(Tanya POV)
+ halos isang araw na kaming magkadikit ni Syto. Ayokong humiwalay sa presence nya, ginawa ko lahat ng pwede naming paglibangan na dalawa para lang mawala sa isip namin ang mga problema, o sa madaling salita para makalimutan ko saglit ang lahat ng bumabagabag sakin ngayun.
Tanya- Syto.
+ tumingin sya habang umiinom ng tubig.
Syto- hm?
Tanya- natatandaan mo to?
+ ipinakita ko sa kanya ang isang video game. Napangiti naman sya ng makita yun.
Syto- pano ka nagkaron nyan?
Tanya- haha pinabili ko kay jim.
Syto- talaga?
Tanya- alam mo bigla ko namiss si Ken. Pati na ang buong banda nyo.
+ lumapit sya sakin at niyakap ako.
Syto- Miss ka narin nila. Lalo na ng bahay natin.
+ niyakap ko sya ng mahigpit.
Syto- kahit anong mangyare, uuwe at uuwe tayo.
+ sana..
Tanya- uhmm, ano? Laro tayo?
Syto- oo naman. Hindi nyo lang ako niyakag ni ken nung naglaro kayo eh, pero magaling talaga ako dito.
Tanya- niyakag ka namin nho. sige nga, talunin moko.
Syto- alam mong di ako umuurong.
+ at nagsimula na nga naming iset up ang video game, tama Tanya, ito na lang ang kaya mong gawin para mapangiti sya. Hindi mababayaran ang ngiting pinapakita nya ngayun, sa kanya ko lang makikita ang mga yun. Inubos namin ang oras na magkasama ng araw nato, hanggang gabi, ng inantok sya ay nakatulog sya sa mga hita ko, hanggang pagtulog nakangiti parin sya. Hinaplos ko ang mga buhok nya at tinitigan lamang sya, si jim naman ay tulog na sa kwarto, si Nathan na lang ang hindi pa dumarating. Si manang ay sa isang araw pa makakauwe. Tumayo muna ako at kinunan ng unan at kumot si syto dahil mahimbing na ang tulog nito sa sofa. Umupo lang ako sa sahig sa gilid nya. Maya maya ay narinig kong dumating ang kotse ni Nathan. Kaya lumabas ako saglit para salubungin sya.
+ ngumiti sya sakin dala ang isang paperbag.
Nathan- bat nasa labas ka pa?
Tanya- ahh tulugan nadin kasi sila, tsaka para salubungin ka din. Ginabi ka ata.
Nathan- ahhh, may mga bagay pang inayos eh.
Tanya- ahhh, tara na sa loob para makapag pahinga ka nadin.
+ papasok na sana ako ng hilahin nya pasara ang pinto kaya hindi ako nakapasok sa loob.
Nathan- sandali lang.
Tanya- hm?
Nathan- uhmmm, nakita ko kasi to kanina, naisip kita kaya binili ko.
+ nilabas nya sa paper bag ang isang denim jacket. Ngumiti sa sakin pagtapos ay isinuot yun sa magkabila kong balikat.
Nathan- pag natapos na lahat to. Gusto ko, suutin mo lagi yan, alam kong gusto mo laging lumabas kaya dapat lagi kang naka jacket lalo na pag gabi. Makulit ka pa naman.
Tanya- Nathan hindi mo naman na kaylangang—-
Nathan- ssshhhh…
+ hindi ko alam kung anong nasa isip nya kaya tiningnan ko na lang sya.
Nathan- sorry kung lagi kitang nakakagalitan tuwing lalabas ka. Tsaka sorry isa ako sa dahilan kung bat nandito ka.
+ bat ganun, parang ang lungkot ng mata nya sobra.
Nathan- sa ilang buwan na nagkasama tayo, gusto ko lang malaman mo na, hindi kita tinulungan dahil naaawa ako sayo o kaya dahil may koneksyon kayo ni Syto. Tinulungan kita dahil tinulungan moko. Tinulungan mokong magbago, kaya salamat.
Tanya- ano ka ba. Nung una palang kitang makita, alam kong hindi ka masamang tao kaya inintindi ko ang sitwasyon mo. Ako ang dapat nagpapasamat sayo, dahil tinuring mokong parang isang responsibilidad sa buhay mo, hindi ko alam kung ano na nangyare sakin kung hindi kita kasama dito.
+ hinwakan nyako sa magkabilang balikat at tumitig sakin.
Nathan- yun ay dahil hindi ko na matakasan ang nararamdaman ko sayo.
+ medyo nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako kumibo, pakiramdam ko kaylangan ko lang syang pakinggan.
Nathan- gusto kita Tanya. Gustong gusto kita, sa puntong pakiramdam ko mababaliw nako tuwing nakikita kang nahihirapan. Ayaw na kitang bitawan, ayaw na kitang pakawalan, naging komportable nakong nakikita ka. Hanggang umabot sa puntong inamin ko sa sarili kong mahal kita.
+ parang pinunit ang puso ko ng makita kong may luhang pumatak mula sa mata nya.
Tanya- Nathan—
Nathan- ssshhhh……
Tanya- Sorry pero—
+ hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinila nyako at hinalikan sa noo. Pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit, at muli syang nagsalita
Nathan- pero syempre, hindi na pwede. Wag ka mag alala, hindi ako dadagdag sa kontrabida sa buhay nyo ni Syto, gusto ko lang ipaalam sayo lahat ng bagay na yun, kasi pakiramdam ko ito na yung pagkakataon.
+ bumitaw sya sa yakap at ngumiti sakin.
Nathan- uhm, wag ka ma aawkward sakin ha hehe.
+ nginitian ko rin sya at pinahid ang luha nya.
Tanya- wag ka nga umiyak! Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko kasi sinasayang mo luha mo. Tama na yan ha. Oo na naiintindihan kita, salamat kasi na appreciate mo ko, atsaka makaka asa ka na iingatan at susuutin ko to lagi hanggat nabubuhay ako, kahit pa taginit susutin ko padin to.
Nathan- sira ka talaga.
Tanya- haha, hay naku, mabuti pa magpahinga na tayo baka magising pa yung dalawa, mapraning na naman yun. Lika na.
+ pumasok na kami at hinayaan syang magpahinga sa kwarto nya. Grabe alam kong inalagaan nyako at pinahalagahan pero hindi ko alam na ganun na pala yung nararamdaman nya para sakin. Ayokong mawala sya bilang kaibigan, at para naring kapatid kaya kahit ano man yung maging dahilan para mag iwasan kami, eh hindi ko papayagan.
(Ken POV)
+ oh, long time no see guys!! Grabe tagal nadin. Nandito ako ngayun sa isang restaurant kaharap ang inirereto sakin ni lander na babae, ewan ko ba dun kung kelan nagkakaron n kami ng fans eh tsaka pa nya ginawa to.
Girl- bat di ka kumakain?
Ken- ah, sige lang busog na ko eh.
Girl- ahhh.
Ken- pano ka nga pala nakilala ni lander?
Girl- ahhh, sa pagkakatanda ko nung tumugtog kayo kina luis.
Ken- Luis? You mean yung ceo?
Girl- yeah
+ ahhh, naalala ko tuloy si Tanya, grabeng hirap ng pinag daanan nya kay kuya nung mga oras na naging malapit sya kay luis.
Girl- nagkausap kami bago pa kayo tumugtog nun.
Ken- ahhh, sorry hindi kita–
Girl- haha okay lang. Simula nun naka follow nako sa banda nyo kasi ang galing nyo naman talaga, hanggang sa nangyare yung aksidente sa vocalist nyo, nalungkot ako kasi napatigil kayo ng ilang buwan nun.
Ken- ahh hehehe. Kaylangan eh.
Girl- diba may girlfriend yung vocalist nyo?
Ken- ahh oo bakit?
Girl- sure ka bang sila pa? I was confuse kasi, bakit nasa Valencia na sya??
Ken- ahh oo, for some matters hehe.
+ ang dami nmang alam ng babaeng to.
Girl- may relatives kasi ako sa valencia and parang one time may nabanggit sila saking issue dun na yun daw girlfriend ng vocal nyo eh may asawa tapos ninakawan nya to ng mga mamahaling gamit.
Ken- asawa??
Girl- yes, sa pagkaka alam ko ang yaman nga nung napangasawa eh. Na shock nga ako kasi akala ko sila nung vocal nyo.
+ what the!!
Ken- baka naman nagkamali ka lang ng tingin.
Girl- no, wait the picture...