Amara the dreamer Chapter 10


” Pag iisapan ko muna nang maigi Marikit kasi hindi biro ang mag abroad.” turan niya sa kaibigan.
” Oo pero doon matutupad natin ang mga pangarap natin.” pangatwiran ni Marikit.
” May punto ka naman riyan, pero hindi pa ako handa iwanan sina inay lalo na si Junjun laging nagkakasakit. Okay naman ako sa pagiging katulong.”
” Magkaano ba ang sahod sa pagiging katulong Amara? ang tagal na natin namasukan bilang katulong pero hanggang ngayon katulong parin tayo walang nagbabago sa buhay natin.” pursigedo si Marikit na umalis sa ibang bansa.
” Pag-iisipan ko muna” sabi na lamang niya rito.
” Ikaw ang bahala Amara pag makapag decision kana, sabihin mo sa akin. Wag mo lang patagalin dahil sa susunod na buwan na ang alis namin.” sabi nito at agad din ito nagpaalam sa kanya.
Kanina pa siya nakahiga pero mailap sa kanya ang antok. Kahit anong isip niya sa sinabi ni Marikit kanina hindi talaga pumapasok sa isipan niya ang umalis papunta sa ibang bansa. Kuntento na siya sa pagiging katulong basta kasama niya lang ang inay at kapatid niya. Kung saan saan na napunta ang pagiisip niya
hanggang sa sumagi sa isipan niya ang pagpapakasal ni Edward kay Sheila.
” Bakit paba ako naniniwala na mahal niya ako? samantalang isa lang akong katulong. Natural hahanap yon ng ka level niya.”
Muling bumangon ang sakit sa dibdib niya. Hindi niya mapigil ang sariling maiyak. Hangang sa makatulugan nalang niya iyon.
TULAD nang sabi nang ginang maaga siyang pumasok kinabukasan. kahit nag alanganin pa siya. Hindi niya alam paano harapin si Edward.
” Natutulog pa siguro ang g**o.” Sabi niya habang naghanda ng makain.
” Amara, mabuti maaga ka ngayon.” bungad sa kanya ni Sheila ng makita siya nito.” Ipag timpla mo ako ng kape.” utos nito
Napalingon siya rito nanlaki ang kanyang mga mata nang makita itong sout ang damit ni Edward. ” Dito ka natulog?” Hindi niya mapigilan itanong.
Pinandilatan siya nito nang mata bago ito sumagot ” Of course!! Magiging asawa na ako ni Edward magpapakasal na kami sa madaling panahon.” Nginitian siya nito na tila ini-ingit siya.
” Magiging amo muna rin ako, kaya magpakabait ka kung ayaw mong mabawasan ang sweldo mo.” nakairap nitong sabi.
Nakita nang gilid nang kanyang mata si Edward papalapit sa kanila kaya agad siyang tumalikod at pinagpatuloy ang ginagawa.
” Ano ang ginagawa mo dito sa kusina Sheila?” tanong ni Edward
” Hi hon,” sabi ni Sheila sa maarte na boses
” Amara” mahinang sambit ni Edward sa kanya. Hindi na niya ito nilingon pa.
“Balik na tayo sa kuwarto hon” sabi ni Sheila hinila si Edward.
” Ang aga mo mang bwesit” narinig niyang sabi ni edward at naglakad ito papunta sa sala.
” Ihatid muna lang ang kape sa sala” baling sa kanya ni Sheila at sumunod kay Edward na parang buntot.
” Ang sarap sabuyan ng kape ng mahimasmasan” inis niyang sabi nang maiwan siya mag isa.
Matapos niyang makapag templa nang kape hinatid niya ito sa sala kung saan naka upo ang dalawa. Nilapag niya ang kape sa center table ni hindi siya tinapunan ng tingin ng binata.
Subra siyang nasaktan sa ginawa nitong panloloko, ito pa ang unang lalaki sa buhay niya at ito din ang unang lalaki nakapanakit sa kanya.
HINDI MAKATINGIN si Edward kay Amara, alam niyang labis itong nasaktan. Hindi niya alam paano ipaliwanag rito ang nangyari kung bakit kailangan niyang pakasalan si Sheila.
Naawa siya nahihiya sa sarili. Kalalaki niyang tao ngunit may na argabyado siyang babae. Nong nakita niya mugto ang mga mata ni Amara gusto niya itong yakapin at aloin pero para ano pa? paasahin nanaman? lalo lang niya itong masasaktan.
NATAPOS ni Amara ang araw ng hindi parin siya kinakausap ng binata inantay niya ito para makapag paliwanag sa ginawa nito panloloko sa kanya. Pero hindi siya nito nilapitan. Nakaramdam siya nang galit para rito.
” Hindi ako papayag na maging amo ko ang Sheila na iyon.” mariin niyang sabi sa sarili.
” Paano kaya kung mag Japan nalang ako? sasama ako kay Marikit....


Tama nga siguro ang sabi ni Marikit walang mangyayari sa buhay ko dito.
Sasama ako sa kanya at makipag sapalaran ako sa Japan. Don ko tutuparin ang mga pangarap ko. Ipapakita ko sainyo na ang tao inapak-apakan niyo ay kaya kayong pantayan.” Isang decision ang nabuo niya dahil sa galit sa binata.
Mula sa bahay nang mga Delgado ay nagtuloy siya sa bahay ni Marikit. Buo na ang kanyang decision sumama rito.
” Amara na gawi ka? nakapag decision kana ba?” tanong nito nang makita siya palabas ito nang pintuan nang matanaw siyang paparating.
” Marikit may sasabihin sana ako sayo” nahihiya niyang sabi.
” Umupo ka muna” anitong inabot ang puting plastic na upuan.
” Nakapag decision na ako sumama sayo, pero pwedi ba akong mag cash advance Marikit?”nahihiya siya alam niyang hindi maganda ang mag advance na hindi pa nakapag simula.
” Kailangan kulang kasi nang pera hindi na sana ako papasok pa sa amo ko, kaya babayaran ko nalang ang utang ko sa kanila kung sakali man maka advance ako.” paliwanag niya rito
Ayaw na niyang makita si Edward at ang babae nito kaya na isipan niyang bayaran nalang ang utang himbis na pagtatrabahuan pa niya.
Mamabutihin na lamang niyang bayaran para hindi na siya masasaktan satuwing nakikita ang dalawa nag lalampungan.
Hindi naman siya na bigo sa hiling niya kay Marikit, pinag bigyan nito ang kanyang hiling.
” BAKIT KA aalis Amara?” hindi makapaniwalang tanong nang ginang sa kanya.
” Kulang ba ang pa sahod namin sayo Amara?” tanong nito sa malungkot na boses
Umiling iling siya “hindi naman po ma’am”
” Amara wag mo naman akong iwan dadagdagan ko ang sahod mo”
” Mag abroad po ako ma’am. Nakahanda na po ang mga papers ko. Babayaran ko rin ho yong nautang ko sa inyo.” Sabi niya
Matagal tagal na siyang namasukan sa mga Delgado mula pa ng mabuhay ang Asawa nitong si Armando. Kaya nalungkot ito sa kanyang pagalis. ” Sana pinigilan ako dahil gusto ako para sa anak niya pero hindi eh”
Tinapunan niya ng tingin ang pababang si Edward sa hagdanan.
Inabot niya sa ginang ang pera pambayad niya para maka alis na siya.
” Pabaon ko nalang iyan saiyo Amara, salamat sa maraming taon na pinag serbesyo mo sa amin” anito sa malungkot na boses.
” Aalis ka Amara?” kunot noo tanong ni Edward sa kanya.
Tinanguan niya lamang ito. ” Wala nang halaga mananatili pa ako rito” gusto niyang sabihin ngunit pinigil niya ang sarili.
” Maraming salamat po sa tulong na ibinigay niyo sa akin ma’am” baling niya sa ginang.
Niyakap siya ni Consita ” Kung sakali man magbago ang isip mo welcome ka parin dito Amara.”
” Sige po ma’am, hindi na po ako magtatagal maraming salamat po uli sa inyo” pagka sabing iyon ay agad na siyang tumalikod
” A-abutin ko ang pangarap ko, ipamukha ko sa iyo Edward na kaya ko kahit wala kang hayup ka.” galit niya sabi sa sarili saka nagtutuloy lumabas ng bahay ng mga Delgado.
NALUNGKOT si Edward sa pag alis ni Amara, ngayon palang naramdaman niya ang pangulila sa dalaga.
Nasanay siyang nakikita ito araw araw. Ibang lungkot ang dulot sa puso niya ang pagalis nito sa kanila. Alam niya siya ang dahilan at ang pagpapakasal niya kay Sheila.
Umupo siya sa swing. Tila na ririnig niya ang boses ni Amara ang mga halakhak nito. Na mimissed niya ang dalaga pero wala na siyang magagawa.
Nakatakda na ang kasal niya. Nasa malalim siya nang pagiisip ng lumapit sa kanya si Sheila.
Iba ang tibok nang puso niya kapag si Amara ang kasama niya. Hindi niya pinag sawaan si Sheila nakita niya lang ang kaibahan ni Amara rito. Malayo si Sheila sa paguugali.
Pero nangyari na ang nangyari sa kanila noon ni Sheila at heto na ito ngayon buntis na at siya ang ama.
” Ang lalim ata ng iniisip mo?” pukaw ni Sheila sa kanya.
” Wala may inisip lang ako.”
” Ang papalapit ba nating kasal?” Nakangiti nitong tanong.
Nginitian niya lang ito saka tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top