-Lorraine-
It’s wednesday . Aalis nanaman si Lara at hanggang ngayon ko nalang din pala makakasama si Alex dahil sa mission nila. Hindi ko na namalayan ang araw dahil sa dami ko nanamang iniisip.
” Lor, may problema ba? Kapag tulala ang isang tao dalawa lang iniisip nyan. Pwedeng good or bad. So what is it?”
Hindi talaga ako makapagsinungaling kay Alex. Iniisip ko talaga kanina pa kung sasabihin ko sa kanya na nagkita kami ni Mark at nalaman nya na lahat ng nangyare sakin.
” K-kung hindi mo sasabihin sakin ngayon ok lang. Basta wag mo lang kalimutan na dito lang ako for you no matter what ”
” Alex kase…., ” Pano ko ba sisimulan to? Parang ang hirap
” Hindi ko alam kung san at paano ako magsisimula. Gusto ko lang malaman mo na , ginawa ko lahat para umiwas sa kanya. Sa twing nagkikita kami ng aksidente minsan umiiwas talaga ako pero lately, talagang ang hirap nyang iwasan . Parang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana. Oh my! Sorry sa word. ”
” Pwede mo ba akong diretsohin nalang kung sino yan para hindi ako malito ?” Kelangan ko pa ba talagang sabihin sa kanya? Hindi kaya sya masaktan? Kapag nilihim ko naman baka magalit sya. Sinabi nya naman maiintindihan nya ako kahit ano mangyare.
” S-si Mark ” nag-aalangan ko pang sagot . Kita ko sa mukha ni Alex ang pagkadismaya at pagkagulat
” O-okay.. natural lang naman talaga na magkita ulit kayo lalo nat nasa iisang lugar lang kayo. Hindi na dapat ako nagtataka dapat ganon ka rin. Bakit nag-usap ba kayo? Kung nagkita lang naman wala kang dapat ipag alala. ”
” Kase, ang totoo nyan, n-nalaman nya na yung mga nangyare sakin nuon. Yung nabaliw ako nang dalawang beses alam nya na. Alam nya rin yong mga dahilan . ”
Alam ko kahit di sabihin sakin ni Alex ramdam ko na hindi nya gusto ang nangyayare.
” Ganon ba? Hayaan mo na. Hindi narin naman nya maibabalik ang nakaraan kahit anong gawin nya. Alam mo dapat hindi mo iniistress ang sarili mo sa ganyang bagay lalo na sa ganyang klase ng tao. ”
” Pasensya kana Alex ha. Hindi ko lang talaga akalain na malalaman nya pa yon. Pero yung tungkol kay Reyden hindi nya pa naman alam ”
” Hindi nya pa talaga nilubos-lubos ang pag iimbestiga nya ah ”
” Alex i’m sorry talaga ha.. gusto ko lang maging honest sayo kahit na mahirap para saking aminin to sayo”
” Thank you Lorraine. Mas gusto ko yung honesty kesa sa sorry mo. Alam mo namang kahit hindi kapa humihingi ng tawad sakin pinatawad na agad kita. Marupok na kung marupok pero mahal kasi kita ”
Nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi ni Alex. Araw-araw nya talagang pinaparamdam sakin na mahalaga ako sa kanya at ako ang importante sa buhay nya. Kahit na sobrang busy sa trabaho hindi parin kami nakakalimutan ni Reyden . Hindi nya tinuturing si Reyden na iba sa kanya.
” Kung ako lang ang una mong nakilala at kung ako sana ang nakahanap sayo sa gitna ng ulan, hindi ka sana nasaktan. Puro saya lang sana ang nararamdaman mo. Sorry at naging late ako ”
” You should be happy Alex kasi kahit hindi ikaw ang nauna at hindi mo ako agad nahanap noon nagkita parin tayo. Nagkaron parin tayo ng chance . Yung mga nangyare sakin sa past lesson nalang yon para sakin at natuto ako dahil sayo . Wag mo akong susukuan ha? Hindi lang talaga ako maintindihan minsan pero mahal kita Alex. Kahit na ilang beses pa kami magkita ulit ni Mark, hindi ko na sya hahayaang pumasok sa buhay ko ulit. Kapag umalis ka ngayon, hindi nako lalabas ng bahay. Hihintayin ulit kitang bumalik at pagbalik mo saka na tayo mamamasyal ”
” Parang ayoko ng umalis. Ang lambing masyado e. Tama ka Lorraine, nagkaron parin tau ng chance at hindi ko sasayangin yon. Mas natuto ako sayo nung dumating ka sa buhay ko. Ginawa mokong ganito kaya bakit kita susukuan? Mas madaling mahalin ka kesa sukuan ka kasi pag iniwan kita malulungkot ako at kapag nagmahal ka ulit ng iba —– ”
” Excuse me sweet couple! Alex pwede na ba tayong umalis? Nagmamadali si Doc Reyne e! Lorraine, pasensya na muna ha? Ingat kayo ni Reyden dito mamimis ko nanaman kayo”
” Ikaw din Lara mamimis ka ulit namin”
“Pano na Lorraine? Una na kami. Hindi naman kita pagbabawalang lumabas para makampante ako. May tiwala ako sayo at alam ko hindi mo sisirain yon. Mabilis lang ang araw. Hindi ko naman kayang lumayo sayo ng matagal. ” Nalulungkot ako sa pag alis ni Alex. Nasanay na kasi ako na palagi kaming nagkikita. Matagal na kaming nagkasama at ngayon lang kami lalayo sa isat-isa. Naiiyak ako sa lungkot
” Isipin mo lang, nasa hospital lang ako tapos maraming ginagawa. Palagi akong tatawag at magte text sayo . Promise yan” Tumango-tango ako sa kanya dahil wala na akong masabi. Parang tutulo na talaga ang luha ko. Nakikita ko rin sa mga mata nya ang lungkot. Hinatid ko sya ng tingin hanggang sa hindi ko na sya makita.
– Blessy Grace –
” Dont be a people pleaser ” palagi saking pinapa alala ni Reyden kaya ngayon, hindi ko na pinipilit ang isang tao na maging proud sakin. Hindi nako takot ipakita kung ano lang ang kaya ko. Araw-araw may napupulot akong aral sa kanya. Araw-araw nya rin akong pinapangiti kaya naman excited akong pumasok palagi. Hindi ko na nga kailangan ng mga friends. Sya lang sapat na. Mas masarap ng mag aral ngayon kasama sya kaya naman tumaas na ang mga grades ko. Matutuwa si papa sa mga improvements ko because of Reyden.
” Congrats Grace! Gumagaling kana ah! Sumusunod kana sakin. ”
” Salamat! Dahil naman sayo noh! Ang galing mo kasi magturo ”
Kapag sya ang tumatawag sakin ng Grace, sya lang naman talaga tumatawag sa second name ko. Masarap pakinggan at lalong masarap sumagot. Ang alam ko lang sa ngayon, ginagawa ko rin to para sa kanya. Para hindi nya isipin na magkaibang-magkaiba kami. Gusto kong patunayan sa kanya na deserve nya rin ako.
” Saya mo ahh..ay oo nga pala, matutuwa ang papa nya sa anak nyang papa’s girl . Haha”
Dyan din sya magaling, ang purihin ako sa una at...