Incompatible Part 27


Author : Ren Salazar
Napako ang tingin ni Schiyev sa labi ni Bekket na malapit sa kanyang noo. Hindi man lang nakaramdam ng pangangawit ng leeg dahil sa siya’y nakatingala rito.
Sunod sunod ang lunok niya habang nagpapatuloy sa pagmamasid sa labing nagpaptuloy rin sa paghipan sa kanyang noo.
” Kelan ko kaya ulit matitikman ang labi ng baklang to?” Pilya niyang isip.
” Yoebo…” Mahinang tawag sa kanya ni Bekkey subalit hindi siya nakikinig. Abala kasi ang kanyang mata at isip sa labi nitong mapagtukso.
” Ang lambot pa naman niyan.” Sige pa rin siya sa pagiimagine. Inalala niya ang minsan nilang halik na nauwi sa kanyang pagkagat rito noong nasa elevator sila.
” S..che….” Binanggit niyang muli ang unang apat na letra ng pangalang kay hirap niyang masambit.
Ngunit ganoon pa rin si Schiyev. Tila malayo na ang naglalakbay ng kanyang isip.
” Mmm….” Pinisil ni Bekket ang ilong nito para matauhan.
” Aray…” Daing nito.
” Ikaw kasi. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ko pinapansin. Nakatingin ka lang sakin. Hindi ko alam kung saang eksaktong direksyon. ”
” Ishh.” Sambit nito sabay hawak sa kanyang ilong. ” Pati ilong ko sumakit na rin. Kasalanan mo to eh. ” Inirapan pa niya si Bekket.
“Hehhe…sorry na. ” Nilambing naman niya si Schiyev.
Tinalikuran niya si Bekket saka humiga sa kama nang nakatagilid sa huli. Ginaya na rin siya nito. Kapwa natahimik saglit at…
” Bekki….”
” Hoy! Bekket name ko no!. Bakit hindi mo masabi ng maayos,girl?”
” Eh sa yun ang gusto kong itawag sayo. Bakla ka kasi.”
” Ikaw naman schiyev. Katunog ng Che! As in CHE ka!” Ganti nito pero biro lang naman.
” Hoy! Im still your wife kaya umayos ka rin!” Biro rin niya.
” Whatever….” Kunwaring umirap pa sa asawa.
Maya maya…
” Bekket….bakit hindi na lang kaya natin totohanin yung…yung tayo.” Walang ka kurap kurap na turan ni girl.
” Enooo? As in TAYO?!” Nanlaki pa mga mata nito.
kapwa nagkatitigan…..
” EEEEEWWWWW!!!” Magkasabay na sabi nila sabay talikod sa isat isa.
” Kadiri girl. Di ko take.” Umiiling nitong wika. Pero kasalungat naman sa isip niya.
” Ewws…sabi ko nga..” may pa duwal pang kilos. Kunwari ring turan ni Schiyev.
Saka nagpasyang mahiga at matulog. Pero ang totoo, sa loob ni Schiyev…gusto niyang maging totoo ang kung ano man ang meron sila ngayon. Kung bakit kasi si Bekket,panay pa rin ang pagtanggi sa tunay nitong nararamdaman.
” Bekki…”
Pero buo na ang pasya ni Schiyev. Ngayong gabi, didretsuhin na niya si Bekket. Bahala na kung ano ang magiging sagot nito sa kanyang paghahayag ng totoong damdamin.
” Bekki…tulog ka na ba? ”
Subalit nanlumo siya nang makarinig ng hilik mula rito.
” Tulog ka na nga.” Saad niya.” Gusto lang naman kitang mayakap. Na miss talaga kita. Ewan ko ba kung bakit ako ang nahulog sayo gayong balak ko sanang gawin kang totoong lalaki. Pero malabo yata yon. Eh,mas babae ka pa kumpara sakin sa tuwing ako lang yung kaharap mo. ”
Umusad siya ng kaunti patungo kay Bekket. Marahan niyang niyakap ang asawang bakla.
” Bekki….ang totoo niyan..gusto na talaga kita. ” Bulong niya. ” Gusto na parang papunta na sa mahal. Matulog ka lang ha. Para mayakap kita ng hindi mo nararamdaman. ”
At buong gabi niyang kayakap si Bekket.
Kinabukasan,tinawagan ni Schiyev si Rhea. Pupunta sila ng dagat kasama syempre si Bekket. Nagkataong day off ng kaibigan niya kaya nakasama ito.
” May pagkain ba tayong dala?”
” Oo. Nasa basket. Sa loob ng kotse. Namili kami kanina ni Bekket bago pumunta rito. ”
” Ah..uy,teka..”
” Bakit?”
” Kumusta na? Tagumpay ba?”
” Ang alin?”
” Yung sa asawa mo?”
” Ah..bigo ako Rheang. Bigo dahil ako yung nahulog sa kanya. Kahit ano yata gawin ko sa baklang iyon,ganoon pa rin. Sukat ba namang...


nagsuot ng nighties kagabi! Buti nga at di siya nakita ni nanay.”
” Teka lang ulit? Anong sabi mo? Ikaw kamo ang siyang nahulog sa kanya?”
” Mm” sinabayan pa niya ng tango ang kanyang sagot.
” Talaga? Well,hindi rin kasi kita masisi. Ang gwapo ng asawa mo. Ang kinis ng balat kita mo naman…” Pagkasabi non ni Rhea ay tinuro niya si Bekket na nakashort lang na lumusong sa tubig dagat. ” Tingnan mo.”
Nilingon naman ni Schiyev si Bekket na kakaahon lang sa tubig. Nakakatukso na naman ang kakisigan nito. At nakakasilaw na naman ang mala kristal nitong balat.
” Haay…Rheang. sa tingin mo,posible bang maging totoo ang pagiging mag asawa namin?”
” Aning…totoong mag asawa na kayo no. Hindi naman peke ang kasal ninyong dalawa.”
” Oo nga. Ang ibig kong sabihin…”
Hindi na natuloy ni Schiyev ang sasabihin nang sumenyas si Rhea na papalapit si Bekket.
” Yoebo..halika,swimming tayo. Mag aalas nwebe pa naman kaya ok pa sa balat ang sikat ng araw. ”
” Mamaya na. Ayoko pang maligo. ” tanggi niya.
” Lika na. Samahan mo ko. ” Hinawakan nito ang kamay niya.
” Yoebo…ikaw na lang muna. ” Unang pagkakataon niyang tinawag na ” yoebo” si Bekket.
” Ganoon ba? Sige..lagyan na lang kita ng sun screen. Proteksyon para sa sikat ng araw. ”
Kinuha ni Bekket ang lotion at pinahid sa braso ni Schiyev.
” Nakabili ka pala ng ganyan?”
” Oo. May nakita akong establishment na nagbebenta nito kanina kaya bumili na rin ako.” Sagot niya habang nagpapatuloy sa pagpahid ng lotion kay Schiyev. ” Hayan..tapos na. ” Tumayo ito at biglang binuhat si Schiyev.
” Ay!! Anong ginagawa mo?!” Gulat niyang tanong. Nasa bisig na siya ni Bekket.
” Maliligo ka ngayon at hindi mamaya. Sa ayaw at sa gusto mo,ilulublob kita sa tubig.” Pagmamatigas na wika ni Bekket saka nagsimula na itong maglakad papuntang dagat.
” No! Bekket. Stop. ” pigil nya. Hindi siya pwedeng maligo o mabasa man lang.
Pagdating sa tubig,sige pa rin ang paki usap ni Schiyev sa kanya.
” No,please. Huwag mo kong ibaba sa tubig. ” Pagmamakaawa nito sa bakla.
” Haha..ano ka kambing? Pusa? Takot sa tubig?Hindi pwede.” Akmang ilulublob na siya sa tubig dagat.
” Red alert! ” Malakas niyang sigaw.
” Ano?!”
” Red alert. ” Nginitian pa niya si Bekket.” Ibalik mo na ko kay Rhea,pakiusap. ”
Parang naintindihan naman siya ni Bekket. Hindi nito itinuloy ang pagbasa sa kanya sa tubig.
” Bakit hindi mo sinabi kanina bago tayo pumunta rito? Sana hindi na tayo tumuloy.”
” Eh ….gusto ko rin namang maipasyal ka.” Titig na titig siya kay Bekket.
” Eh,paano ka maeenjoy ninyan gayong may dalaw ka? ”
” Ok lang naman. Na eenjoy naman akong panoorin ka. Hehehe”
” Sige na nga. Mamaya na lang ulit ako maliligo. ” At nagpasya na siyang bumalik papunta sa kinaroroonan ni Rhea.
” O! Anong nangyari? Bakit hindi mo tinapon sa tubig yan?” Tukoy ni Rhea kay Schiyev.
” Hindi pwede. Dadanak ng dugo sa dagat.” Sabi ni Bekket.
” Ha?!”
” Rheang…may dalaw ako. Kani kanina ko lang naramdaman. ” Si Schiyev na ang sumagot.
” May diaper ka ba?”
” Anong diaper ,bekket? Ano ako? Bata?”
” Hahahhahaha” tumawa ito pati na rin si Rhea.
” Biro lang. Sabihin mo lang at nang mabilhan kita sa may tindahan.”
” Wooow…sigurado ka? ”
” Oo. Ano naman ang masama kung ibibili kita?”
” Wala naman. Nakakahiya kasi.”
” Sino ? Ako? Mahihiya? Bakit naman? Pwede ko namang sabihin na may dalaw ang asawa ko at kailangan ng napkin.”
Biglang pumalakpak si Rhea.
” Owhh…ang swerte naman ng kaibigan ko. Bukod sa gwapo ng asawa niya..mabait pa. ” Puri nito kay Bekket.
Tumingin naman si Schiyev kay Bekket. Tinging makahulugan.
” Mas lalo yata akong maiinlab sayo,Bekki…” Bulong niya






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top