Bakit Ako?? Kabanata 1


Titig ako sa mukha ni Tito Habang nagkukwento ito ng karanasan nya nung bata pa sya…
“Dalawa kmeng magkapatid.. Ako saka si Kuya Kokoy..
Tatlong taon plang daw ako ng maisipan niLa tatay at Nanay na magpakasaL.. At si kuya naman ay pitong taong guLang ..”, huminto muna si tito saka bumuntong hininga..
“Tapos po?” atat na atat akong malaman kung bakit di nakapag aral si tito..
“gabi pagkatapos ng kasaL ay ang unang gabi nila Mama at Papa na pagsasama na totoong mag asawa na sila.. May Basbas na galing sa Diyos.. Ay ang di inaasahang pangyayare.. “, malungkot itong tumingin sa malayo.. ” nung gabing magsisiping na siLa ay dumating ang nanay ni Mama.. Pinalayas nya si Mama at sinabi nyang may gusto sya kay Papa.. Walang magawa si Mama dahiL may hawak itong gulok at itinutok sa kanya.. NaguLat man si Mama ay wala syang ibang magawa kundi ang lisanin ang aming tahanan “,
“Ano pong ginawa ng tatay nyo?? Di nya po ba hinabol ang mama nyo ?”, tanong ko..
Sa edad kong trese ay naiintindihan ko na ang sitwasyon sa kwento ni tito..
“Di ko alam sa papa ko.. Sabi ni kuya ay sa mismong gabing iyon ay nagsama na si Lola at si Papa bilang mag asawa.. Nagayuma daw ni Lola si Papa.. “, bumuntong hiniga ulit si tito ” di ko din alam.. Kwento lang din kse yan ng kuya ko.. “,
Naawa ako sa kwento ng buhay ni tito.. Halata ang lungkot sa bawat pagbitaw nito ng salita..
“tapos sabi ng kuya ko ay umalis daw sila Lola at papa at isinama kme para manirahan sa ibang isla dahiL sa kahihiyang ginawa ng Lola ko.. Sa paglipas ng taon ay si Lola ang kinagisnan kong Mama kaya mama ang tinawag ko sa kanya.. Kahit maliit pa ko ay nararanasan ko na ang pagmamalupit nito sa akin.. Ang kuya ako ay Naglayas at ako nlang naiwan sa poder ni Lola. “, tumawa muna ito ng pagak “nalilito na nga ko kung anong itawag ko sa kanya mula ng malaman ko ang totoo ey.. Kung lola ba dahiL Nanay sya ng Mama ko o Mama dahiL kinakasama sya ng Papa ko.. “,
Tahimik lang akong nakikinig.. Nalulungkot ako para kay tito..
“nung maliit pa ko ay gustong gusto ko mag aral…pinag aral namn ako pero Daycare Lng.. Tuwang tuwa ang mga guro ko sa akin dahiL napakatalino ko daw.. Hanggang sa magkaanak na nga si Papa at Si Mama.. Dalawang anak na Lalaki.. Yung pagmamalupit ng itinuring kong ina ay mas lalong lumala hanggang sa di na nga ko. Pinag araL.. Isang araw habang hila hila ko ang kalabaw para pakainin ay bigLa nlng akong hinaboL ng Lola ko ng kutsiLyo dahiL nagalit sya sa akin di ko alam kong bakit.. Sa takot ko ay tumakbo ako ..hanggang sa madulas ako at saktong tumama ang ar* ko ang nakausling tuod.. Akala ko nga naputol na dahiL subra ang pagdurugo.. Pero yung ugat lang pala yung nasugat kaya madugo.. “, maluha luha na si tito ..” nagmakaawa akong tulungan...


ni Mama(lola) na gamutin nya ko pero iniwan nya lang ako. Buti may tumulong sa akin at ginamot ng dahon ng bayabas at sa awa ng Diyos ay naawat ang pagdurugo ..Nung nalaman yun ng kuya ko ay nagalit sya at inaway ang Papa ko at si Mama (Lola) kaya dun ko nalaman ang lahat.. “,
Ang lungkot ni tito habang nagkukwento sya..
“Hanggang sa naisipan ko na rin MagLayas.. Khit anong trabaho ang pinasukan ko.. Mangisda..magsasaka.. Maging boy ng mga mayayamang pamilya ..”, tumingon si Tito sa akin.. “alam mo anak.. Nakakahiya no.. Yung kapag pinasulat ka ng pangalan mo pero khit pag spelling di mo pa alam.. Kaya nagpursige akong kahit pangalan ko nlng ang maisuLat ko.. Sa edad na dese syete ay natutunan kong magsuLat.. Proud ako sa sarili ko dahil khit papano di na ko matatawag na NO READ NO WRITE,dahiL marunong nakong magsulat khit pangalan ko lang “, saka ngumiti si tito ng mapait..
Bakas sa mukha ang ala ala ng pait ng kahapon..
“hanggang sa makilala ko ang tita mo.. Nalove at first sight ako dahiL para sa akin sya ang babaeng pinakamaganda sa lahat ng babaeng nakilala ko.. “, halata ang kilig.. “hinabol pa ko ng itak ng Lolo mo para lang layuan ko ang tita mo pero malakas talaga ang tama ko ey kaya d ako lumayo “, tumawa pa ito.. “hanggang sa ayun na nga kinasal na kme.. At laking pasasalamat ko sa Diyos na sa kabila ng nangyari sa buhay ko ay binigyan nya ko ng babaeng tutulong sa akin para makalimutan ang pangit na nakraan ko.. Pero sinubok ulit kme ng di kme biniyayaan ng anak.. Halos isumpa ko na ang Diyos dahiL sa mga pahirap na naranasan ko sa buhay.. Hanggang sa ibigay nya kayo sa akin.. Apat mga anak na khit di ko kadugo ay napunan ang kakulangan ko sa buhay.. Kayo ang dahilan pra patuloy akong maniwala sa Kabutihan ng DIYOS anak..
Ngumiti ako.. Saka lumapit ako kay tito at niyakap ito..
“Salamat po tito.. “,
Tumawa ito..
” basta sekreto lng natin ito anak aa…wag mo na ikwento sa mga kapatid mo”,
Tumango ako..
“Sige matulog ka na.. Tumabi ka na muna kay boboy at gigisingin ko nlng kayo kapag hahatakin na natin ang lambat mamaya bago umuwe.. Sana anak Swertihin tayo para may allowance ang ate Esang mo bago umalis bukas papuntang bayan ..saka pasensya ka na.. Kailangan mo pang huminto sa pag aaral para lang makapag aral si ate Esang mo… Hayaan mo Long… Sisikapin kong makapag aral ka na nitong pasukan “, sabi ni tito.
“ok lang po tito.. Naiintindihan ko po “, nakangiti kong turan dto..
Nahiga na ko sa tabi ni Boboy na himbing na natutulog sa playwood sa taas ng makina…
Dahil maliliit lng ang katawan namin ay nagkasya kmeng dalawa..
Sinilip ko muna si tito..
Nakita kong malungkot sya habang nakatingin sa Malayo…
Nalulungkot din ako ..
Nanalangin muna ako at nagpasalamat sa Diyos na binigyan nya ko ng isang Tao na katulad ni Tito kiko .
-itutuloy
Yan Lang po muna ..






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Wiertarki.xmc.pl

    Najtrudniejsza rzecz w zyciu to nauczyc sie, ktore mosty przekraczac, a ktore palic. – David Russell

    https://www.wiertarki.xmc.pl

  2. Wspaniały blog wiele przydatnych informacji jakie są twoje inspirację z czego czerpiesz tak wwyrafinowaną “moc twórczą” ?

    https://www.nahaczyku.xmc.pl

  3. Pianino Informacje

    Słowa mają ogromną moc bardzo w to wierze. Mogą inspirować, dawać motywację lub pocieszenie, a gdy go potrzeba. Czasem w jednym zdaniu zaklęta jest madrość, ktorej szukamy w naszym zyciu przez dlugi czas i dzięki wyszukiwarkom znajdujemy ją na takim blogu jak Twój :-).

    https://www.pianino.xmc.pl

Leave a Reply


top