The Choosen ONE πŸ’ž πŸ’ž Continuation of Chapter Bente UnoπŸ’ž


Ang kaninang nagkakasayahan ay parang naging tahimik.
Nang makita ang baril na nakatutuk sa ulo ni Crew.
“Sige ituloy mo ng mabaon sa ulo mo ang sampung bala ng baril ko”seryusong wika ni Reoh sa namumutlang kaharap.
Isa pang kotse ang dumating at limang kalalakihan ang bumaba.Mga tauhan ni Vorris ang mga ito at wala ni isang salita na pinagsisipa at pinagsusuntok ang tatlong barkada ni Crew.
Isang ngiti may pag uuyam ang kumawala sa labi ni Reoh at walang habas na hinampas sa ulo si Crew ng baril na hawak nito.Dahilan para mawalan ng malay ang kaharap.
Dinala si Crew ng mga tauhan ni Vorris sa isang abandonang bahay.Malayo sa kabahayan.
Isang baldeng tubig na sobrang lamig ang binuhos sa walang malay na lalaki.
Dahilan upang magising ito.
Ngunit di nya maigalaw ang katawan.
Nakabaon ang buo nyang katawan sa lupa at tanging ulo lamang ang nakalitaw.
“Reoh,pakawalan mo ko dito.Mamamatay ako dito!!!!!sigaw nya sa pangalan ng binata na nakatayo sa bandang unahan...


nya.
“Natatakot ka din palang mamatay Crew!kita sa mukha ni Reoh ang bagsik.
Naupo ito sa harapan ni Crew.
“Naaalala mo pa ba ang dalawang magkapatid na palagi nyong inaapi?Yong kuya palagi nyong binubugbug samantalang ang kapatid nito ay palagi nyong inaagawan ng pagkain na pinaghirapan nyang hanapin.”
Walang emosyong pagkukwento ni Reoh kay Crew habang malayang pinapaikot sa mga kamay ang hawak na baril.
Nakatingin naman dito si Crew na nababakas sa mukha ang masidhing takot.
“Reoh kung ano man ang nagawa ko sa inyo noon ng kapatid mo ay patawarin mo na ako.Pangako pag pinayagan mo ku makaalis dito.Ako mismo ang susurinder aalis ako sa lugar na ito.O kaya’y mag papahuli na lang ako sa pulis.
“Saad nito na halos iiyak na..
“Parang wala akong nagustuhan sa mga option na binigay mo.Parang gusto ko atang barilin ka na lang at ilibing para naman kahit papaano ay mapakinabangan ka ng mga uod sa lupa”
Tinutok ni Reoh ang baril sa ulo ni Crew.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top