A CHALLENGES OF A TEENAGE PREGNANT


A CHALLENGES OF A TEENAGE PREGNANT
[CONTINUATION]
.
.
.
Nang sumunod pang mga araw ay halos hindi na ako nakakauwi sa bahay dahil deretso na ako sa restaurant.
Kung minsan naman ay ginagabi na ako ng uwi! Malamang dahil nga sa night ang duty ko
Sa bahay narin nananatili si Kuya Alvin na tsaka lang uuwi sa kanila kapag magpapalit o maliligo
“Oh Shaina! Ginabi ka na naman ata?!”saad ni Kuya Alvin habang nakaupo sa couch
“Sorry po Kuya nag-over night kasi kami”saad ko
“Siguro dapat mag-resign kana sa trabaho mo Shaina! Palagi kanang ginagabi sa pag-uwi baka mapahamak ka lang sa daan!”puna niya
“Kuya pwede ba! Pagod ako galing sa trabaho pag-pahingahin mo muna naman ako! Tsaka di ko kailangang mag-resign sa trabaho kasi kailangan ko to!”turon ko
Dahil sa pagod ay di ko maiwasang tumaas ang boses ko na tila nagiinit ang ulo ko
“Matagal pa naman bago ka mag-college! Pwede ka pa namang maghanap ng ibang trabaho kapag nakatapos kana sa...


senior!”sambit niya
“Pag-awayan lang ba natin to Kuya Alvin!”may inis na sabi ko
“Eh sa nagaalala lang ako sayo!”balik na saad niya
“Bakit ba sabik ka magtrabaho?! Kaya naman kitang tulungan ah!”may seryosong sabi niya
“Napapansin ko rin tila may kakaiba sayo! Naririnig ko sa tuwing gigising ka sa umaga nagsusuka ka!…. Magtapat ka nga sakin Shaina. Buntis kaba hah?! May nangyari ba sa inyo ni Kenzo?!”seryosong tanong niya na ikinatigil ko
N-Naririnig niya pala na lagi akong nagsusuka!
Hindi agad ako nakasagot at nanatiling nakatingin sa kaniya
“Ano Shaina?!”agad akong nabalik sa realisasyon ng hawakan niya ang balikat ko
“Ano bang pinagsasabi mo! Hindi ako buntis! Pwede ba Kuya Alvin wag mo kong pakialaman dahil di naman kita ka ano-ano! At kahit kailan wala akong ipagtatapat sayo!”may galit na sigaw ko sa kaniya at tsaka siya tinalikuran
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay napasandal ako sa pintuan at tsaka tuluyang umiyak
Dahil sa panginginig ng mga tuhod ko ay napadausdos ako at humagulgol.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top