Pulubing Pag-ibig Ep.3


Ep.3

Pagka uwi ni Mara agad syang nagpahinga at dumating naman ang kaibigan..

“Mara,tawag ako ng tawag sayo hindi mo sinasagot” pagmamaktol ng kaibigan

“naiwanan ko fon ko” mahinang sagot ni mara

“kumusta pakiramdam mo? nag aalala ako sayo kagabi” ani ni jessica

“pasensiya na” sagot ni Mara

Dahil sa napansin ni jessica na masama pa ang pakiramdam ng kaibigan hinayaan na muna niya itong magpahinga.

Pagkauwi naman ni Mon ay agad itong naligo at nagpahinga.Habang nakahiga muling sumagi sa isip nya si Mara.

“Mara.. Mara.. Mara.. nasaan kana?”pagtatanong sa sarili habang nilalarawan nya ang nakita nyang mukha ni Mara.

Kinabukasan hindi na muling nagpakita si Mara sa resto at ilang gabi ang lumipas na inabangan sya ni Mon.

Hanggang isang gabi nagpalipas ng magdamag si Mon sa resto at mag isang nag-iinom..

At muling lumitaw si Mara at tumambay muli sa tabi ng resto,naglatag sya diyaryo na mauupuan nya at agad naman syang namataan ni Mon..

“Bakit ngayon ka lang nag balik?” ani ni Mon

Napatingala si Mara Kay Mon at nagtataka sa tanong neto

“ang tagal kitang hinintay, alam mo ba kung gaano ako nag aalala?”

Natulala si Mara sa mga sinasabe ni Mon

“Bakit hindi mo ako sagutin!” lasing na bangit ni Mon

“Ginugulo mo ang isip ko tapos bigla kang maglalaho?” Pakunsensiyang pagkakasabi ni Mon kay Mara

Walang magawa si Mara kundi makinig Kay Mon

“Sino kaba talaga? Bakit mo ako pinag aalala ng ganito?” maluha-luha na pagkakasabi ni Mon at lumapit sya kay Mara

“Halika sa loob at dun tayo mag-usap” hinawakan nya ang kamay ni Mara papasok sa loob ng resto

Naupo sila at biglang bigla parin si Mara sa kinikilos ni Mon.

“Wala ka manlang sasabihin?
Anong ginagawa mo sakin?!” paiyak na sabe ni Mon

“Bakit mo dinudungisan ang mukha mo na ganun na maganda ka naman?” tanong ni Mon

“Aalis na ako, lasing ka” sagot ni Mara

Pagtalikod ni Mara bigla syang niyakap ni Mon at nabigla ng sobra si Mara dahil sa itsura nyang iyon nagawa syang akapin ni Mon.

Pumiglas si Mara

“ano kaba?! Pulubi ako, mayaman ka hindi tayo bagay nakikipag...


kaibigan lang naman ako sayo” pakiusap ni Mara

“alam ko, pero hayaan mo muna ako sa ganitong posisyon, gusto lang kita maramdaman” pagkakasabi na ayaw ng bumitaw ni Mon sa pagkakaakap Kay Mara

“hindi ko alam kung bakit miss na miss kita kahit ganung wala naman tayong relasyon,hayaan mo muna ako bibitaw ako kapag ok na ako” bulong ni Mon sa kabilang taenga ni Mara

Habang nakaakap si Mon Kay Mara walang tigil ito sa pagsasalita.

“magbalik ka parin dito ah? hayaan mo lang ako gusto ko lang lagi kang makita,huwag kang matatakot na bumalik ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae feeling ko mahal na kita” malungkot na pagkakasabi ni Mon

“Bakit mo ako mahal?” tanong ni Mara

Biglang pinihit ni Mon si Mara paharap sa kanya at tinitigan nya ito.

“Hindi ko alam,hindi ko talaga alam basta ito ang naramdaman ko”

Habang nagsasalita nakatingin naman si Mara sa mukha ni Mon at napansin nya ang mahahaba na pilikmata at mala-abo na mga mata neto.

Gusto man ni Mara ipaalam Kay Mon na una nya itong nagustuhan pero pinigil nya ang sarili.

“Dito ka lang sa resto ko tatambay ah? huwag kang lumipat para kahit paano makikita parin kita,plsss..? I promis mo?” Pakiusap ni Mon Kay Mara

“ok” maikling sagot ni Mara

“Hintayin mo hanggang makasal ako bago ka lumayo atlis dun may dahilan na ako para iwasan ka” pakiusap ni Mon

“magpapakasal kana?” Tanong ni Mara

“Oo,gusto ko narin madaliin para hindi na kita gambalain” sambit na lasing na si Mon

“aalis na ako” ani ni Mara
“ihahatid na kita” alok ni Mon

“Huwag na,dyan lang naman ako at lasing ka magpahinga ka nalang” ani ni Mara

At tuluyan ng lumabas si Mara ng resto..

Habang papalayo naluluha na lumalakad si Mara at kinakausap ang sarili.

“Parang mahal daw ako pero nagmamadali magpakasal? Lokong yun”

Naiwan naman na nag-iinom si Mon at nakamasid sya habang papalayo si Mara nais pa nya sanang pigilan si Mara upang makausap pa nya ito ng matagal ngunit hinayaan na rin nya itong makaalis.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. next po ganda Kasi hangang mag ending

  2. next part plsss ganda en

Leave a Reply


top