A WIFE’S CRY


Ilang beses na siyang umiyak simula nong maging mag-asawa sila?
Sabi nila yun mga taong mahal mo sila pa yung nakakasakit sayo.
At tila napatunayan iyon ni Aileen Montecarlos ng maging asawa niya si Lexter Sandoval. Ang lalaking napilitan lang na pakasalan siya.
Chapter 1
“Sabihin mo nga sakin Aileen, sinasaktan ka ba ng asawa mo?I mean yung pisikalan na? The h*ll may pasa ka. ”
Hindi siya nakasagot sa kaibigan.Totoo naman kasi ang sinasabi nito at nahihiya siyang aminin iyon.
“Wag mong sasabihin kila mommy. Ako rin naman ang may kasalanan.” Aniya kaya mahina nalang itong napamura.
“Hahayaan mo na lang na saktan saktan ka niya? Aileen wake up! Prinsesa ka kung ituring mga magulang mo tapos ganito!”
“Ayos lang naman ako ehh.” Sabi niya saka pagak na tumawa. Kita niya ang asawa sa mata ng kaibigan.
“Ganun mo talaga siya kamahal? Na hinahayaan hayaan mong ganyan ganyanin ka lang niya. Mali na bess!”
“Oo, kaya kahit mahirap at masakit ay titiisin ko.”Ganun siya magmahal lubos lubos at wala ng itinitira pa sa sarili.
“Alam mo,ang swerte ng lalaking yon sayo! Bakit hindi ka man lang niya pahalagahan. Napakag*go niya.”
Pagkatapos makipagkita sa kaibigan ay agad na umuwi si Aileen sa bahay nila ng asawa niyang si Lexter.
Masaya siyang umuwi gusto niyang ipagluto ng masarap ng ulam ang asawa.Para sa pag-uwi nito.
Nakasanayan niya na yon. Palagi nitong sinasabi na hindi masarap ang luto niya pero lagi naman nauubos ang hinanda niya.
Kinagabihan umuwi ito na galit na galit sa kanya. Na hindi man lang niya alam ang dahilan. Wala naman kasi siyang ginawa.
“Kasalanan mo to lahat! Kung hindi ka dumating sa buhay ko edi ayos ang buhay ko at hindi isang impy*rno.”
Mga salitang binitawan nito na tila kutsilyo na paulit ulit sumasaksak sa kaniya.”Pagod lang siya kaya niya yon nasabi sayo.” Pagkumbinsi niya sa sarili.
Mag-isa niyang kinain ang niluto niya at siya na rin ang nag-ayos noon. Wala kasi silang katulong. Gusto niyang napagsisilbihan mahal na asawa.
Pagkatapos ay umakyat na siya at tumungo sa kwarto nilang mag-asawa. Ngunit wala siyang naabutang Lexter doon. Oo nga palat ayaw nitong tumatabi sa kanya.
Kaya sa isang kwarto ito natutulog na...


lingid naman sa kaalaman ng mga magulang nila. Yes, they were arrange marriage.Kasal na siya lang ang may gusto.
Katulad ng nangyayari gabi gabi tahimik muna siyang umiyak bago natulog. Sa paraan iyong nailalabas niya ang sakit na nararamdaman. Ngunit naniniwala parin siyang magbabago ang lahat.
Na darating ang araw na magbabago ang dahilan ng kanyang pagtangis at iyon ay dahil nagawa na siyang mahalin ni Lexter at magagawang ipagmalaki na siya ang asawa nito.
KINABUKASAN maaga siyang nagising. Masaya siya at naabutan niya si Lexter na kumakain pa ng breakfast. Ngunit ng makita siya ay tila nawalan ito ng gana.
“Ingat ka.” Paalala niya ng aalis na ito ngunit hindi man lang siya nito pinansin. “Tsk.”Rinig niya lang na sabi nito.
Naniniwala siyang dating ang araw na magbabago din ang pakikitungo nito sa kanya. Ganun siya kapositibo mag-isip. Kahit na parang tila malabo naman iyong mangyari.
Naglinis siya ng bahay nila.Nung magtatanghali na naisipan niyang dalhan ang asawa ng pagkain sa trabaho nito.
Gusto niya itong surpresahin.Mabuti na lang at alam niya ang pinagtatrabahuhan nito. Nagdala na rin siya para sa katrabaho nito.
Noong umalis siya ng bahay ay nagsuot lamang siya ng simpleng dress at inilugay ang maganda at di gaano mahaba niyang buhok.
Sumakay siya ng taxi. Sinanay niya na ang sarili yung walang kotse, walang driver. Wala ang lahat ng mararangyang bagay na nakasanayan na niya.
At isang simpleng taong lang kahit na ang mga magulang niya ay prinsesa siya kung ituring.
Sa totoo niyan di naman ganon kayaman ang asawa niya may maliit na negosyo ang mga magulang nito ngunit wala iyon kumpara sa anong meron ang pamilya niya.
Samantalang ang daddy niya ang may ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Kaya napalitan itong pakasalan siya.
“Aileen, mukhang madami yan ah.”Bati sa kanya ni Denver katrabaho ni Lexter.
Napakabuti nito sa kanya. Kabaliktaran talaga ni Lexter.
“Si -” hindi niya na natuloy ang sasabihin.
“Ahh si Lexter wala ehh kalalabas lang kanina. May kasamang babae akala ko nga ikaw.”
“S-sino daw?” Nauutal niyang tanong.Pinipigilan na pumatak ang mga luha.
“Sino nga daw yun, pare?” Tanong naman nito sa isang katrabaho.
“Girlfriend daw ehh sabi din nung babae.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top