Ang Boyfriend kong Gwapo Chapter 14


Ang Boyfriend kong Gwapo
Chapter 14
Nasa harap ng tindahan si Angela at pinipigilan na ihakbang ang mga paa papasok sa loob. Labag man sa loob niya ang gagawing pag alis sa trabaho. Pero wala siyang magagawa dahil kailangan niyang sundin ang gusto ng kanyang Kuya at kanyang Nanay. Hindi din siya nahatd ni Johnny ngayong araw dahil sa may gagawin daw ito. Napamahal na sa kanya ang pagtatrabaho sa tindahan at ang mga kasama niya. Kaya mahirap sa kanya ang umalis dito.
Pikit mata na pumasok siya sa loob at pumunta sa opisina ng kanilang Manager. Kumatok siya sa pintuan at pinihit ang seradura ng pinto papasok. Napalingon si Mr. Braganza sa taong pumasok ng kanyang opisina.
“Angela, may kailangan ka ba?” tanong ni Mr. Braganza at itinuro ang upuan sa harap niya para senyasan si Angela na maupo.
“Sir, magreresign na po ako” malungkot na sagot ni Angela. Nagulat si Mr. Braganza sa sinabi ni Angela sa kanya.
“Bakit? May hindi ka ba nagustuhan dito sa tindahan? At aalis ka na agad” tanong ni Mr. Braganza. Umiling iling ng ulo si Angela na may lungkot ang mga mata.
“Sa totoo lang po. Gustong gusto ko po dito, pero kailangan po naming umalis sa lugar na ito” paliwanag ni Angela.
“Alam na ba ito ni Mr. Johnny?” tanong ulit ni Mr. Braganza.
“Hindi pa po. Pero sasabihin ko po sa kanya” sagot ni Angela. Ang hirap sa dibdib na aalis siya sa tindahan pero hindi naman puwedeng hindi siya magpapaalam o hindi makakausap si Johnny.
“Kung iyan ang gusto mo, at hindi ka na papipigil” wika ni Mr. Braganza at may kinuha sa drawer niya. Inabot niya ito kay Angela.
“Sweldo mo. Kinompleto ko na ang isang buwan para may magagamit ka sa pag alis mo dito” nakangiting dugtong ni Mr. Braganza.
Natuwa naman si Angela sa perang ibinigay ni Mr. Braganza sa kanya. Wala pa siyang isang buwan na nagtatrabaho sa tindahan pero isang buwan ang ibinigay niyang sahod sa kanya.
“Salamat po Sir. Napakabuti niyo po sa akin” masayang wika ni Angela.
“Hindi na po ako magtatagal, at akoy aalis na po” paalam pa na dugtong ni Angela.
“Mag iingat ka Angela. At sana magkita tayo ulit” sabi ng nakangiting si Mr. Braganza. Tumayo ito at nakipag kamay kay Angela. Kinuha naman ni Angela ang kamay ni Mr. Braganza at ngumiti din sa amo.
Lumabas na siya sa opisina ng Manager nila na laglag ang balikat. Malungkot siya na iiwanan ang unang naging trabaho niya. Kahit paano ay napamahal na din sa kanya ang pagtatrabaho sa tindahan na ito pati na din ang mga kasamahan niya kahit sa konting panahon Tinitingnan niya ang buong tindahan nakita niya ang mga kasama niya na busy sa pag harap ng mga customer. Hindi na nagpaalam pa si Angela sa mga kasama niya at malungkot na nilisan ang tindahan.
Pauwi na si Angela sa bahay nila para tulungan ang Nanay at Kuya niya na magligpit na ilang gamit nila na dadalhin sa bagong bahay nila. Naisip niya na huwag na lang magpaalam kay Johnny. Dahil baka hindi niya kakayanin na makitang...


nasasaktan si Johnny. Iiwanan na niya si Johnny at hindi niya alam kung magkikita pa ba sila ulit.
Pagkalabas niya ng mall ay hindi inaasahan na makikita niya si Johnny sa labas ng mall na nakasandal sa kanyang sasakyan. Malungkot itong nakatingin sa kanya.
“Nagresign ka daw?” tanong ni Johnny ng makalapit si Angela dito. Malungkot na tumango ng ulo si Angela. Alam na niya kung sinong nagsabi kay Johnny ng tungkol dito.
“Aalis na daw kayo dito?” walang emosyon na tanong ulit ni Johnny. Walang salita na lumabas sa bibig ni Angela. Pumatak ang luha ng nagbabadya ng bumagsak kanina pa.
“Kailan mo sasabihin sa akin, Beb? Kung kailan nakaalis na kayo! Kung kailan hindi na kita makikita” tumulo ang luha ni Johnny na tinatanong si Angela habang nakayuko sa kanya ang dalaga.
“Iiwan mo na ba ako?” malungkot na tanong ulit ni Johnny kay Angela na hindi sumasagot sa mga tinatanong niya.
Itinaas ni Angela ang ulo niya. Tumutulo ang mga luha niya sa mga mata at niyakap si Johnny. Yumakap na din si Johnny sa girlfriend at humagulgol na din ng iyak.
Hinayaan nilang magkayakap sila ng matagal dahil ito na ang huling mayayakap nila ang isat isa. Napakasakit sa kalooban na maghihiwalay na silang dalawa. Sa loob ng isang taong relasyon ay naging masaya naman silang magkasama kahit pa laging nag aaway.
Hindi malaman ni Angela kung paano niya sasabihin kay Johnny ang lahat ngayon na kaharap niya ito. Nagulat siya ng hinila ni Johnny ang kanyang kamay at binuksan ng isang kamay ang pinto ng sasakyan niya. Pinaupo ni Johnny si Angela at ng makaupo ang dalaga ay umikot na siya sa driver seat.
Nilingon ni Angela si Johnny sa kanyang tabi na tahimik na inaayos ang seatbelt niya. Nang maikabit ang seatbelt nila pareho ay pinaandar na niya ang sasakyan.
Hindi na nagtanong pa si Angela kung saan siya dadalhin ni Johnny. Ang mahalaga ay kasama niya ito sa huling sandali bago sila maghiwalay ng landas. Walang salitang lumabas sa kanilang dalawa at tahimik na nakatuon ang mga mata ni Johnny sa daan.
Nakatingin si Angela sa bintana ng sasakyan at masaganang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang maging masaya imbis na umiyak ngayon habang kasama si Johnny. Pero hindi niya talaga mapigilan ang mga mata na lumuha. Kung puwede lang ihinto ni Angela ang orasan para lagi niyang kasama si Johnny ay gagawin niya para hindi na sila tuluyan na maghiwalay.
Pinagmamasdan lang ni Johnny si Angela habang umiiyak ito. Kahit siya din ay nasasaktan na kailangan na nilang maghiwalay na dalawa. Hindi niya iyon mapapayagan pero paano kung malaman ni Angela ang lahat lahat mas lalo siya nitong lalayuan at kamumuhian kapag nangyari yon.
“A*h! I really hate this f*cking life!” sigaw na m*ra ni Johnny sa isipan. Napahampas na lamang sa manibela si Johnny. At inihinto ang sasakyan.
Napalingon naman si Angela sa ginawa ni Johnny at napatingin sa paligid. Isang lumang rest house.
“Anong gagawin namin dito?” nagtatakang tanong ni Angela sa isip habang nakikita si Johnny na umiikot sa kanya para pagbuksan siya ng pinto.





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top