10 𝐖𝐈𝐒𝐇𝐄𝐒 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐈𝐓 𝐄𝐍𝐃’𝐒 Chapter 7


10 𝐖𝐈𝐒𝐇𝐄𝐒 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐈𝐓 𝐄𝐍𝐃’𝐒
Chapter 7: miss understanding
Nagtanghali nalang ngunit hindi pari kumibo si Heaven. Hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap.
Masyado akong nasanay sa tatlong araw na lumipas na laging narinig ang boses niyang napakalambing.
“Anong ang dapat kung gawin?” tanong ko sa aking sarili. Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat kung para kausapin niya akong muli.
Ilang sandali May naisip akong paraan. Lumabas ako sa aming silid at pumunta sa may harden at doon nakita ko siyang tahimik Naka upo sa iisang upuan.
Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.
“I’m sorry, I didn’t mean to hurt you.” bulong ko sa kanya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap.
Hindi siya umimik. Ang kanyang paningin ay nasa malayo. Umakto siyang walang nararamdaman sa kabila ng subrang higpit ng aking pagyakap sa kanya.
“Patawarin mo na ako, Heaven. Please, kausapin mo na ako.” nagsusumamo kong sabi sa kanya.
Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga at tinanggal ang aking mga bisig na naka yapos sa kanya. Nang tuluyan ng matanggal ang aking mga braso ay tumayo siya at lakad palayo. Pipigilan ko sana ngunit bigla siyang nawala sa aking paningin.
Napaluha nalamang ako sa kanyang inakto. I DON’T KNOW WHAT TO DO! sigaw ko sa aking isipan.
Napasabunot ako sa aking buhok at naluluhang umupo sa kanyang kinauupuan kanina.
Dating gawi kapag May mga bagay akong hindi agad na bigyan ng resulba ay agad nalamang akong mapa awit.


/> Intro:
Sinta, ako na’y iyong kausapin~
hindi ako mapakali
kapag ikaw may hinanakit sa akin
ito ay ating ayusin~~
II
Ako ay iyong pakinggan
Paliwanag koy paniwalaan
Hindi ibig na ikaw ay saktan
Sapagkat ikaw din ay may halaga
Chorus:
Sinta ko, sa aking pag-awit
Ikaw ang tanging laman ng aking puso’t isip
Nagiisip ng paraan kung paano maibabalik
ang iyong lambing sa akin…
Hindi ko kayang hindi mo kausapin
Sapagkat puso ko’y nananabik
Sa malambing mong boses na aking tinatangkilik…
Nais kong nahimlay sa iyong mga bisig
At magising sa iyong gilid~~~~
patuloy sa pag-awit gamit ang biyaya kong magandang boses.
Nagsisiliparan ang mga paru-paro palapit sa akin na kanina lang ay nasa mga bulaklak ang pansin.
“Napakaganda pala ng iyong boses, mahal naming prinsesa.” sabi ng nilalang na pamilyar ang boses sa akin.
“Alam kong maganda ang aking boses.” Walang pagmamalaking sagot ko.
“Huwag kang mag-aalala, kakausapin ka din ng prinsipe. Hayaan mo na muna siyang mag isip.” Sabi nito at umihip ang malamig na hangin at nawala ang presensya ng nilalang na iyon.
Kung ang pagbigay ng munting oras para ikaw ay mag isip ay gagawin ko Hevean, basta’t kausapin mo lang akong muli……
Note: ang kanta po ay own composition ko po. Na ang pamagat ay ” Mahimlay sa iyong bisig”. Only lyrics lang po yan at wala pa Pong tono. I’m not good at singing po kasi. HAHAHAHA lol
> >>Enjoy reading!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top