Nakasunod parin ako sa likuran ni Parker. Takot talaga ako kanina. Napaka-chismosa ko talaga yun tuloy muntik na akong mamatay sa ginawa ko.
Habang naglalakad kami patungo kung saan naganap ang party. Napahinto ako nang biglang….namatay ang ilaw?!
Naku naman brown out?!….susugurin ko talaga ngayon ang meralco. Bakit ba hindi sila nagsabi muna kung may brown out. Hay naku…baka kung saan ako ngayon mapunta…wag lang sa taong hindi ako kayang bigyan nang halaga. Pwede na siguro akong maging aktres…galing ko talaga. Gag* sira ulo na talaga ako pati brown out nagdadrama parin ako?
“Parker! asan kaba?! di kita makita!” malakas kong sigaw. Malamang di ko talaga siya makita kasi madilim. Nagkakaguluhan narin ang mga tao sa loob..may nagsisigawan…mayroon ding nagpapanic.
“Asan na kaya siya…para tuloy akong tanga rito” bulong ko sa sarili. Kahit di ko parin siya nakita..nagpatuloy parin ako sa paglakad.
“Aray!”
“Sorry miss..” pagpapaumanhin ko sa nabunggo kong babae.
Nagpatuloy parin ako sa paghahanap kay Parker. Asan na kaya yung lalaking yun?
Natigilan ako nang may…..humablot sa braso ko.
“Hoy! Bitawan mo ako!” sigaw ko. Kinakabahan rin ako di ko alam kung bakit.
“Ano ba! sabing bitawan mo ako!” sigaw ko uli nang may humawak na naman sa isang braso ko. Mas lalo akong kinabahan dahil kakaiba talaga ang paghawak nila sa braso ko. Halos mamalupot ako sa sakit dahil sa higpit na paghawak nila.
“Di talaga kayo titigil!” agad kong sinipa ang kanilang paa kasabay nang pagbagasak nang isang lalaki sa sahig. Nabigla ako nang dumaing ito sa sakit..di ko naman siya sinipa nang malakas…ba’t ganun?
Natigil ako nang may humigit sa leeg ko…naninigas ako sa kinatatatyuan ko…dahil naramdaman kong isang kutsilyo ang ginamit niya.. isang galaw ko lang…siguradong mamatay ako.
Hinablot ko ang kutsilyo sa kanya at agad kong sinaksak siya….di ko alam kong ano ang ginawa ko…
Di ko alam kung paano gumalaw ang katawan ko…di ko rin makontrol ang sarili ko…sinubukan...