AGE IS JUST A NUMBER


AGE IS JUST A NUMBER
“Lola! Lola, my bisita ka po” tawag ko sa lola kong nakaupo sa paborito nitong old chair
“Sino naman iyon apo? Alas singko na nang hapon ay may dumadalawa pa rito”
“Si lolo Manuel po andito”
“Si Manuel? Ay aking apo ako nga’y itayo mo dali”
“Sge po lola, dahan dahan po” pag papatayo ko dito.
“Apo, ako nga’y ayosan mo, kunin mo nga iyong suklay at ako’y mag susuklay”
“Sge po” kinuha ko na ang aking suklay at aking tirentas sa buhok at inayosan ko si lola.
Hindi ko alam ngunit nung narinig nya ang pangalan ni lolo Manuel ay agad itong nabuhayan at alam kuna kung ano yung naramdaman nya.
“Apo mauna kana sa pinto at ako’y susunod saiyo sabihan mo si Manuel na ako’y paparating na”
“Sge po lola Emilda”
At nauna na nga ako sa pinto at at sinabi na ky lolo Manuel ang sinabi ni lola saakin nakita ko ang bakas na ngiti ni lolo Manuel sa kanyang mga labi.
Isang minuto ang lumipas at lumabas na si lola, nagulat ako sa kanyang suot na bistida ang ganda nito tila ba’y bumalik ito sa kanyang pag kabata
“Magandang hapon Emilda, ika’y sobrang ganda saiyong suot ngayon”
“Nako ako pa’y iyong biniro Manuel, ano ba ang iyong sadya at nandirito ka?”
“Andito ako upang yayain kang lumabas at puntahan ang ating paboritong lugar nang ating pag-iibigan noon”
Nagulat ako sa narinig ko ky lolo Manuel, matagal ng byuda...


si lola at ganon din si lolo Manuel, pero hindi ako makapaniwala na mag kasintahan pala sila ni lola noon.
“Ito Emilda, bulaklak para saiyo”
“Samalat aking irog, napakaganda nito”
“Wala ng mas gaganda pa kundi ang ngiti mo lamang aking mahal”
Sobrang matalinhaga ng mga sinasabi ni lolo Manuel ngunit ito ang dahilan sa pag ngiti ni lola ngayon na sobrang tamis na kahit kailan hindi ko pa nakita simula nang mamatay si lolo Juan
“Apo”
“P-po lola?” Nagulat ako nang tawagin ako ni lola kanina pakasi ako naka tingin sa kanila.
“Ako’y aalis muna at ako’y babalik ka agad”
“Sge po”
Inabot ni lola ang kanyang kamay ky lolo Manuel at kinuha naman ito ni lolo.
Para silang mga binata’t dalaga noong unang panahon sobrang napaka gentleman ni lolo at napaka hinhin naman ni lola
Totoo nga ang sabi nila “Age is just a number” wala sa edad kapag ang isang tao ay umiibig at nag ma-mahal ng lubos.
Sa mga nakita ko kina lola Emilda at lolo Manuel pinatunayan nila na ang pag-ibig ay hindi binabasi sa edad oh panahon, na ang pag-ibig ay pwde mong maramdaman kapag nag mahal kana, at sa panahon.
ngayon nakita at natunghayan ko ang pag mamahalan ng dalawang taong hindi hadlang sa kanila ang panahon at edad.
[ Lesson Learned: ang pag-ibig hindi binabase sa edad yan kundi sa pag mamahal, hindi handlang ang edad at panahon para sa pag-ibig na umuusbong —sid ]
_____________
✍️Work of fiction






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top