A WIFE’S CRY Chapter 9


“Babe, may problema ba? Kanina ka pa walang imik diyan. Di ka naman nakikinig sakin ehh.” Napabalik sa wisyo si Lexter dahil kay Celine. Nasa resto sila.
Sapagkat ito ang paborito nitong kainan. Sabihin na nating si Celine ang kasama niya pero si Aileen ang nasa isip niya. Ang dami na kasing pagbabago ng asawa niya.
At bakit ganun nalang nito ipagtanggol ang lalaking iyon? May namamagitan ba sa dalawa? Mab*baliw na siya kakaisip. Wala naman siyang pake dati kay Aileen.
Pero bakit ngayon parang nakakaramdam na siya ng selos. Na gusto niya itong ipagdamot.Karma na ba ito sa lahat ng ginawa niya at pananakit niya dito noon?
“Teka sino bang iniisip mo? Hindi mo man lang ako mabigyan ng atensyon. Di ka din pumunta sa condo kagabi.”May halong inis na ang boses nito at mukhang galit na.
“Sorry may problema lang sa trabaho.” Aniya at hinawakan ang kamay nito sa ibabaw ng mesa. “Saka na lang tayo mag-usap, kapag okay ka na.” At umalis.
Naiwan siya doon ng mag-isa. Hindi niya rin alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya. “Wake up,wala kang nararamdaman kay Aileen.Si Celine lang.”
Bigla namang tumunog ang cellphone niya.Ang ina niya iyon.Siguro naman hindi siya nito sesermunan o ano. “Birthday ko na bukas, punta kayo ng asawa mo.”
Mabilis din itong nawala. Gusto niya sa nang sabihin hindi siya makakapunta. Pero mukhang wala siyang choice.Dagdag pa sa isipin kung papayag si Aileen.
Hindi niya alam kung paano ito kakausapin. Kung dati rati ay sasabihan niya lang ito ay papayag na. Pero iba na ngayon tila mahihirapan na siya.
Maaga niya namang tinapos ang trabaho at umuwi ng maaga. Pero pag uwi niya ay wala pa si Aileen.Ewan niya ba pero parang naiinis siya dahil doon.
Bakit parang nanghihinayang siya? Bakit parang gusto niyang bumalik ang dating Aileen? Yung asawang may pake sa kanya at hindi cold na hindi siya pinapansin.
Masayang masaya si Aileen sa naging gala nila ni Xavier. Ang dami nitong binili para sa kanya. Kahit tumatanggi siya ay nagpupumilit talaga ito. Kaya oo nalang.
“Pano ba yan uuwi na ko. Wag mo kong mamimiss agad.” Sabi ni Xavier kaya binatukan niya naman ito. “G*go wag ka ng babalik.” Biro niya naman.
Humalik muna ito sa kanyang pisngi,bago umalis. Nagflying kiss pa ito ng...


makasanay na sa kotse. Maloko talaga kahit kailan. Napangiti na lang siya.
Ng makapasok siya sa oras ay madilim kaya binuksan niya ang switch ng ilaw. Nagulat siya ng makita si Lester na nakaupo sa sofa. “Ay d*monyo!”
“Ano ba kasing ginagawa mo diyan?May ilaw naman bat di buksan!” Aniya. Narinig niya ang mahinang tawa nito. May nakakatawa ba sa sinabi niya?
“Bigay sayo?” Tanong nito habang nakatingin sa mga dala niyang paper bag. “Ano namang pake mo?” Sabi niya na lang at tinalikuran ito.
“Birthday ni mama pinapunta tayo.” Sabi nito. “Bakit hindi si Celine ang yayain mo?” Walang emosyong niyang tanong. “Hindi ako bagay don sabi mo nga diba?”
“Sa lalaking iyon pumapayag kang sumama kapag sakin hindi?” Teka nagseselos ba ito? Pero malabo! Guni guni niya lang yon.
“Ano naman ngayon? Pinakikialaman ba naman kita kapag inilalabas mo si Celine?At tsaka wag mo lagyan ng malisya dahil magkaibigan lang kami.”
Aalis na sana siya doon ng magtanong na naman ito. “May gusto ba siya sayo?” May himig ng kung ano ang boses nito. “Wala ka na don.” Sagot niya na lang.
Ng makarating siya sa kwarto ay di niya malaman ang nararamdaman. Bakit ganun na lamang ito magsalita? Bakit napapansin na siya nito?
Asan na yung Lexter na walang pake sa kanya. Sa loob loob niya hindi niya maiwasan ang makaramdam ng saya pero sabi nga nila wag marupok.
“Paano kung gusto ka lang niyang saktan ulit?wag kang padadala Aileen.” Pagkausap niya sa sarili. Inayos niya na ang sarili pagkatapos noon.
Noong dinner time ay bumaba na siya sa pag aakalang wala na si Lexter pero naabutan niya si Lexter na nag-aayos ng mesa. Para sa kanila?
“Kain na tayo.” Yaya nito. “Ikaw nagluto?” walang emosyon niyang tanong. “Oo.Di ko lang kung masarap kagaya nung sayo.” Sabi nito, tumango na lamang siya.
Habang kumakain ay tahimik lang siya. Wala naman siyang dapat sabibin.Pero pansin niyang patingin tingin ito sa kaniya. Medyo nakakailang lang naman.
Mabilis niyang tinapos ang pagkain di niya kaya tagalan ang presensiya nito.Medyo weird.Lalo pat si Lexter iyon mas mabuti pa atang di siya nito pinapansin.
“Magkikita ba kayo ulit bukas? ?” Tanong nito ng paakyat na siya ng hagdan. “Teka bakit ka ba tanong ng tanong? Kanina ka pa ehh.” Dahil nagseselos ako, Aileen. “





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top