ANG ASAWA KO MANGANGANAK NA!


ANG ASAWA KO MANGANGANAK NA!
β€” Demi Morrigan | @vinvinbaby_
Gabi na nang magkasiyahan kami ng mga tropa ko galing sa trabaho. Mukhang may tama narin ang iilan sa’min kaya kung anu-ano na ang mga sinasabi nang dumating ang kapatid ng asawa ko na si Lenlen.
“Oh, Lenlen. Na pano ka?” Agad kong tanong sa kaniya nang makarating siya.
Habol habol niya ang kaniyang hininga nang magsalita siya sa pakay niya. “Kuya! Kuya, mukhang manganganak na ata si Ate.”
Natatawa naman akong lumingon sa mga kaibigan ko. “Mga bro, narinig niyo ba ‘yon? Mangangak na daw ang Misis ko!” Masayang ani ko.
“Congrats, bro!”
“Naka isa ka pala kay Misis.”
“Magiging Ninong na pala kami kung ganon.”
At kung anu-ano pa ang sinabi nila sabay cheers sa mga hawak naming bote ng alak. Habang tinutungga ko ang beer na ininom ko ay naka tanggap ako ng isang malutong na pokpok sa ulo.
“Aray!” Daing ko sabay tingin ko sa kapatid ng asawa ko.
“Kuyaaaaa! Ano ba manganganak na nga si ate!”
Doon lang na pasok sa isipan ko na kabuwanan pala ng Misis ko ngayon at wala kaming masasakyan patungog ospital. Na himasmasan ako don ah?
“Lenlen, salamat sa batok ah?” Pasalamat ko kay Lenlen sabay tingin sa mga kaibigan kong may tama na. Ah, bahala na nga. May silbi pa ang mga ito basta maisalba ko lang ang asawa ko at ang anak namin.
Humingi ako ng malamig na tubig kay Aleng Susan saka isa-isang sinabuyan ng tubig ang mga tropa ko para mahimasmasan.
“Sino’ng gumawa non?” Saad ng isa sa mga tropa ko.
Napa kamot naman ako sa batok ko sabay taas ng kamay. “Pasensiya na pare, ngunit kailangan ko ng tulong niyo. Manganganak na ang Misis ko kaya kailangan namin ng masasakyan. Pahiram naman ako, oh!”
Walang alinlangan na pumayag naman ang mga ito. Na una na ako sa bahay habang iniintay sila.
Teka naman kasi Lord. Bakit ngayon pa na lasing ako at ang mga tropa ko?
“Teka lang mahal ha? Andito na mamaya-maya ang mga tropa ko, kapit ka lang.”
Binatukan niya naman ako sabay sabing, “Anong teka lang? Ang...


sarap sarap ng ilabas ng batang ito. Ang sakit sakit na ng kaibuturan ko tapos teka lang? Eh kung ikaw kaya dito!”
Sabi ko nga shut up nalang ako. Waaaaa, tulong!
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang mga kaibigan ko dala ang… Anak ng teteng, bakit tangkal ng baboy ang dinala ng mga ‘to? Anong akala nila sa asawa ko, inahing baboy?
“Bakit sakayan ng baboy ang dinala niyo?” Naiinis kong sabi sa lima kong mga kaibigan na ngayon ay sumasakay sa maliit na tangkal.
“Ay, hindi ba?” Tanong nila.
“Wala na kasi kaming makitang ibang sasakyan kaya ito nalang ang dinala namin. Ano tara na?”
Tumango naman ako sabay sakay sa tangkal nila nang sumigaw ang asawa ko.
“Mga bwesit. Sino bang manganganak? Kayo o ako? Mga walang hiyaaaaa!” Daing niya habang hinahabol-habol ang kaniyang hininga.
Agad namang nagsialisan ang mga kaibigan ko sa sasakyan saka inilalayan ang asawa ko na makapasok. Sumunod naman si Lenlen pagkatapos ay ako habang inaalalayan ang asawa ko.
“Wait ka lang, mahal ha? Konting tiis nalang madadala kana namin sa ospital,” mahinahon kong ani sa asawa ko kahit kabadong-kabado na ako.
“Ano tara na?” Tanong ko sa kanila.
Nakita ko pang nag kamot ng batok ang isa sa mga kasamahan ko. “Ah pre, ngayon ko lang nalaman na wala na palang gasolina ang tangkal na ‘yan. Gabi narin kaya sarado na din ang gasoline station sa’tin.”
Patay. Ngayon pa talaga? Sa ganitong sitwasyon pa? Anak ngβ€”.
Napa tili ako ng hilahin ng asawa ko ang tenga ko. “Gumawa ka ng paraan ngayon din, kundi puputulin ko talaga iyang ari mo kapag hindi mo ako na dala sa ospital. Pagpipirasuhin talaga kita. Naiintindihan mo?” Ma-awtoridad niyang sabi.
Napa hawak naman ako sa ari ko. Gagawa ako ng paraan basta ‘wag lang si junjun.
Tinignan ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay naka yuko lang habang napakamot, walang magawa. Napa sapo nalang ako sa mukha ko habang pinipigilang sumigaw sa inis.
LECHEEEENG BUHAY NAMAN ‘TOOOO, OH. BAKIT NGAYON PAAAA? BAKIT? BAAAKIIT?
BAKIT KUNG KAILANGAN KO NG TULONG ANG MGA KAIBIGAN KO PA ANG NARIRITO? NAKAKAINISSSS!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top