ako ng maaapplyan.
Naisip ko sa Kompanya nila Micka ang una kong pupuntahan bukas, p’wede akong magsimula kahit sa pinakamababang pwesto lng.
“Hija, you don’t need to work” usal ni mama nang sabihin ko ang mga naiisip ko.
“I need mama, someday mauubos ang perang iniwan ni papa. I need to start saving” tumaas ang kilay n’ya sa Mga sinabi ko.
“Your papa left us a lot of money, it’s fine, Hija”
“Ma! With you buying expensive stuff, I don’t know kung magtatagal nga ang pera natin!” Natahimik s’ya sa sinabi ko.
“I’m sorry ma, I need to work, it’s for our own good” tumango s’ya at Wala nang sinabi pa. Kasalanan ko Rin na Hindi ko s’ya pinipigilan sa pagwawaldas n’ya, I spoiled her so much.
Isang milyon nalang ang natitira sa bank account ko, sapat na ‘yon para mapanatili ang status namin bago ako makapaghanap ng trabaho.
Kinabukasan ay nag punta nga ako sa kumpanya nila Micka, kahit pala ruon makakarinig ako ng bulungan ng mga Tao sa akin.
“Ano ang ginagawa n’ya rito?”
“Bakit s’ya nandito?”
“Ang kapal naman ng mukha n’yang magpakita pa dito!”
Hindi ko sila pinansin at nag tungo na lang ako sa table ng mga aplikante.
“Ms. Martinez” nag aalinlangang tawag sa akin ng secretary ng papa ni Micka.
Tumayo agad ako at umupo sa upuang nasa harap n’ya.
“I’m sorry, we can’t hire you” Aniya agad kahit pa Hindi n’ya tinitignan ang resume ko!
“But ma’am, I’m confident that I can do good in this company” umiling lng ang sekretarya sa sinabi ko.
“Buti nga, Hindi s’ya natanggap!”
“Baka dito pa ‘yan mag nakaw!”
Naiintindihan kong nawala na ang tiwala ng mga Tao sa Amin, pero Sana naman bigyan pa nila ako ng chance,
Wala akong nagawa kundi umalis sa kumpanyang yun.
Sinubukan ko sa iba pang kumpanya at puro ganuon ang nangyayare.
Hinuhusgahan agad nila ako.
Hindi ko Alam kung matatanggap ba o makakanap pa ba ako ng trabaho.
Umuwi ako at nahiga na lang sa kuwarto, tahimik na umiiyak.
Dahil lng sa isang pagkakamaling Hindi ko nagawa, pati ako nahushusgahan na, pati ako inaayawan na, pati ako naapektuhan.
Tahimik akong umiiyak, takot na marinig ng aking ina ang aking mga hikbi.
Ang sakit sakit na, pigang piga na ang puso ko.
To be continued…
__________________
Magandang hapon po, salamat po sa pagbabasa πŸ’š






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top