A WIFE’S CRY Chapter 16


A WIFE’S CRYπŸ’”
πŸ’”Chapter 16πŸ’”
Naisipan ni Aileen na siguro nga everyone deserves a second chance kaya ganun na din siya kay Lexter. Bibigyan niya ito pangalawang pagkakataon.
“Sama ko sa opisina niyo.” Sabi niya kay Lexter habang kumakain sila. Muntik na nga itong mabulunan sa kinakain. Binigla niya talaga. Karma naman talaga.
“Wala-” Tinaasan niya ito ng kilay. “E talaga?Baka naman kasi pumupunta don si Celine.” Biro niya pa saka kumagat sa saging na binalatan niya.
“So naniniwala ka dun sa sinabi ko?” Sabi nito at nag-iwas pa ng tingin. “Alin don?” Patay malisya niyang tanong. “Na mahal kita. Naniniwala ka na ba?”
“Hindi noh! Malay ko ba kung pinaplano niyo lang ito ni Celine. Saka kung mahal mo ko makikipaghiwalay ka na sa babaeng yon na di naman maganda.” Saka umirap.
“Fine, fine sumama ka. Mas okay na yon kaysa mo kasama mo ang Xavier na yon.” Tila nagsesesos nitong sabi. “Mas okay pa nga siyang kasama kaysa sayo.”
Natapos silang kumain. Nagpunta siya sa kwarto niya at nagpunta ito sa kwarto nito.Sinadya niya talagang isuot ang isa pinakamaganda niyang damit.
Well iinisin niya lang naman ito at kung magtagpo man ang landas nila ni Celine ay hindi siya papatalo sa babaeng yon na mukhang payaso.
“Laway mo tumutulo.” Biro niya kay Lexter ng titig na titig ito sa kanya. “Aminin mo na lang kasi maganda ko.” Bubulong bulong niyang sabi. Epic kasi mukha nito.
Abala ito sa pagdadrive at siya naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.”Aileen.” Tawag nito sa kanya. “Im sorry. Sa lahat ng nagawa ko sayo.”
Hindi niya na lang ito pinansin. Pero hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Hihiwalayan ko na si Celine.” Na ikinagulat naman niya.”Bakit?”
“Dahil ayaw kong makipaghiwalay ka sakin.” Kaya bumilis na naman ang tibok ng puso niya parang lalabas iyon sa kanyang dibdib. Di na siya nakasagot.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ng ginang sa babaeng nakaupo sa sofa. Ang babaeng hindi niya gusto para sa anak niya. Ang masamang impluwensiya dito.
“Tita naman.” Pakikipagbiruan nito sa kanya. “Wag mo kong matitita tita Celine di kita kaano ano. At alam kong pera lang naman talaga ang habol mo sa anak ko.”
“Ouch ang sakit naman non. Pero totoo naman.Kaya nga kahit may asawa na siya ay okay lang sakin magmukhang kabit.” Saka ito tumayo at lumapit sa kanya.
“Walang h*ya ka talagang babae ka! Napakasamang impluwensiya mo kay Lexter! Isa kang babaeng p*ta! Marami na ang nakak*ma sayo.” Sabi niya dito.
“Owws talaga...


ba? Ehh sa inyo anong tawag gold digger? Bat niyo ba hinayaan ikasal si Lex sa Aileen na yon di kase mayaman sila. Para makinabang kayo.”
Sasampalin niya na sana ito pero nahawakan nito iyon. “Gusto niyo ba sabihin ko sa mga magulang ni Aileen kung paano ito sinaktan ng anak niyo?”
“Napakaw*langhiya mo talaga.” At unti unting nanikip ang kanyang dibdib. Habang ito ay tinatawanan lamang siya. Alam niyo bagay sa inyo.
Umalis ito at nag-iwan pa ng mga salitang. “Sayang naman at baka di niyo maabutan yung point na malaman ng anak niyo na niloloko ko lang siya.”
“Ma’am ayos lang po ba kayo?” Nilapitan na siya ng katulong. Ngunit bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Wala pa naman sa bahay ang kanyang asawa.
“So ano? Magpaparaya ka na? Paubaya ganon?” Tanong ni Belle kay Xavier. Kahit kailan napakadaldal talaga. Buti di nahahawa dito si Aileen.
“I guess na wala na talaga akong pag-asa lalo na kung nagbago na talaga ang asawa niya.At kung magkakaayos na sila.”Pinanood niya lang si Belle kumain.
“Hanap ka na lang ng iba. Bago mapagod ka kakaintay kay bess. Saka di na yun magpapahal pa ulit sinabi niya lang oo pero hindi na yun. Madadala na yon.”
“Nakita ko na.” Biro niya dito. “Ehh talaga nasaan?” Lumingon lingon pa ito kung saan.Nasa harapan ko. Biro niya pa. “G*go wag ako.” Napatawa nalang siya.
Siguro nga ay wala na siyang pag-asa kay Aileen kaya mas mabuti sa iba niya na lang ibaling ang atensyon niya. Pero kahit anong mangyari magkaibigan pa din sila.
Bakit ganon? Parang kailan lang ay broken hearted siya dahil kay Aileen pero ng makaharap niya si Belle ay nawala iyon. Na ipinagtataka niya.
“Belle.” Tawag niya sa pangalan nito. “Bakit? Can i ask you for a date?” Kaya napaubo naman ito. “Ano?! Hindi ako si Aileen bat ako niyaya mo.”
“Just wanna try para makamove on try lang natin.” Sabi niya. Hindi naman ito kaagad nakaimik. “Sige sige na nga! Para makamove on ka na sa bestieee ko.”
“Hoy bakit ganyan itsura mo?” Tanong niya kay Lexter dahil puno ng pag-aalala abg mukha nito. Kakasagot lang kasi ng tawag mula sa bahay ng mga magulang.
“Nasa ospital si mama.” Sabi nito na parang wala sa sarili. “Kasalanan ko to kundi ko lang siya lagi ginagalit.” Sabi nito sa sarili. Napairap na lang siya.
“Wala kang kasalanan kung inatake siya ng sakit niya. Puntahan nalang natin.”Sabi niya dito.”Galit ka sa kanila diba?”. “G*go sayo hindi sa kanila!”Sagot niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top