Accidentally Kiss The SSG President


Accidentally Kiss The SSG President
By:Acer Moon🌙
Celestria’s POV
Isa lang naman akong ordinaryong studyante na gustong makapag tapos ng pag aaral. Halos hindi nga ata napapansin nung mga studyante na nag eexist ako. Not until that man came to ruined my highschool life…
“Celestria! Sweetie wake up!”sigaw ni mama habang kumakatok sa labas ng pinto ng aking silid. Napabalikwas naman ako mula sa pagkakahiga nang madinig ang magandang boses ng aking ina. Oh fuck! Lunes na ngayon kaya siya nandito sa bahay ni papa. Ibigsabihin buong weekdays na naman ako sa bahay niya at may pasok na din ngayon.
Mabilis akong nag tungo sa C.R ng aking silid at nag mamadaling naligo. Hindi ako pwedeng malate ngayon dahil may performance kaming gaganapin ngayon sa school. Ohh by the way let me introduce myself…I’m Maria Acelline Celestria Montemayor 17 years old.
Lumabas ako ng banyo at nag madaling isuot ang aking uniform at sapatos. Napatingin ako sa wall clock at napahinga ng malalim ng makitang maaga pa naman 6:34 palang at 8:30 ang umpisa ng program. Program kung saan kami ng mga kaibigan ko ang naatasan para mag perform.
Hindi naman bago sa amin ng mga kaibigan ko ang kumanta sa entablado, pero ngayon pa lang kasi kami kakanta sa harapan ng mga kakalse namin. Sa harapan ng mga studyante sa VELLERIAN UNIVERSITY.
“Good morning sweetie-what’s with your look?”bati ni mama at puna na rin sa ayos ko. Wala naman mali sa suot ko,right? Hindi pa nga lang ako nakaka pag suklay at magulo din ang neck tie kong suot.
“Hehehe good morning mama,papa, and tita mame.”ilang kong bati sa kanila. Si papa ay binati din ako pabalik si tita mame naman ay nakipag beso sa akin at binati din ako.
Tuwing weekends ay dito ako namamalagi sa bahay ni papa kung saan kasama na niya ang bago niyang asawa. Hindi naman naging mahirap sa akin dahil kita ko naman na tanggap na ni mama ang lahat at isa pa mabait naman si tita mame. Hindi siya katulad nung mga nasa librong binabasa ko at mga napapanood ko sa T.V. Mag tatlong taon ng kasal si papa at tita mame, si mama naman sa pag kakaalam ko may napupusuan na din siya. And tuwing weekdays naman ay nandoon ako kay mama,mas malapit kasi ang bahay ni mama sa school ko kaya doon ako namamalagi pag weekdays.
“Nag mamadali po kasi ako mama,may performance po kasi kami ng mga kaibigan ko sa school program.”sagot ko ng makita na mukhang hindi ako lulubayan ni mama kung hindi ko sasagutin ang tanong niya.
“Performance?”sabay sabay na tanong nilang tatlo. Oh god pinag-practice-an ba nila yon?
Hindi ko naman sila masisisi alam kasi nila na puro pag aaral ang ginagawa ko. Kaya mukhang hindi nila alam may talent ang anak nila. At kung malaman man nila iyon...


ay hindi pa rin naman nila ako mapag tutuunan ng pansin dahil busy sila. Si papa ay isang business man, while mama is a doctor,and tita mame is an actress.
Silang tatlo ay kilalang mga tao,kaya naman tinatago ko na lang na magulang ko sila. Hindi dahil sa kinahihiya ko sila pero ako ang nahihiya dahil sa ako ang anak nila. Wala din naman nakaka alam na ang isang business man na si Mr. Azrarel Montemayor at Dra. Celine Saavedra ay may anak. Siguro may nakaka alam pero ang malalapit lang nilang kaibigan. Ganon din kay tita mame mga kaibigan lang din niya may alam na stepdaugther niya ako.
“Bye!bye tita mame! Bye papa!”pag papaalam ko ng pasakay na ako sa sasakyan ni mama. Nag paalam na rin sila sa akin kaya pumasok na ako sa passenger seat at si mama naman ay sa driver seat.
“Pwede ba akong manood ng performance mo anak?”tanong ni mama kaya napalingon ako sa kanya. Sa harapan pa rin naman siya naka tingin.
“Pwedeng pwede po mama. Hindi ka po ba busy? Wala ka pong schedule ngayon?…”hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay may tumawag na sa kanya.
“Urgent opperation…”mahinang bulong ko at binaling na ang aking paningin sa labas ng bintana.
Habang nasa biyahe kami ay humihingi si mama ng pasensya dahil sa hindi niya ako mapapanood. Nagkaroon daw kasi ng problema ang pasyente niya.Hindi naman na bago sa akin yon sanay na sanay na ako pero nandoon pa din ang lungkot dahil wala na siyang masyadong alam sa nangyayari sa buhay ko.
“Bye ma! Take care!”sigaw ko ng makababa ako ng sasakyan.
“You too princess bye!”may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahik tumakbo na ako papasok.
Nag mamadali akong tumakbo papunta sa classroom namin dahil nandoon na ang mga kaibigan ko.
“Kyahh ang pogi talaga ni Van!”
“Ahh Lucas akin ka na lang!”
“Yoww why so pogi Kyo?”
“Ang pogi mo President!!”
Sandali akong napahinto dahil sa tilian ng mga kababaihan at binabae. Hindi ba sila napapagod na tilian ang mga lalaking SSG Councils? Lalo na yung Presidente nila? Tss.
“What the!”sigaw ko ng may tumulak sa akin dahilan para mabangga ko ang kung sino. Napapikit na lang ako dahil sa takot na makita ang aking unting unting pag lagapak sa lupa.
Pero ilang segundo ang lumipas ay hindi ko naman naramdaman ang pag bagsak ko. Kung hindi ang isang malambot na bagay na nakadikit sa labi ko. Kaya naman dahil kuryusidad ay binuksan ko ang aking mga mata. At ganon na lang ang gulat ko ng makita na labi pa lang ang nakalapat sa aking mga labi.
“What the hell!”sigaw ko at mabilis na tumayo.
“I’m the one who should shout that word. Who are you to stole a kiss from me?”
—
🪶Pa-approved admin
Hope you’ll like it.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top