Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 7.1


Kinurap kurap ko pa ang mata ko at baka namali lang ako ng basa pero talagang hindi ey.
OSANG S RASE
OSANG S. RASE talaga yung nakasulat dun sa papeL. Eh hindi ko nman pangalan yan e .Kahit kelan talaga nakakainis si Moymoy. Sinadya man nya o Hindi naaasar ako sa kanya.
Naglakad na ko papuntang flag pole para sa flag ceremony at iniwan si Moymoy na nakatayo dun sa Harap ng pinto.
Hindi ba nya alam na ESANG S.RASU ang pangaLan ko.. Para saan pa’t naging kaibigan ko sya .
NakipiLa nlng muna ako sa mga estudyanteng sa tingin ko’y mga baguhan lng din sa paaralan.. NapapiLa kame sa iLalim Ng sikat ng araw habang kinakanta ang Pambansang Awit. Buong Puso ko itong kinanta dahiL sa tuwang aking nadarama. madami akong inspirasyon para magsumikap at pag igihan ang pag aaraL ko.
Matapos ang Flag Ceremony ay nakita ko si Kuya Ron. Nakiusap ako sa kanyang tulungan ako sa paghahanap ng room ko.. Di nman sya tumanggi at sinamahan ako.
“Esang dito ” tawag nya habang kinakawayan ako.
Mukhang nakita nya na ang classroom ko. 1-G Santan ang nabasa ko sa taas ng pinto at ang salitang Welcome.
Nagpaalam at nagpasalamat ako kay Kuya Ron bago ko hinakbang ang paa ko papasok sa room namin. Napakatahimik ng classroom namin palibhasay nakikipagpakiramdaman pa sa isat isa.
Nakilala namin ang aming adviser na si Sir Dominic Domino at English teacher sya. Bali ang este. Bawat isang oras. Isa isang subject at papalit palit ng teacher. Sila na yung kusang pupunta sa Room namin para daw maiwasan ang pag ka cutting Class ng ibang estudyante..
RECESS.
lahat siLa excited lumabas para bumiLi ng pagkain. Samantalang ako sapat ng maamoy ang mga masasarap na amoy na galing sa tindahang nagtitinda ng NiLupak na kamoteng kahoy.. Banana Q. Camote Q iilan lbg yan sa mga pwedeng bilhin sa tindahan na yun.. At syempre softdrinks na patok sa mga magmemeryenda. . Bali sa likod kse ng mismong room namin ang ay may tindahan.Teacher din ang may ari nun kaya siguro ok lng sa school na magtinda din Sya kahit may sariling Canteen nman talaga ang schooL.
Di namn masyadong nakakapagod ang unang araw ng klase. Magpakilala lng sa bawat isa.. Release ng mga libro .kumbaga wala pang binibigay na mga activities..
Nagkaroon narin ako ng kaibigan. Mga setmeats ko sila sa likod. Nga pala mas marami ang girls kesa sa boys na mga clasmates ko bali 38 kaming lahat sa aming room.
Si ApriL Conde ang unang nakipag usap sa akin.. Maganda sya khit black beauty..mas bata sya sa akin ng 1 taon.. At ang pinsan netong si...


Maris Conde .singkit at ang Hilig magbasa ng libro (akala ko lng pala yun kse ang totoo nakasingit pala sa gitna ng libro ang binabasa nyang Pocketbook.)
Section G kami. Second to the Last section kaya parang kapag tignan kame ng Highest section ang bobobo namin .
Narinig ko ang belL hudyat na uwian na..saktong alas 4 na ng hapon.. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at nagmamadaling tinungo ang malaking gate.. Sabay sabay kameng mga estudyanteng lumabas kaya siksikan sa daan. MagLalakad lang kase ako pauwe sa bording house. Kapag sasakay namn kase ako ng tricycle ay limang piso din ang bayad. Panglaman tiyan din yun. May kalayuan kase ang school namin sa tabing dagat kaya paglalakarin mo ay nasa 15 minutes din.
Gusto ko ng makauwe kse lalabhan ko pa ang nag iisa kong Uniform πŸ™‚ at syempre para nakaoagpahinga na rin..
Madaming kaming Boarders ni Lolo Noy at Nanay Auring (Mayari ng Boarding House).mga studyante din na galing sa ibat ibang baryo. Nung una di kame nagpapansinan. Maliban kela ate Liza at Kuya Ron na kilala na dun sa boarding house na yun.
Byernes na at excited akong umuwe sa bording House para iligpit ang mga maduduming damit na sinuot ko kahapon. At Syempre para maabutan ko ang bangkang pampasahero sa amin. Masayang masaya ako at madami akong ikukwento sa mga kapatid ko. At syempre sa tito at tita ko..
Tanaw ko na ang tabing dagat at halos gusto. Ko ng tumalon sa bangka at umuwe na sa bahay ..malayo palng ay nakita ko na ang mga kapatid kong nakangiti at naghihintay sa akin.
Pagpasok ko ng bahay ay nagmano ako sa tito at tita ko.saktong nagkakape sila kaya inilabas ko ang tinapay na binili ko sa bayan bago ako umuwe kanina. Sobra iyon sa allowance ko .talagang tinipid ko para may pasalubong ako sa mga kapatid ko.
Nakita ko si Long at inalok ko.
“Hindi busog pa ko ” pagtanggi nya..
“Galit ka ba sa akin? Tanong ko sa kanya ng sundan ko sya sa kusina..
“ano ka ba. Busog ako dami kong kinaing nilagang mais kanina,at saka pagod din ako sa laot.Kakauwe lng namin “Paliwanag nya.
Napansin ko ngang nangitim sya lalo at namayat ng kunti..
Naaawa ako sa kapatid ko.
“Bakit nilagang mais? eh db mahina ang panunaw mo? ” tanong ko pa
“walang pagpipilian ate Esang, minalas kame netong mga nakaraan. Pang ulam nga mahirap pang nakauwe kaya wala tayong bigas at naglaga muna si tita ng mais makaraos ngayong gabi. . “sagot neto.
Itutuloy..
Yung mga pangalan ng Bff nyo nung bata pa kayo. Sige nga Sabihin nyo sa akin πŸ™‚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top