ALWAYS BE MY BABY CHAPTER 22


Samantala sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ni Lance si Maxine.Kababata nya ito at naging nobya nya ito ng nasa Bulacan pa sila nakatira.
“Max anong ginagawa mo dito?”
“Nag apply kasi ako ng work,dito ka ba nagtatrabaho?”
Hindi nya inaasahan na makikita nya ito at saka bakit ito magtatrabaho dito eh me negosyo ang parents nito.
“Hindi,dyan ako sa kabilang building.”
“Akala ko pa naman dito ka,para sana me kakilala na ko.Meron bang bakante sa opis nyo?”
“Naku di ako sure,kasi madalas sa field ako.”
“Ganun ba parang ayaw mo akong makatrabaho eh.”
“Grabe ka naman.Bakit akala ko sa bank ka nagtatrabaho?”
“Di ka na talaga updated sakin.Kumusta ka na nga pala?”
“Ahmm ikakasal na ko next year.Kaw ba me asawa ka na?”
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha ng babae.Pero di sya nagpahalata kay Lance.
“Ito bang mukhang to me asawa? Ang hard mo sakin.Dalagang dalaga pa ko.”
“Sori naman.Akala ko lang,kasi di ba ang dami kong karibal nun sayo.”
“Wala eh iba kasi ang gusto ko.Kaso me fiancee na sya.”
“Madami pa namang mga binata dyan.Sige una na ko sayo.”
“Sige malamang magkikita pa din tyo,malay mo matanggap ako dito sa malapit sainyo.”
“Okay,ingat ka.”
🌺Maxine POV🌺
Natuwa naman si Max ng magkita sila ulit ni Lance.Hanggang ngayon ay ito pa rin ang mahal nya.
Sayang nga lang at nagloko sya.Sa dami ng manliligaw nya ay tatlo silang pinag sabay sabay ng babae.Kaya ng malaman ito ni Lance ay galit na galit sya dito.
Pasalamat nga sya dahil kalaunan...


ay napatawad sya nito.
Bukod sa magkakaibigan ang mga magulang nila ay magkapit bahay lang sila.Pero ng lumipat ang binata sa Makati ay nawalan na sya ng balita dito.
“Akala mo Lance ha,babawiin kita sa fiancee mo.Ngayon pa na alam ko na kung saan ka nagtatrabaho.”aniya nito sa sarili.
Mula ng magkahiwalay sila ni Lance ay parang nakarma din sya.Halos wala ng manligaw sa kanya.Lalo na yung nakaka kilala sa kanya.
Kaya dati nasabi nya sa sarili na babalikan nya si Lance pag nagkataon,siguro nga ay ito na yun.
“Gagawa ako ng paraan para magkagusto ka muli sakin,asawa nga naaagaw pa fiancee pa kaya.
Kaya naman pag uwi sa inuupahang apartment ay dali dali nyang inopen ang facebook nya at inistalk si Lance.
Di naman mahilig sa fb si Lance kaya hindi sya updated.Pawang mga nakatag lang sa kanya.
Nakita nya ang post ni Trisha na nakatag kay Lance.Di pa pala na un-tag kasi nga di nya naman ito naupdate.
Kilala nya si Trisha dahil nga sa kababata nya si Lance.
“Sya kaya ang fiancee ni Lance,kapal ng mukha mo ah.Kinakapatid daw pero dati pa alam ko na me pagtingin ka sa ex bf ko.Kung ikaw man yun di ka magtatagumpay lalo pa ngayon na kailangan ko ng mayaman na bf.”
Nalugi na kasi ang business nila sa Bulacan,naging sugarol ang ama at ang ina nya ay masyadong maluho.
Kaya napilitan tuloy aya maghanap ng trabaho.
Di pa nya nakikita si Sab,di naman kasi mahilig ang dalawa magpost ng sweet moments nila.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top