10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒 Chapter 5


10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒
Chapter 5: best moment
Nagising akong nasa kanlungan parin niya. Hindi ako makapaniwala na isang engkanto ang aking katabi. Subrang kinis ng balat na wari laging gumagamit ng gluta at kanyang panlalaking amoy na daig pa ang pabango ng mga bilyonaryo.
Gusto kong makita ang kanyang kabuuang anyo ngunit May pumipigil sa akin. Tanging pagtitig lamang sa my takip niyang mukha ang aking magawa.
Sa kabila ng pagtitig ko sa kanya ay hindi ko maiwasang alalahanin ang pamilya na mayroon ako sa lupa. Kamusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako? yang ang mga katanungan na hindi ko masagot. Na miss ko na ang pagpasok sa paaralan araw-araw ngunit malabo na iyong mangyayari ulit ngayong andito na ako sa kabilang bahagi ng mundo na kailan man ay hindi maabot ng mga mortal.
Napigil ang aking pag-iisip patungkol sa aking pinanggalingan ng humigpit ang pagkakayakap ni Heaven sa akin.
“Pakiusap Athena, huwag kang mawawala sa akin. Huwag mo akong iwan.” Usal nito habang mahimbing na natutulog. Niyakap ko siya pabalik at hinigpitan kagaya ng kanyang pagyakap sa akin.
Hindi ko namalayan na muli pala akong naka idlip at nagising nang May malambot na bagay ang dumampi sa aking noo. Iminulat ko ang aking mga mata at nasilayan kong muli niyang ibinalik ang takip sa kanyang mukha.
“Huwag mo munang ibalik.” Pagpigil ko sa kanya. Itinaas ko ako ng kamay at pinigilan ang kanyang kamay sa paggalaw. Hindi siya nagpapigil tuluyan niyang isinuot ang tila na ginagamit niyang pantakip.
Hinawakan niya ang kaming at dinampian ng masuyong halik. ” Maghintay ka lamang, mahal ko. Darating din ang araw na buo mo na akong masilayan....


Sa ngayon ay hindi pa muna puwede.” paliwanag nito sa kanya na naiintindihan naman niya kahit May kaunting pagkakalito sa kabilang bahagi ng kanyang isipan.
“Naiintindihan ko, ginoo.” Tanging sagot niya.
“Hintayin mo ako dito, ako ay lalabas muna upang ikaw ay ipagluto. Nais kong ako mismo ang mag-aalaga sa iyo habang narito ka pa, mahal ko.” napakalambing na sabi nito.
“Sige, kung iyan ang iyong gusto.” ngiting pagpayag ko.
Lumabas na ang binata at naiwan akong mag isa. Tinungo ko ang banyo at nilinis ang aking sarili. Kahit pala nasa kabilang bahagi ako ng mundo ay maari rin pala akong maligo. Hagikgik kong sabi sa aking sarili.
Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang pintuan ng aming silid kaya agad akong nagbihis ng mala kimuna na damit at lumabas.
Sa nakita ko ngayon ay dala niya ang pagkain na kanyang niluluto. Mga pagkain na nakain ko sa mundo na aking pinanggalingan. Natatakam akong tinignan ng mga pagkain.
“Halikana, mahal ko. Alam kong namimiss mo na ang mga pagkaing ito.” sabi niya
“Wow, akala ko ay hindi na ako makakatikim pa ng ganitong klase ng pagkain!” Namamanghang sabi ko.
Umupo na ako sa harapan niya at sumandok ng kanin at kumuha ng adobong manok na aking paborito.
Kumikinang ang aking mata habang pinagmasdan ang mga pagkaing naka hain sa aking harapan.
Susubuan ko sana ang aking sarili ngunit natigil ako ng siya mismo ang sumubo sa akin.
“Let me feed you, mahal ko.” Pag sasalita nito ng English na ikinamangha ko. Hindi na ako umalma pa sa kanyang kagustuhan athinayan siyang subuan ako ng subuan hanggang sa tuluyan akong nabusog.
– enjoy reading! Lovelots!😘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top