Accidentally Date to Zayn Malik..😍😍😍!!



Nagsimula ang Lahat ——-!!!
Ng may sira ulong nagsali sa pangalan ko sa isang promo ng kape ! At ang grand Prize ..

Ay magkakaroon ng Chance na makadate ang isa sa naggwagwapuhang member ng One Direction.. kay Zayn Malik !!!!… Whoah !!!

——>>>Chapter One !!!

“, Congratulations to Miss Selema Lopez..ang ating Grand Winner sa a Chance To Date with Zayn Malik… !”,

Kanina pa ako naaasar sa sobrang haba ng commercial sa Tv.. Kasalukuyan kaming nanonood ng Ang Probinsyano at inaabangan kung kelan mamamatay si Cardo !!

Biglang nag Pop sa screen ang Pangalan ko at.. Teka anong ginagawa ng Pangalan ko sa Tv na yun ???!!!

Napatingin si Mama,papa at ang bunsong kapatid ko sa akin..

“,Anak..pangalan mo ata yung nakalagay dun?”,takang baling sa akin ni Mama..
Well ako man ay nagtataka.. at bakit naman mapupunta duon ang pangalan ko?isa pa ay hindi naman ako sumali sa promo ng Kopiko Blanca,wala akong hilig sa ganuon mas gusto ko pang mag concert mag isa sa Cr keysa mag aksaya ng oras sa promo na yun..

Baka kapangalan ko Lang,ganun naman talaga maraming magkakapangalan sa mundo…

“,Na’depress kana ba anak ng mag break kau ni Justin?pati promo ng kape pinatulan mo na?”,
ang sabi ni Papa..

Nainis ako sa pangalang binanggit nya..
Yung Justin na yun ang ex ko na niloko ako,pinagpalit lang naman nya ako sa isang babaeng mas matanda ng sampung taon sa kanya na may hugis manggang pagmumukha!

Sa isang babalu !

Dalawang taon muna kaming naging mag on ni Justin bago ko nalaman ang panloloko nya…

Mabuti nalang hindi ko binigay ang virginity ko sa kanya,kundi laking pagsisisi ko sana…

“,Hindi noh..baka kapangalan ko Lang yan!”,tanggi ko.. wala naman ako paki sa promo na yun ang paki ko ay kung kelan mamamatay si Cardo ..

Isa pa,kung sasali man ako sa promo hindi ako sasali dahil kay Zayn noh,si Harry Style ang crush ko sa kanila haha.. feeling ko kasi kay Zayn ay babaero,feeling ko lang hah..

***
At pagkatapos ng Cardo pumasok na ako sa kwarto,magpe’facebook na lamang ako at mag stalk ng mga gwapo!..

Hindi ko pa na open ang data ng may mag text.. agad kong nabasa ang rumehistro duon..

KOPIKO BLANCA???!

Kumunot ang noo ko..at binasa iyon..

“, Congratulations Miss Lopez,,you are the Lucky winner of our promo to have a chance to date with Zayn Malik..Please fasten your seatbelt to my next message as i send you all the instructions to be with your rewards…”,

Ah.. scam lang to!alam ko yun,ilang beses na akong na scam,yung may magtetext na nanalo daw ako ng Milyones at isa daw syang Attorney tapos ako pa ang tatawag .. yung last na nag scam sa akin minura mura ko lang naman at sinabihang..MAMATAY KANA SANA!!ayun hindi na nagreply !!!!

Ioopen ko na sana ulit yung data ng ng tumawag ang kaibigan kong si Taylor Swifticks!

“,Hoyyy…ma fwend ang swerte mo naman at ikaw ang nanalo sa promo kainggit kang bruha kah !!!”,tili ni Taylor sa kabilang linya .. ang bruha mas excited pa sa akin eh..scam lang naman yun!

“,Bruha ka rin hindi ako yun noh..baka nga kapangalan ko lang eh “, pahumble kong sabi,.

“,Ayyy.. hindi ka manlang ba umasa kahit konti na baka ikaw yun?kainis ka talaga,nawala naba ang kilig sa pagkatao mo nung magbreak kau ni Justin??”,

“,Wag mong mabanggit banggit yung pangalan ng lalaking yun Taylor.. naghahanap na ako ng magaling na mangkukulam para ipakulam sya..”,

Natawa si Taylor “,As if kaya mong gawin yun,”,

“,Kaya ko noh..kaya ko ngang ipasunog sya ng buhay.. “,

“,Weah di nga.. parang kelan lang tulo pa sipon mo kakaiyak nung magbreak kayo,natatandaan ko pang nalasing ka nuon at sinira mo yung microphone sa isang videokihan..”,

Pag naalala ko yun,at naiinis ako kapag pinaalala yun..tapos kinanta ko pa yung kanta ng Aegis na may title na LUHA.. tapos hindi ko naabot yung tono nun dahil sobrang taas,at dahil yun sa sama ng loob ko kay Justin …

Tapos nag score lang ako ng 69 kaya nainis ako at sinira ko yung microphone..madaya eh,dapat naka 99 man lang sana ako ,hehehe!!
Sa ganda ng boses ko nadaya pa ako..!!kainis..

Madami pa kaming napag usapan ni Taylor bago sya nagpaalam..sa wakas matatahimik narin ang tenga ko…sa matinis nyang boses!

May nagtext ulit na Kopiko Blanca..

Hindi ako...


mahilig magkape ng brand na yun,mas bet ko pa ang kapeng barako kaya wala talagang chance na sumali ako sa ganuong promo noh,pero bat ang kulit nito?kung pwede lang iblock ang mga nagtetext kanina ko pa sana nagawa yun,kaso heto na naman.. nag text na naman…

Nagreply ako Ng …AH BWISIT KA KUNG WALA KANG MAGAWA SA BUHAY MO MAGPAKAMATAY KA NA LANG…

Kaso napangiwi ako ng mag failed yung reply ko.. hindi yun na send kainis!Smart ba sila?
Well Tm kasi ako at hindi nga pala ako naka register sa all text to all network..hindi tuloy yun nag send..

Ng wala ng text yung makulit na kape..
Nag facebook nalang ako ! Pero para akong minumulto ng biglang may madaan na litrato sa newsfeed ko..

Teka.. picture yun ni Zayn Malik at… Isa sa pinakapangit na picture ko sa facebook,tapos may nakalagay pang The Lucky Girl..

Tiningnan ko ang page na nagpost..Kopiko Blanca na naman?ano ba to?!

Andaming nag react sa photos namin,pero mas marami ang angry reacts dun..Lumabi ako,ah mga inggit siguro ang nagreact dun..tapos binasa ko yung mga comments, puro negative naman …puro pang lalait naman sa akin,ang sabi ng mga hate comments,,,..

BAT YANG GIRL PA NA YAN?AKO NALANG SANA..MAS MAGANDA PA AKO SA KANYA!

MY GOD NALILIGO BA YAN?O NAGTO TOOTHBRUSH MANLANG BA?MUKHANG HINDI EH..

IWWW..YAN ANG NAPILI?SHE DESERVE NAMANG MANALO KASI MUKHA NAMAN SYANG KAPE..HHAHA!!

Nainis ako sa mga comments na yun kaya gigil kong binaba ang phone ko,nawalan na ako ng gana.. Nakakainis,unang pagkakataon na napahiya ako sa social media,..kapag nalaman to sa work ko baka ma fired ako,..buti nalang hindi ako nagpapakilala sa mga love books na isinusulat ko.. may PenName akong ScarletHeart at iilan lang ang nakakakilala sa akin..isa akong sikat na manunulat ,humble nga lang hehe.. kaya!hindi ko pag aaksayahan si Zayn MaLik noh! kainis…mas gwapo pa sa kanya mga hero sa mga sinusulat ko!!!

Pumikit ako at sinikap matulog baka sakaling magising na ako sa bangungot na ito !!..

****Kinabukasan !

–+
“,Ate Selena,ate Selena !!!..

Ginising ako ng malalakas na katok ng kapatid kong si Kokoy..syempre kahit na inaantok pa ako,sinikap kong tumayo at mabilis na tinungo ang pinto..kapag ganuon ang tono ng boses ng kapatid ko siguradong may panganib..

“,Nasan ang kalaban??”,sabi ko pagbukas ng pinto..sabog sabog pa ang kulot kong buhok at may lamat pa ng laway ang baba ng bibig ko..

“,May naghahanap sayo sa labas ate..”,sabi ni Kokoy..

Nahimasmasan ako,at sino naman yun?!

Dahil naintriga ako tinungo ko ang pintuan ng bahay upang buksan yun, nakalimutan ko na di pa pala ako nakahilamos at ang gulo ng itsura ko..mukha lang naman akong kontrabida ngayon sa avatar!! Higit sa lahat —

Nakalimutan kong wala rin pala akong suot na BRA !!

PAGbukas ko ng pintuan ay nasilaw ako ng may kung anumang nag flash sa mukha ko,my God kaaga aga eh kumikidlat sa labas…

Pero di naman umuulan!bat kumikidlat?

Tapos late ko na na’realize na hindi pala yun kidlat.. mga flash pala yun ng mga Camera!!

Oh My God!Naka woked up like this pa naman ako..tinakpan ko ng kamay ko ang dibdib ko,wala nga akong bra.. kahit flat yun dapat ko yung takpan..

At anong ginagawa nila?bat sila andito sa bahay ko?ano to paparazzi?teka alam ko naman na mukha akong artista pero,hindi pa ako ngayon handa…

Tapos may biglang kulay itim na makintab na makintab na kotse na pumarada sa tapat ng bahay.. ang haba ng kotse na yun,..

Bumaba ang driver nun at nagtungo san isa sa pangatlong hilerang pintuan ng kotse,..at binuksan iyon…

Nahigit ko ang hininga.. prinsesa ba ang bababa dun at may pa ganung epek pa?may nalalaman pang pabukas bukas ng pinto,wala bang kamay yung taong bababa dun??!

..
Pero ang lahat ng inis ko ay nawala ng pagbukas ng driver sa pintuan ng kotse ay bumaba ang isang eksakto lang ang tangkad na lalaki..

Napalunok ako !!

Mukhang Prince Charming.

Teka ..he looks familiar.. makapal na kilay..mapupungay na mga mata at mahahabang pilikmata??

Shit ! Namamalikmata ba ako ???..

Si Zayn Malik ba tong lalaking bumaba?at bakit sya papalapit sa akin??

“,Are you Ready ????!!!”,,sabi nya ng makalapit,ang bango ng hininga nya at ang gwapo nya nung ngumiti,pantay na pantay ang mapuputing ngipin nya ..mukha syang model ng closeup na Colgate…

Hindi ako makapaniwala!!

Feeling ko nasemento ako sa kinatatayuan!

..hahahahah!

To be continued






Share On Whatsapp

"6" Comments
  1. next please…

  2. I love it. maganda ang love story nila kahit hindi ko pa nabasa ang iba. maganda talaga

  3. next pless

  4. toinkssss!

  5. next po pleaseπŸ™πŸ™πŸ™πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜

  6. next po please bitin po ehhhhπŸ™πŸ™πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ™

Leave a Reply


top