A WIFE’S CRY Chapter 11


Ng makauwi si Aileen sa bahay nila ni Lexter ay nagkulong siya agad sa kanyang kwarto.Si Xavier ang naghatid sa kanya pero pinauwi niya din ito kaagad.
Humiga siya sa kama saka kinuha ang unan at tinakip yun sa mukha niya. “Bakit niya ginawa yon?!Para paasahin ako?!” Para siyang eng*t kinakausap ang sarili.
Nagbihis siya agad at tinanggal ang make up niya. Nagsuot siya ng pambahay na damit saka siya bumaba dahil naalala niyang hindi pa pala siya kumakain.
Yung inorder nila kanina ay pinadala niya lang kay Belle dahil may mga kapatid din ito, kaya nagthank you ito sa kanya at ang daming sinabing paalala.
Kesyo daw wag siya agad mafafall sa mga ginagawa ni Lexter. Ingatan niya daw ang puso niya. Wag daw siyang mar*pok.At
kung ano ano pa buti di narinig ni Xavier.
Abala siya sa pagluluto at kumakanta pa pero natigil siya dahil”Singing while cooking? Ayos lang naman kasi maganda ang boses mo.”Sabi ni Lexter.
“May balak ka bang p*tayin ako sa gulat?” Iritado niyang tanong. “Meron pero hindi sa ganong paraan.” Ani nito at malawak na ngisi.”G*go, bastos!” Sigaw niya dito.
Pero umakyat ito pero kahit nasa kusina siya ay rinig ang tawa nito. Pakiramdam niya ay pulang pula na ang pisngi niya. “Wag, Aileen. Masasaktan ka lang.”
Pagkatapos magluto ay inihanda niya na ang kakainan niya oo siya lang! Ano namang pake niya sa lalaking iyon? Saka hindi nito deserve ang luto niya!
“Were’s mine?” Tanong nito. Napatigil tuloy siya sa pagkain. “Nasa ref.”Hindi mo ko tinirhan?” Naiinis siya sa pangiti ngiti nito. Mas okay pa yung cold na Lexter!
“Edi magluto ka ng sayo!” Pero imbes na magalit ay tinawanan lang nito ang naging reaksyon niya. “Kapag ako lalagyan ko pa yun ng lason.” Pabulong niyang sabi.
“I change my mind. Papanoorin na lang kitang kumain.” Kaya muntik na siyang masamid. “G*go ka ba? Ano bang trip mo ha? Kasi hindi nakakatuwa!”
Nawala na siya ng gana dahil don.”Hindi ako si Celine kaya wag kang maging ganyan sakin! Kung gusto mo puntahan mo siya at di ako ang ginugulo mo!”
At...


padabog siyang umakyat ng hagdanan. Wala naman siyang narinig na sagot mula rito. Mab*baliw na siya sa kakaisip sa kung ano anong pinaggagawa ni Lexter!
Mas okay pa nga yung di sila nagpapansinan noon. Kaysa ganoon na parang pinagtitripan lang siya nito.Kasi imposible namang mahal na nga siya nito.
Pagsapit ng gabi ay hindi na siya kumain dahil busog pa naman siya. Nanood na lang siya ng Kdrama at inolock ang kanyang pinto. Parang walang istorbo!
“Ang rupok naman. Nagsorry lang pinatawad agad.” Naiinis siya dun sa babae sa pinapanood niya. T*nga pinatawad agad yung lalaki.
“Alam mo ate girl masasaktan ka lang ulit niyan. Hindi ka talaga mahal niyan.” Aniya. Parang nakakarelate pa nga siya sa pinapanood niya. Nakakastress.
Inis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ng may kumatok. “Anong kailangan mo?” Bored niyang tanong kay Lexter ng buksan niya ang pintuan.
“Bukas na ang birthday ni mama.” Seryosong sabi nito. “Ano naman ngayon? Isama mo si Celine kayong dalawa pumunta diba ang dali lang?”
Isasarado niya na sa pintuan pero tinulak nito iyon kaya bumukas. “G*go ka ba talaga ha?” Ang lakas talaga ng trip nito na bw*sitin siya dati naman paiyakin.
“Teka ano bang hinahanap mo?! Lumabas ka na nga!” Sinundan niya ito pumunta pa kasi ito sa closet niya.Napakawalang modo talaga.
“Youll wear this.” At inilabas nito ang isang napakagandang damit. Amputcha pano nagkaroon ng ganong damit sa closet niya. Di rin iyon bigay ni Xavier.
“Paano napunta yan diyan?!” May halong inis niyang tanong. “Nilagay ko kahapon noong wala ka at kasama mo ang lalaking yon.” Sagot nito sa kanya.
“Hindi ko kailangan yan! Saka hindi ako pupunta sa party ng mommy mo! Tapos ang usapan. Kaya lumabas ka na ng kwarto ko. Pwede ba!!!” Sigaw niya.
Binalik naman nito ang damit sa closet at dahan dahan naglakad papalapit sa kanya. Naramdaman niya na lang na tumama ang likod niya sa pader.
“Sasama ka sa akin sa ayaw mo at sa gusto, dahil ikaw ang asawa ko.” Sabi nito habang corner siya.”Or else gusto mong higit pa sa halik ang gawin ko.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top