Aking Prinsesa Chapter 10


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 10
.
Noel : mga gago!!!, bakit dito ninyo sinakay yan!!(bulyaw sa mga tauhan)
Lalake : boss, sira ang isang yati.
Noel : mga tanga mga inutil bakit ninyo pinabayaang masira!!at saka sino yang lalake na yan, bakit nagsama pa kayo ng iba??(galit na sabi)
Lalake : eh boss, kasama ni Yna yan eh..isinama na namin at baka magsumbong pa yan sa mga pulis
Noel : edi sana idinispatya nalang ninyo, mga tanga!!!..(bulyaw niya)
Lalake : boss hindi pwede!.
Noel : at bakit hindi?
Lalake : Sisiguruhin. Daw ni Yna na wala tayong makukuhang ransom money kapag sinaktan namin yang lalake na yan.
Noel : ganun ba!
.
Naghalo halong emosyon ang nararamdaman ni Yna ng mga sandaling iyon, boyfriend niya pala ang may kagagawan sa pagdukot sa kanya..at bakit nagawa daw sa kanya iyon ni Poli, at saka bakit magkasama si Poli at Mitch, magkasabwat daw ba kaya sila, si Mitch na itinuring niyang matalik na kaibigan, na pinagkatiwalaan niya, kaya nang-uusig ang mga mata ni Yna, nanginginig na siya sa galit dahil sa nalaman niya ang may kagagawan ng lahat.
.
Yna : ikaw ang may kagagawan Poli?
.
Hindi sumasagot si poli, dahil hindi niya alam ang isasagot niya kay Yna..kaya si Mitch ang sumagot.
.
Mitch : surprise!!! Nagulat ka ba Yna?(maarteng sabi)
Yna : magkasabwat kayo, anong klase kang kaibigan mitch, magkaibigan tayo bakit mo ginawa sakin to?
Micth : (tumawa ng nakakaloko si Mitch)..hirap kasi sayo Yna ang tanga tanga mo, hindi ka marunong makiramdam!! Ako ang totoong Girlfriend ni Poli.
Yna : poli ano to? (Galit niyang tanong)Totoo ba ha?
.
Naiiyak sa galit si Yna, kung wala lang daw tali ang kamay niya baka, napag sasampal na niya si Poli. Hindi mgakapagsalita si Poli, para siyang nakokonsensiya, at bakit parang nakaramdam siya ng sakit sa kanyang dibdib ng makita niyang may kasamang ibang lalake si Yna, at si Nico naman ay nakaramdam ng awa kay Yna, niloloko lang pala siya ng boyfriend nito, ah ngayon mas diterminado na siyang labanan ang mga demonyong kaharap nila, lalo na sinasaktan nila ang damdamin ng babaeng ngkaroon na ng puwang sa puso niya.
.
Yna : sumagot ka poli??(bulyaw niya)
Mitch : babe, sabihin mo ang totoo na ako ang mahal mo, sabihin mo sa kanya.
Noel : tama na…sige idala na sila sa baba, at bantayan nio silang mabuti.
.
Umiiyak sa galit si Yna habang kinakaladkad sila ng mga tauhan nila noel sa ibabang bahagi ng Yati.
.
Yna : hayop ka poli, hayop ka, napaka-demonyo mo pala..hayop ka!!!.
.
Si Mitch naman ay nagdidiwang ang kalooban dahil sa nagkaalaman na sila, at si Poli naman ay hindi niya alam ang nararamdaman niya..at nang makababa na sila sa ibabang bahagi ng yati ay idinoble ang tali ni Nico sa upuan itinali pati ang mga ang mga paa niya..si yna naman ay sa kama siya pinapwesto, itinali ang mga kamay ni Yna sa rehas ng headboard ng kama.
.
Yna : aray ko ano ba nasasaktan ako!!(reklamo niya)
Lalake : nagwawala ka pa kasi eh, wala ka ng magagawa kaya sumunod ka nalang..at ng masiguro na ng mga lalake na nakatali ng mabuti ang mga bihag nila ay, lumabas na sila ng cabin, naiwan sina Yna at Nico sa loob, iyak pa din ng iyak si Yna..at samantalang si Noel ay nagdidiwang din ang kalooban niya, nagsimulang naglayag ang yati, at samantala naman ang mga tauhan ay nagdiriwang din ang mga ito, dahil daw sa nalalapit na tagumpay.
.
Noel : mag-inuman pa tayo anak, dahil nalalapit na satin ang pera..
Mitch : buti pa nga babe, mag-celebrate tayo.(sabay abot ng baso ng may alak kay poli)
.
Kinuha naman ni Poli ang baso na ibinibigay ni Mitch, mukha ngang kailangan niya ng alak para kumalma ang damdamin niya, parang nagseselos siya sa lalakeng kasama ni Yna..at samantala naman si Yna ay
umiiyak pa din siya dahil sa napakatanga daw niya, hindi naman daw pala siya tunay na mahal nito, kaya daw pala sa lahat ng lakad nila ay laging kasama si Mitch, ni hindi man lang sila makapagsolo ng madalas ayun pala, si Poli at si Mitch ay may ugnayan..humahagolgol siya sa iyak dahil sa matinding galit sa dalawa, at hanggang sa na-realize niya na hindi daw dapat siya maguilty dagil sa tama nga lang daw pala ang ginawa ng puso niya para kay poli, na idinispatya na din ng puso niya ang lalake, dahil hindi daw pala ito mabuting tao, mabuti na nga lang daw at nalaman niya ng maaga, yun nga lang ay nasa panganib siya at pati na din ang lalakeng sa sandaling panahon nilang magkasama ay minahal na niya ng lubos.
.
Nico : Yna, patawarin mo ako, nabigo ako sa pangako ko sayo na ipagtatanggol kita, pero eto ako ngayon walang magawa.
Yna : hindi Nico, ako ang may kasalanan, nalalagay sa panganib ang buhay mo dahil sakin, patawarin mo ako..eto siguro yong ibig sabihin ng panaginip ko.
Nico : huwag tayong mawalan ng pag-asa. Makakaligtas tayo dito.
Yna : paano?
.
Nawawalan na ng pag-asa si Yna paano nga naman silang makakaligtas ni Nico doon, kaya ang ginawa na lang ni Yna ay nagdasal ng nagdasal, at samantalang si Noel ay nagiisip ng gagawin sa perang hihingin nila sa papa ni Yna, malaking halaga ang hihingin niya kay Ferdie..sa isip ni Noel na ibibigay at ibibigay ni Ferdie ang hihingin niya, dahil sa ang kapalit ay buhay ng nag-iisang anak nito na alam naman ni Noel na ang anak ang kahinaan nito, basta pagdating sa anak, lahat ay gagawin..samantalang si Poli ay nananatili lang siyang nakatahimik. Mukhang gusto niyang puntahan si Yna at kausapin, parang nakaramdam siya ng pananabik kay Yna..at ang pananahimik niya ay napansin ni Mitch.
.
Mitch : babe kanina ka pa tahimik ah, may problema ba?
.
Ngunit di napansin ni Poli na kinakausap siya ni Micht.
.
Mitch : poli. Ano ka ba, saang mundo ba yong isip mo? Kanina ka pa tahimik buhat ng dumating si yna.
.
May inis na nararamdaman si Poli, hindi niya alam kung kanino siya naiinis,,sa papa niya, dahil ang papa niya ang naglagay sa kanyang sitwasyon ngayon, o kay Mitch na sobra na siyang nakukulitan sa babae, dahil parang nakakasakal..o kay Nico, naiinis siya dahil bakit kasama ito ni Yna, sino daw ba si Nico kay Yna.
.
Mitch : poli naman nandito ako sa tabi mo oh, yong isip mo parang nasa iba, kanina pa kita napapansin na abot ang buntong hininga mo..naiinis na ako, para na akong tang—-
Poli : pwede ba mitch iwanan mo muna ako dito, gusto ko munang mag-isa.!(bulyaw niya)
Mitch : P-poli ano ka ba, di mo ako kailangang sigawan!!
Poli : sinabi kong iwanan mo muna ako..(bulyaw ulit niya)
.
Nakaramdam ng takot si Mitch, dahil sa mabalasik na mukha ni Poli, Walang nagawa si Mitch kundi sundin nalang si Poli, nagtataka si Mitch kung bakit nag-iba ang mood ni poli,..at naiwan si poli na nag-ngangalit ang mga ngipin, nakakaramdam siya ng inis..na hindi niya alam kung saan niya ibubuntun ang inis na nadarama. Parang gusto niyang ilabas ang inis na nadarama, inihagis niya sa tubig ang baso niyang hawak..napaupo siya sa isang sulok at napasabunot ang kanyang kamay sa kanyang buhok, di niya alam kung bakit ganun na lang kumirot ang puso niya ng makita niyang may kasamang iba si Yna.
.
Noel : poli, bakit ba nagmumukmok ka diyan, magcelebrate tayo, at malapit na nating maiahon ang nalulugi nating kumpanya, at madadagdagan pa ito, dahil sa hihingin nating kapalit sa buhay ng anak niya ay ang pagsalin sa pangalan ko ang isa negosyo ni Ferdie..(at tumawa ito ng nakakaloko)
.
Tumayo si Poli sa pagkakaupo at iniwanan niya ang ama roon.
.
Noel : saan ka pupunta poli?
Poli : gusto kong magpahinga.
.
At samantalang si Mitch naman ay pinuntahan niya si Yna.
.
Mitch : hi bes! Kumusta ka?
.
Hindi pinansin ni Yna si Mitch.
.
Mitch : masakit bang malaman ang totoo, na hindi ka naman pala mahal ng akala mo eh pag-aari mo na..katulad ng nadarama ko sa twing magkasama kayo ni Poli ay para akong sinasaksak at sobrang sakit!dahil ang mahal ko ay kailangang magpanggap na mahal ka dahil sa pera..na kung kaya ko lang ibigay ang financial na pangangailangan niya ay hindi ko siya papayagang magpanggap na mahalin ka..
Yna : bakit mitch, may ginawa...


ba akong masama sayo, naging mabuting kaibigan ako sayo..bakit nagawa mong ilihim sakin na ganun lang pala ang pakay sakin ni Poli..
Mitch : dahil mahal ko siya..
Yna : mahal? Kahit na nasasaktan ka na..
Mitch : oo, pero okay lang dahil alam ko naman na ako talaga ang mahal ni poli at hindi ikaw pera mo lang ang habol niya, sa katunayan, inutusan siya ng papa niya na pakasalan ka, pero tumanggi si Poli dahil hindi niya kayang makasal sayo dahil ako ang mahal niya, kaya ito ang naging plano niya ang kidnapin ka at kapalit ng malaking salapi ang paglaya mo.
Yna : napakasama nio..wala kayong kwentang mga kaibigan, niloko nio ako, mga hayop kayo, Hayop!!!!
Mitch : sorry ka na lang tatanga tanga ka kasi eh.
.
At umalis si Mitch na tuwang tuwa ang kalooban..si Yna naman ay nagpupuyos ang kalooban sa galit niya..si Nico naman ay nahabdag na naman ang kalooban niya kay Yna..dahil sa panloloko ni Poli dito at ng kaibigan ni Yna na si Mitch..at lumipas ang maraming oras at sumapit na ang gabi, masamang masama ang pakiramdam ni Yna dahil sa takot, pagod, at gutom..ang sakit pa ng kanyang katawan dahil sa tindi ng pagod niya sa paglalakad at pagtakbo..parang pakiramdam niya ay magcocolapse na siya dahil na din sa uhaw..talaga daw hindi sila papakainin at papainumin man lang..nilalakasan na lang niya ang loob niya dahil baka kapag naghina ang kalooban niya ay hindi na niya kayanin..kaya dasal na lang siya ng dasal na sana ay makatakas pa din sila sa mga masasamang tao na tulad ni Poli at ama nito..at samantala naman si Poli, ay nagkulong siya sa kwarto, hindi siya nagpaisturbo sa kahit na kanino, kahit na kinukulit na siya ni Mitch na pagbuksan siya ni Poli ay hindi siya pinapansin ni Poli..at kahit pa yong papa niya, walang ginawa si Poli maghapon kundi uminom ng alak..nagpakalunod siya sa alak,
.
Noel : Mitch, hindi pa ba lumalabas si Poli?
Mitch : hindi pa nga tito, nag-aalala ako baka napano na siya sa loob..
Noel : eto ang susi buksan mo.
.
At binuksan ni Mitch ang pinto, ng makapasok siya sa cabin ay nakahiga si Poli sa kama at tulog na tulog ito.at nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig..pinagpupulot ito ni Mitch at pinasinop ito sa mga tauhan, nagtataka si Mitch kung bakit naging bugnutin si Poli..at bakit nakuha na siyang bulyawan nito..at hanggang sa hindi na niya pinansin ang sinasabi ng kanyang isip..sabi kasi ng isip ni Mitch, na baka dahil ito kay Yna kaya nagkakaganoon si poli, dahil nakita niya ang mga poot sa mata ni poli ng madkita niyang may kasamang lalaki si Yna..sa isip niya ay parang nagseselos si Poli.,pero binaliwala na lang niya ang isiping iyon, dahil baka nagkakamali lang siya ng iniisip..lumipas ang mga minuto at oras ay nakatulog na din si Mitch sa tabi ni poli, at ang mga tauhan nilang mag-ama ay gising pa din at nag-iinuman sila..
.
Lalake 1 : pwede tayong magpakalasing, kasi hindi naman na makakatakas yang mga yan..wala na silang magagawa para makatakas.
Lalake 2 : oo nga, kaya pwede tayong magsaya ngayon, dahil nalalapit na ang salapi satin, oras na natawagan na ni Boss ang ama ng babae na yan, ay tumataginting na salapi ang makukuha natin..
Lalake 3 : hindi na ako makapag-hintay..naiinip na ako.
Lalake 4 : ako din, naiinip na din ako, at bukod sa salapi, pwede pa tayong makatikim ng sariwang sariwa..bago natin patayin ang babae ay magparaus muna tayo sa kanya, sayang naman ang kinis at ganda niyang babae na yan..
Lalake 5 : tama ka dun pare.
.
Nagtatawanan ang mga lalake sa kanilang napag-usapan, at dinig na dinig ng dalawang tenga ni Nico ang mga usapan ng mga lalake, nagimbal siya sa narinig sa mga lalake, kailangan na niyang magmadali, para makatakas na sila ni Yna..at lumipas pa ang mga oras ay nalasing na nga ang mga lalake..kailangan daw na makatakas sila ni Yna, gagawin niya ang lahat para makatakas, dahil kung hindi siya makakagawa tiyak na papatayin din silang dalawa, pagkakuha ng ransom money..at hanggang sa pumasok sa kwartong iyon si Poli, tulog na tulog si Yna dahil sa pagod at gutom..pero si Nico at nananatiling gising..pero nagtulog-tulugan siya ng pumasok si Poli, nilapitan ni Poli yna sa kama, naupo siya sa tabi ni Yna, tinitigan niya ito..nakaramdam siya ng awa sa dalaga..hinaplos niya ang pisnge ng dalaga, sa paghaplos ni Poli sa pisnge ni Yna ay nagising si Yna..napabalikwas si Yna..at nagulat siya ng mapagsino niya ang lalake sa tabi niya.
.
Yna : poli!!!
Poli : Yna, im sorry!!
Yna : sorry.??? Nagsosorry ka—
Poli : maniwala ka yna hindi ko ginusto ito..
Yna : hayop ka Poli, napakademonyo mo..! Hayop ka!!
Poli : yna, makinig ka sakin Yna, nagsisisi ako sa nagawa ko sayo..pwede namang baguhin ko ang desisyon ko..magpapakasal tayo, at—–
Yna : hindi ako magpapakasal sayo..mas nanaisin ko ng mamatay kesa sa makasal sayo demonyo ka! Pagkatapos mo akong lokohin kayo ni Mitch, sasabihin mong papakasal tayo..hayop ka!! Sinayang ko lang yong mga oras na ginugol ko sayo, sinayang mo lang yong pagmamahal ko sayo, hindi ka naman pala totoo sakin, pera lang naman pala ang habol mo sakin, napaka hayop mo talaga..
Poli : patawarin mo ako Yna, alam kung napakalaking kasalanan itong nagawa ko sayo, pinagsisisihan ko itong nagawa ko sayo..ngayon ko lang nalaman na mahal na pala kita.
Yna : mahal, mahal mo na ako ngayon.?
Poli : oo yna, mahal na kita, itatakas kita kay papa..at magpapakasal tayo, magsimula ulit tay—-
.
Hindi natapos yong sinabi ni poli dahil dinuraan siya ni Yna sa mukha.
.
Yna : mas nanaisin ko pang mamatay poli, kesa magpakasal sayo, nandidiri ako sayo, nandidiri ako sa inyo ni Mitch!!!
Poli : Yna diba minahal mo naman ako.
Yna : oo pero hindi na ngayon..nasusuklam na ako sayo, sa inyo ni Mitch, mga hayop kayo magsama kayo, pareparehas kayong mga demonyo!!
Poli : yna sabihin mong mahal mo pa din ako.
Yna : hindi na kita mahal poli, hindi na, may iba na akong mahal—-
.
Nabigla si Yna sa sinabi niya, hindi niya napigilan ang bunganga niya sa sobrang poot niya, ay pati totoong damdamin niya ay naibulalas niya..at nakita ni Yna na naging mabalasik ang mukha ni Poli, dahil sa sinabi niya na may iba na siyang mahal.
.
Poli : sino itong lalake na ito!!(sabay lapit kay Nico)
.
Ngunit hindi sumagot si Yna.
.
Poli : eto ba ang ipinagmamalaki mo sakin…(sabay tutok ng baril kay nico)
Yna : poli huwag!!!
Poli : siya ba ang ipinagpalit mo,sakin?
Yna : poli huwag, maawa ka huwag mo siyang idamay..
Poli : siya ba??(bulyaw nito)
Yna : OO, tama ka, Mahal ko siya!!!….(sigaw niya)
.
Sa galit ni Poli ay ikinasa ang baril at muling itunutok ni poli kay Nico at nasa mukha ni Poli na talagang tototohanin na niyang babarilin si Nico.
.
Yna : Nico!!! Poli huwag!!
.
Pero ang hindi alam ni Poli na nakalag na pala ni Nico ang kanyang tali sa kamay at sa paa..habang nagtatalo sina yna at poli ay sinamantala ni Nico ang pagkakataon, tiniis niya ang sakit dahil sa gasgas ng lubid sa mga kamay niya..nakalag niya ang lubid sa kamay at isinunod niya ang tali niya sa paa..takot na takot si Yna sa mga sandaling iyon..dasal siya ng dasal na sana ay walang mangyaring masama kay Nico..nagpambuno sina Nico at poli, pilit na inaagaw ni Nico ang baril ni Poli, pero palaban si poli, naisahan ni Poli si Nico nasuntok niya ito sa mukha pero tiniis ni Nico ang sakit at nasuntok din naman ni Nico si Poli sa mukha pero sobrang lakas ang pagkakasuntok niya na bagay na ikinahilo nito, at nabitawan ang baril at tumilapon ang baril, nagmadaling lumapit si Nico sa baril upang kuhanin ngunit napaigilan siya ni Poli, binuhat ni Poli ang bangko at hinataw niya ito kay Nico, at napasadsad sa sahig si Nico..pero nakabawi agad si Nico, sinipa niya si Poli sa maselang bahagi ng katawan, at ito ay namalipit sa sakit, si Nico naman ang kumuha sa bangko at ipinalo ni nico sa ulo ni Poli, na bagay na nakapagpabagsak kay poli, at nawalan ito ng malay, at sinamantala ni nico na kuhanin ang baril sa sahig na nahulog ni poli at dali dali niyang kinalagan si Yna..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top