” SAAN mo kinuha ang perang ito?” Takang tanong ng kanyang ina ng i-abot niya rito ang pera. Nang makauwi siya sa kanila.
“ Hindi na mahalaga nay kung saan iyan galing ang importante may pang bili na tayo nang gamot para kay Junjun.” Tugon niya sa ina.
Hindi na niya hinintay ang ina mag sasalita nagpapaalam na siya rito matulog na. Mag alas-dos na nang madaling araw. Papasok pa siya bukas nang maaga kina Edward.
ANTOK na antok pa siya kinabukasan, ilang oras lang ang tulog niya. Pinilit niya ang katawang bumangon para mag trabaho. Agad niyang tinungo ang kanilang maliit na kusina para mag sipelyo at mag hilamos nang makaalis na. Inisip niya doon nalang siya maliligo sa bahay nang amo.
“ Inumaga nang uwi si Edward, grabeng partehan na iyan” bulong niya sa sarili nang madatnan itong nag bukas nang gate para ipasok ang sasakyan nito.
“ Morning” bati niya nang tuluyan siyang makalapit.
Ngumiti lang ito sa kanya at pumasok narin ito sasakyan para ipasok sa loob nang gate.
“ Ang guwapo kahit ngiti lang solve na ako” aniya sa sarili nakatayo sa gilid nang gate. Agad niya iyon isinara nang tuluyan makapasok ang ford nang binata.
“ Amara, pwedi mo ba akong ipag templa nang kape?” pakiusap nito nang maka baba mula sasakyan.
“ Sure!” tugon niya at tumalima papunta sa kusina.
Kinuha niya ang tasa at ang kutsarita.
“ Hmmmm, isang kutsarita nang pagmamahal” aniya sinalok ang kape gamit ang kutsarita at inilagay sa tasa.
“ At isa pang kutsarita matamis na pagmamahal” ngumingiti pa siya habang sinasabi iyon sa sarili
“ Ma diabites ka talaga sa akin pag ako ang mamahalin mo dahil puro mamatamis na halik at yakap ang ibibigay ko sa iyo” dagdag pa niya na kinikilig.
“ Ayos ka lang ba riyan Amara”
“ Ay kabayo!” tili niya nang bigla mag salita si Edward mula sa kanyang likuran. Muntikan pa niya mabitawan ang hawak niyang garapon nang kape.
“ Edward naman basta ka lang naman sumusulpot eh” nakangiti niyang sabi rito.
” Did I make you jumped?” nakangiti nitong tanong.
“ Bakit ba parang musica sa taenga ko ang boses niya”
“ Oo, muntikan ko pa tong mabitawan tong tasa” nakangiti parin niyang sabi.
“ I’m sorry” saka ngumiti itong muli na nagpapalitaw sa mapuputi at pantay nitong ngipin.
“ Ito na ang kape, puno iyan nang pagmamahal ko” sabi niyang inabot ang tasa rito
“ Ano sabi mo?” ulit nito nang hindi marining ang sinasabi niya.
“ Heto na ang kape mo, hawakan mo nang maigi puno pa naman iyan nang pagmamahal nang mommy mo iyang tasa na iyan” alibi niya tinuro ang hawak nang binata.
Kinuha ni Edward ang tasa at tumalikod na ito naglalakad papunta sa sala.
Sa kaibuturan nang puso niya, tuwang tuwa siya, noon lang nakipag usap sa kanya nang ganon katagal si Edward at ngumingiti pa ito. “ Hays, ang guwapo talaga sarap magpa lunod nang halik”
Ngumuso siya na animo’y hahalikan ang binata nakaupo sa sofa nakatalikod sa kanya. Pinag x niya ang kanyang mga braso sa dibdib.
“ Hanggang yakap at halik sa hangin nalang ako sayo Edward” bulalas niya sa sarili sinundan niya nang pagbuntong hininga at ibinaling ang kanyang attention sa hugasin nasa lababo.
” SAAN niyo nakuha yong babae sumasayaw ka gabi pare?” tanong ni Edward kay Steve nang puntahan ito nang kaibigan.
Nakaupo sila magkaibigan sa metal na swing sa labas nang kanilang bahay.
” Kakilala yon ng kaibigan ko.
Bakit mo naitanong?” ani Steve na pinagalaw ang swing.
” Pare ang ganda ng katawan, subrang sexy. Gusto ko siyang makilala.” masigla niyang sabi.
Simula nang makita ang babaeng iyon kagabi hindi na nawala sa isipan niya...