accidententally in love with him


Hi. Nung una hindi ko naman inasahan na mararanasan ko lahat ng Ito. Yung umasa at magmahal ng taong impossible pero possible naman.

Hinahangan ko siya kasi sobrang bait niya at down to earth siya. Sikat na siya ng makilala ko. Nakapasok ako sa buhay niya sa pamamagitan ng aksidenteng makasali ako sa grupo ng mga taong sumusuporta sa kanya ( fans club ). Nung una hindi ko pa siya gaanong kilala. It takes time bago ako maging active. Nung unang beses na makita ko siya sa personal wow. Napahanga tlga ko bukod sa gwapo siya. Sobrang bait niya kahit hindi pwede lumapit samin at nakipag usap. Then after ng show he asked me if nakauwi na ako. Sino kasama ko. Nasaan na ko. Pinakita na niya na may concern siya. At first nasabi ko nlang na it’s normal. Pero habang tumatagal hindi na fan at idol ang relasyon na namamagitan samin. Habang nabibigyan kami ng pagkakataon na makita, makausap, at makasama ang isa’t isa mas lalo kaming nagiging close nawawala ang kaba sa dibdib ko at nagiging panatag ako sa tabi niya. Wala ng ilangaan. Akala ko lahat ng pinapakita niya hindi ako madadala. Pero iba yung ngiti, tingin at kilos niya kapag nariyan ako. Minsan ng malaman ko na medyo may mga nagseselos este naiingit dahil iba daw ang pakikitungo niya sakin. Ng minsan na magkaroon ng kunting pagsasalo salo na kami mismo ng mga admin niya sa fans club ang nag organize. Lahat naman kami noon na nag organize ay pagod at super effort. Nakakatuwa siya nung binigay niya na yung mga bulalaklak sa nag attend habang kumakanta. Hindi ako ang una niyang binigyan pero kahit na ganon nung binigyan niya ko ng bulaklak halos matapos na yung kanta ay hindi niya pa ko binibitawan.. Nagsisigawan nga yung ibang Tao na kami naman, kami naman. Tyaka niya lang ako binitawan. Tapos ilang beses niya ko kinausap at tinatanong if kaya ko pa. Ilang beses niya ko inalok kumain . Sinubuan niya din ako . At pinahiram niya sakin yung jacket niya. Grabee nasabi ko na lang sa sarili ko na. Pls lang wag kang mafafall. Tumagal pa ang panahon. Nakita ko sa mga litrato na malungkot siya. Ng mga panahong malayo ako. Dumating din sa punto na we shared a lot of stuff in our life. Mga problema na kailangan ng kakampi at advice andyan siya to motivate and support me. Gays ng pag suporta ko sa kanya.

Pero ang hirap basahin...


ng mga nangyayari. Baka sadyang ganon siya sakin kasi ako yung laging nandiyan sa tabi niya. Ako yung taong nagpaparamdam na may naniniwala at sumusuporta sa kanya. Ganon nga ba talaga??
Pero yung pinipigilan kong wag ma fall ayun hulog na hulog na. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa taong una pangarap mo ngayon abot kamay muna. Imposibleng maging bahagi ng buhay mo pero nagging parte ng kasalukuyan at umaasang pati sa hinaharap. Sobrang nahuhulog na ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nalaman ko na lang na isang araw nag ka girlfriend na siya. It hurts so much. Pero ang alam ko sila. Pero dahil wala namang namagitan samin na KAMI nag move on ako sa taong hindi naman ako minahal. Akala ko ok na pero dumating yung isa sa mahalagang araw sa buhay niya. Ako yung nag organize ng surprised event na to para sa kanya. Sobrang hirap pero nakaya ko. Nalaman ko din na wala na sila ng girlfriend niya. Pero akala ko sa sarili ko ok na ko na wala na ko nararamdaman pero dalang dala ako sa kinilos niya ng araw na yun. Nakita ng lahat ng nandun kung paano siya kumilos na lahat ng atensyon niya nasa akin na. Halos matapos yun na ako lang kinakausap niya. Mga usapan na batuhan ng hugot lines na nauwi sa tanong na bakit iniwan na ba kita?? Hindi ako naka imik dahil nabigla ako sa sinabi niya. Ilang beses siyang nagpasalamat sakin. Ilang beses niyang pinakita na mahalaga ako. Maraming nakatayu ng mga oras na yun. Pero sinenyasan niya ko na maupo ako sa tabi niya. Nawala sa isip ko na marami nga palang Tao non na maaring makakita sa mga kinikilos namin. Naupo ako sa tabi. Marami pang nangyari.. Carefree na siya kung may makakarinig man sa usapan namin kahit nasaan man kami. Ayuko na sana mag feeling sa lahat ng nangyayari. Oo mahal ko na siya. Pero Alam ko naman na hindi pwede kasi langit at lupa ang pagitan namin. At napakataas na bundok ang along aakyatin. Napakaraming pagsubok ang dapat kung harapin. Oo mahal ko siya pero hindi maman ako naghahangad na mamahalin niya din ako. Masakit pero Ito ang katotohanan. I’m accedintally in love with him. I’m accidentally in love with someone I can’t call mine..

Masakit pero ok lang. Hinayaan ko ang puso ko na mahulog sa kanya eh. He treated me not only a fan, friend, but also a part of his family.

-blockhuntered17






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Masakit pero ang sarap sa pakiramdam pag mahal mo talaga cya

  2. Gusto kung umiyak sa mga babasahin kung story at iiyak ako dahil sa ex ko

  3. Sana makarelete ako dto

Leave a Reply


top