*2U* Chapter 7


(Syto POV)
Syto- Tessie?
Tessie- nakung bata ka! Ano bang nangyare sayo? Mabuti na lang naisipan kong sumilip dito kagabi dahil may ingay akong naririnig, naabutan na lang kitang nakabulagta sa gilid ng pinto!
+ napahawak ako sa ulo ko, dahil medyo kumikirot pa.
Tessie- Nasan ba si Tanya? Bakit wala sya?
+ biglang may narinig akong kumatok sa pinto kaya agad akong bumangon sa sofa at binuksan ang pinto.
Syto- Tan—
+ pero iba ang bumungad sakin. Sya na naman.
Enzo- nandito ako para yun n ang mga gamit ni Tanya.
+ hindi ako umimik.
Syto- umalis ka na!
+ pero nagpumilit uli syang pumasok, kaya humarang ako at tumayo sa sa harap nya.
Enzo- ano sa tingin mo ng ginagawa mo?
Syto- ang sabi ko umalis ka dito!
Enzo- napag alaman ko din na, hindi ka naman pala talaga taga rito. Pasensya ka na pero kaylangan mo ng umalis dito.
+ lumapit ako sa kanya ng bahagya at bumulong.
Syto- Wala kang kukunin na kahit anong gamit dito. At kung san mo man dinala si Tanya, kukunin ko sya sayo. Kaya umalis ka na.
+ tumingin lang sya ng diretso sakin, sabay ngumiti ng sarkastiko.
Enzo- okay. Pasalamat ka kay Tanya, Bibigyan na lang kita ng palugit, pagkalipas ng isang linggo dapat wala ka na dito, dahil pag andito ka pa, kakasuhan kita, tandaan mo yan.
+ sabay lumabas na sya ng bahay.
Tessie- dyusko! Sino ba yun? Ano bang nangyayari dito? Kinuha ba nya si Tanya?
+ hindi ko na alam kung anong gagawin ko, naalala ko na binigyan nga pala ako ni Tanya ng Cellphone kaya agad akong pumunta sa kwarto ko.
Tessie- ay! Naku, Syto kukunan kita ng umagahan mo ha, kung hahanapin mo si Tanya, sabihan mo lang ako. Susme, ano bang nangyayari dito! Sandali lang ha!
+ hinanap ko agad ang cellphone at ng makita ko, agad kong dinial ang number ni Tanya, nag riring ito pero walang sumasagot. Paulit ulit ko syang tinawagan pero wala talaga. Hinanap ko agad ang jacket ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Nagdire diretso ako kung san ginanap ang Party kagabi, alam kong dun nya dinala si Tanya, pero hindi tulad ng iba na basta basta nanggugulo, tahimik lang akong pumasok sa bakuran nila, pero tulad ng inaasahan may mga guards na silang pinagbabantay. Pero hindi nun napigilan ang balak kong hanapin si Tanya. Tahimik at maingat akong umakyat sa pader sa gilid ng mansyon nila, pagbaba dun, marahan akong sumilip silip sa glass wall ng bahay, nagbabaka sakaling makita ko sya, naghanap ako ng mapapasukan sa likod, at tamang hindi naka kandado ang pinto roon, pumasok ako sa kusina nila, ng may napansin akong parating agad akong nagtago sa likod ng pinto, ng makaalis na ang katulong dahan dahan akong naglakad papunta sa may mga kwarto don. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng isang kwarto, pero walang laman yun kundi mga kahon kahon lamang. Sinarhan ko uli yon at lumipat sa sumunod na pinto, medyo madilim don kaya pumasok ako para manigurado kung nandun ba sya, nangapa ngapa ako dahil wala talaga akong maaninag dahil wala ring bintana o kahit anong pagmumulan ng liwanag at napatigil ako ng biglang may nagbukas ng ilaw, ngayun ko lang napansin na maraming monitor ang loob nito.
Enzo- Alam na alam kong gagawin mo yan!
+ napaharap ako sa lalaking nasa likod ko na si Enzo, may kasamang dalawang bodyguard.
Enzo- bilib nako sayo, totoo ngang basta basta ka na lang pumapasok sa bahay ng may bahay. Malas mo lang, nagkamali ka ng pinasukan.
Syto- San mo dinala si Tanya?
Enzo- Mamaya na yang topic na yan.
+ tapos sinenyasan nya yung mga bodyguard nya na lumapit sakin, kaya pinagtulungan akong kapitan ng dalawa.
Enzo- Syto nga diba?
+ sinamaan ko sya ng tingin.
Enzo- alam mo ang lakas pala talaga ng loob mo ano? Ikaw na nga yung nanghimasok sa bahay, nagawa mo pang saktan si Tanya.
+ unti unti syang lumapit sakin.
Enzo- ngayun lang ako nakakilala ng katulad mo! Alam mo yun? Isang ulol na katulad mo!!
+ sabay sinikmuraan nyako. Kaya napayuko ako, nagpilit akong gumanti pero mahigpit ang hawak sakin ng dalawa.
Enzo- alam mo, hindi ako masamang tao eh, pero umiinit ang ulo ko sayo, lalo na at yung gusto kong babae ang napili mong pag tripan!
Syto- Kung inaakala mong, ganun din ang tingin sayo ni Tanya, nagkakamali ka!
+ bigla nyakong sinapok uli.
Enzo- mas mabuti na yun, kesa makilala ang isang tulad mo!!!
+ itinulak ako ng dalawang bodyguard kaya napaluhod ako.
Enzo- alam mo Syto, gustong gusto na kitang pahirapan pero para kay Tanya, hindi ko gagawin yun. Hindi mo ba naiisip si Tanya. Ikaw ang nanghimasok sa buhay nya. Ikaw ang nanggugulo, alam mobang kulang pa tong ginagawa ko sayo ha!!
+ at sinipa nyako kaya na pahiga ako sa sahig.
Enzo- ang lakas din naman ng loob mong pumasok dito eh nho?!
+ lumapit uli sya sakin.
Enzo- alam mo, pwede naman natin tong pas usapan ng ayos eh!
+ Tiningnan nyako ng diretso.
Enzo- Hindi ko alam kung bakit ayaw ka ipakulong ni Tanya pero kung may konting halaga si Tanya sayo, hayaan mo na sya, lumayo ka na sa kanya! Kung hindi mo parin sya titigilan, ako na mismo ang maglalayo kay Tanya mula sayo, at sisiguraduhin kong hinding hindi mo na sya makikita! Hindi ako nagbibiro Syto! Binibigyan kita ng pagkakataon ngayon, kung makikita mo lang lahat ng Pasa, galos at sakit ng katawan ni Tanya ngayun! Kung may konti ka pang konsensya, kahit konti lang Syto, Pakawalan mo na si Tanya! Dahil kung hindi mo parin kayang gawin yun, mapipilitan akong ipakulong ka, dahil sa ginawa mo!
+ hindi ako makaimik sa mga sinabi nya, bakit nga ba? Bat kami umabot dito?
Enzo- ako na ang nakikiusap sayo! Layuan mo na si Tanya!
+ seryosong seryoso sya sa bawat sinasabi nya, paulit ulit sa tenga ko ang mga huling narinig ko sa kanya.
Enzo- sige na, ilabas nyo na yan dito!
+ at dahil hindi ako makalaban. Binitbit nako palabas ng bahay na yun! Isinakay nila ako sa isang sasakyan at ng malayo-layo na ay ibinaba na lang nila ako sa kung saan. Hinang hina ako pero pinilit kong tumayo, ramdam kong pinagtitinginan ako ng mga tao, at wala akong pakielam! Naglakad ako hanggang sa makapara ako ng taxi. Sa Practice Studio ako nagpa baba. Pagdating don, saktong lalabas din sila Jim.
Jim- Syto!
Ken- kuya?
Jim- Ken tulungan mo ko! Alalayan natin paloob.
+ inalalayan nila ako at iniupo.
Ken- anong nangyare sayo...


kuya?
Jim- sandali bibili lang ako ng band aid may sugat sya eh!
+ at lumabas na nga si Jim, wala pa ang iba, buti naman.
Ken- kuya? Ano ba kasing nangyare sayo?
+ tumingin ako kay Ken, at alalang alala sya sakin. Naalala ko na sumama ang loob nya sakin. Nakaluhod sya sa harap ko, kinapitan ko sya sa balikat.
Syto- Di mo ba ako sasapakin?
+ napatingin sya sakin at nagulat sa tanong ko.
Syto- Pasen–
Ken- alam mo namang hindi ko kayang magalit sayo kuya. Hindi ko lang maisip kung bakit mo nagawa yun.
Syto- Pero mali parin.
Ken- oo kuya, pero hindi mo naman ginusto yon diba? Atsaka, hindi ko kayang magalit sayo kuya, utang ko ang buhay ko sayo, kung ano ako ngayun. Dahil sayo yun.
+ napatungo na lang ako sa sinabi nya.
Ken- Nasan na si Tanya ngayun kuya?
+ umiling na lang ako.
Ken- kuya? Ngayun lang uli kita nakitang ganyan, gusto mo ba si Tanya?
+ muli akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong nya, nakabantay lamang sya sa isasagot ko. Pero hindi ko rin naman sinagot ang tanong nyang iyon.
Syto- nasan yung iba? Bakit kayo lang ni Jim? Si Renz at Myel?
Ken- ahh, si Renz, siguro na traffic lang, si Myel nagpa alam sayo diba? may pina paayos sa kanya si Sir.
Syto- ahhh.
Ken- kuya gusto mo ba dalhin kita sa ospital? Sino ba kasi gumawa sayo nito eh!
Syto- hindi na kaylangan.
Ken- sigurado ka kuya ha. Pasensya ka na rin kahapon kung naiwan kita don. Yung Enzo na yun ba ang may gawa sayo nito?
Syto- wag na natin pag usapan.
Ken- gusto mo ba hanapin natin si Tanya? Hindi nya rin kasi pwedeng gawin yun! Basta basta nya na lang kinuha si Tanya.
+ umiwas ako ng tingin, tumungo ako, napakarami ng pumapasok sa isip ko ngayun, hindi ko alam kung no ba ang dapat kong gawin. Naririnig ko pa hanggang ngayun ang mga sinabi ni Enzo sakin.
Renz- Anyare?!!!!!
Ken- nakaka gitla ka naman eh!
Jim- eto na.
Renz- Sino may gawa sayo nyan? Tara resbakan natin.
Ken- anong resbakan?, kadadating mo lang asal kalye ka na agad!
Jim- alam nyo, bumili na lang kayo ng makakain natin. Ingay nyo eh. Ako na gagamot.
( Tanya POV)
+ Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Naalala ko na dinala nga pala ako ni Enzo dito sa bahay nila, simula nung malaman nya ang nangyari kagabi. Pinilit kong bumangon kahit medyo masakit pa ang mga pasa ko, lumabas ako ng pinto.
Tanya- Enzo? Enzo!
+ nasan na ba ang mga tao dito? Bumaba ako ng hagdan para hanapin narin si Enzo.
Nagtingin tingin ako sa kusina pati narin sa salas. Pati mga kwarto kwarto. Hanggang sa may naka kita sa aking maid.
Maid- gising na po pala kayo! Naku, sandali at hahanapin ko lang po si Sir Enzo.
+ tapos nagtatakbo na sya palabas. Inikot kong paningin ko, napaka laki nga pala talaga ng bahay nato, may mga bakas pa ng party na nangyare kagabi. Hanggang sa madako ang paningin ko sa isang kwarto na medyo nakabukas ang pinto. Lumapit ako dun at nagbaka sakaling nandun si Enzo.
Pagbukas ko, bukas rin ang ilaw at maraming computer ang nandun. Napansin ko na, connected yun sa mga CCTV sa loob at labas ng bahay. Lalapit pa sana ako ng may masipa ako sa sahig, kaya pinulot ko yun. At nabigla ako ng makilala ko ang Cellphone na napulot ko. Natulala na lang ako sa naisip ko.
Enzo- Tanya? Gising ka na pa—-
+ unti unti akong tumingin sa kanya habang hawak ng cellphone.
Tanya- nandito si Syto?
+ kahit sya nabigla sa nakita nya.
Enzo- A- ano kasi-
Tanya- nasan sya? Sinundan nyako dito?
Enzo- Tanya, wag mo ng….
Tanya- kaylangan naming magusap!
+ lalampas sana ako sa kanya palabas pero hinawakan nyako sa braso.
Tanya- pwede bang wag mo na syang hanapin! Hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayun? Hindi ka na nga makalakad ng maayos eh!
+ humarap ako sa kanya.
Tanya- Enzo, naiintindihan kita, pero problema ko to, at ako rin ang aayos nito.
Enzo- pano kung saktan ka na naman nya? Baka kung ano na ang magawa ko!
Tanya- Enzo. Nagpapasalamat ako, dahil sa tulong mo, pero hayaan mo sana akong ayusin to, ayokong madamay pa kayo, wag kang mag alala, hindi ako magpapabaya sa trabaho, basta hayaan mo lang akong ayusin to.
+ nakatingin lang sya sakin at halatang alalang- alala. Pero ayokong pati sya magiisip pa para sakin, pakiramdam ko pabigat ako dahil dito kaya, dapat ayusin ko to mag isa.
Tanya- Enzo please.
+ napabuntong hininga na lang sya. At unti unting binitawan ang braso ko.
Enzo- gusto mo samahan na kita, ihahatid kita.
Tanya- ok nako Enzo. Hindi mo na kaylangang mag alala.
Enzo- basta, pag alam mong may gagawin na naman sya sayo, tawagan mo lang ako.
+ nginitian ko na lang sya ng bahagya, at nagmadaling lumabas ng bahay na yun. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta. Pero pumara ako ng taxi. Kung nanggaling sya kila Enzo, ibig sabihin wala sya sa bahay ngayun, unang pumasok sa isip ko ang Sir nila, kaya pumunta agad ako sa building ng condo ng Sir nya. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero pakiramdam ko kaylangan namin mag usap.
Kahit wala akong ideya ng sasabihin ko, pilit ko paring iniisip na may dapat kaming pag usapan, isa na nga ata akong dakilang tanga, na lumalapit pa sa kapahamakan! Pagdating ko dun, nagdalawang isip pako kung iutuloy ko pa to. Pero katawan ko na mismo ang nagudyok na gawin to, kumatok ako ng ilang beses bago pa may nagbukas ng pinto.
Sir- Sino si—?? Tanya? Ikaw yung kasama ni Syto diba?
Tanya- G-goodmorning po. Nandito po ba si Syto?
Sir- Teka! Anong nangyare sayo?
Tanya- uhmm.
+ bigla syang huminga ng malalim.
Sir- pwede ba kitang makausap?
Tanya- po?
Sir- mukang may kaylangan tayong pagusapan.
+ pina pasok nyako sa loob at pinaupo sa sofa. Tinimplahan nyarin ako ng maiinom, at pagkatapos ay umupo sa harap ko.
Sir- pasensya ka na kung inabala kita, may gusto lang akong itanong sayo.
+ seryoso ang muka nya, kaya napapaisip ako kung ano ba ang itatanong nya. At nabigla ako sa tanong nya.
Sir- Si Syto ba ang gumawa nyan sayo?
+ hindi ako maka imik, pano nya nalaman? Anong alam nya tungkol kay Syto? Bakit seryosong seryoso sya sa tanong nya? Pakiramdam ko, may dahilan kung bakit ako napadpad dito.
Itutuloy………






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top