BALIKONG LEEG NG BABAE ( My real horror story )


BALIKONG LEEG NG BABAE ” ❤
October 2013
( My real horror story ) 🖤
Nasa Cavite kami ng kapatid ko nun gawa nga sa nagtatrabaho kami at nangungupahan kami, kase taga Rizal naman kami at malayo kumbaga ang byahe kung uuwi pa kami, kaya nagdesisyon kami ng kapatid ko mangupahan.
Dahil nga same kami may trabaho masyado kaming busy uuwi para matulog at minsan wala pang tulog ipinasok kami noon ng Mama ko sa isang patahian at isa Ako sa mga gumuguhit ng plano para sa mga Baby dress at yung kapatid ko siya ang taga bigay o taga kuha ng planong ipipanasok, para makatulong sa pag aaral namin din kase same din kaming magkuukuleyiho na next year at kung makakakuleyiho nga kami o si Jessa lang.
Isang gabi madalas kami magtalo magkapatid yung kapatid ko na yun hindi magpapatalo pero iyakin naman.
” Ang sabi ko kasi sayo uuwi ka dito? Dalaga kana alam mo naman na madaming Adik dito.” sigaw ko sa kapatid ko na naghihimutok din sa galit.
” Ate sarah alam mo naman na ginagabi nga ako kasi di ko naman matanggihan yung mga kasama ko.” pabalang na sabi ng kapatid ko ang sa akin lang pag gabi na umuwi hindi naman kasi niya kilala pa tao dito.
Shempre ate ako malamang kargo ko ang deputa na ito? Nagulat ako na tumahimik siya naghuhugas kasi ako ng plato ng panahon na yun at focus ako dun.
Nakita ko nalang ang kapatid kong umiiyak tapos focus siya sa tv pero patay naman ang tv ? Kinabahan na ako ito na naman yung pakiramdam na ayoko sa kanya.
” H-hoy J-jessa ha! Tigilan mo ang gaga ka.” pagbabanta ko pa nga sa kanya pero focus siya sa tv kaya ako kahit ayoko tumingin sa tv napilitan ako kasi nga tinuro na niya talaga sa akin yung tv.
Halos naglock ang mata ko sa tv sa nakita ko isang babae na mahaba ang buhok at nakaputi ito naaninagan ko sa tv na katabi ito ng kapatid ko na halos magkatabi na nga yata ang mukha nila.
Sa sobra takot ko napamura ako put*ng*na halos maawa ako sa mukha ng kapatid ko ng oras na iyon dahil nga sa paulit ulit niya binabanggit ang
” ATE SARAH , ATE SARAH ” Habang umiiyak siya, Yumakap ako dali dali sa kapatid ko at nagdasal isip isip ko ng mga oras na yun hindi kami gutom pero puta! Iba talaga yung nakita ko.
Napagdesisyonan namin ng Kapatid ko makitulog sa malapit na bahay na kapatid ng Papa ko sabi namin na may umaaligid sa bahay namin pero shempre alam namin na di maniniwala yun.
Sunday Umaga andun pa din kami sa bahay ng tito ko so nagkakape ako nun pero asa galaan ng bruha kung kapatid, Habang nagkakape ako napatingin ako sa Labas kaso nagtataka ako sa mga nakapila sa kanilang kapitbahay kaya napatanong ako hindi sa chismosa may natin ano na.
” Ate ano meron?” sabi ko sa babaeng nakakulay green, tiningnan ako nito.
” Mantatawas yung matanda dito.” sabi nung babae so ako tumango lang.
Paalis na sana ako ng tawagin ako ng isang matanda shempre Maldita ako pero may galang.
” Ano nakikita mo?” napakunot noo ko sa tanong niya may hawak siya itlog na sa baso at may lamang tubig.
” Po? ” shempre sabi ko nagtataka kasi ako pero tumingin siya sa akin at tumingin sa noo ko at hinawakan pa ito.
” Bukas na bukas Thrid eye mo ah? Hindi kaba natatakot.” sabi niya sa akin kaya sa sobra kung kaba natabig ko sarili kung kape dala ko siya abay kape is Life ako duh.. Haha
” Hoy sarah ano ginagawa mo diyan?” sabi sa akin ni Tito noel kapatid ni Papa ako naman lumapit sa tito ko.
”...


Noel bukas Thrid eye ng pamangkin mo Laging may nakasunod sa kanila ng kapatid nya ingat kayo.” ang sabi pa nito sa tito ko yung tito ko naman napakamot.
” Wehh ” sabi nung lalaki na katabi ni Tito noel Kasamahan nya yata ng trabaho.
Pero ang mas nagnindig ng balahibo ko at ng takot dun sa nasa likod ng Lalaking kasama ni tito.
” Kung nakakakita ka nga nakikita mo ba yung kasunod ko palagi? May third eye din ako” tawa pa nito pero ako focus ako sa nasa likod niyang babae.
Halos maiyak ako sa takot ng oras na din yun, yung kape ko wala na basag yung baso, ako nanakbo papasok ng bahay.
” Ma! Lagi nalang si Ate sarah galit sa akin wala ng tama ako nagawa sa Maldita na yun.” rinig ko sa kapatid kung nagsusumbong sa Mama namin.
Ako naman nakasilip lang asa rooftop kasi siya ng bahay nila tito noel ginagawa kasi yun akala pa ng gaga hindi ko siya susundan.
” Tanda tanda muna tsk.” sabi ko pa dito ng makita niya akong umaakyat sa hagdaan.
Pero sa totoo niyan naggalit lang ako pag uuwi siyang gabi ng walang paalam sa akin gaga kababaeng tao napakagala.
So na busy ako nun mag cellphone tapos napakadilim pa sa rooftop kaya ilaw lang ng asa hagdan at sa cellphone ang kapit namin ng kapatid ko, Habang nagsusumbong yung kapatid ko nagulat ako dun sa may tao sa hagdaan kase kanina pa yung noo niya nakasilip dun.
Napatingin din ako sa kapatid ko kase nga huminto siya sa pagdadaldal at dun ko din na pagtanto dun siya nakafocus sa noo sa hagdaan yun bang ulo lang ang tanaw ganun hanggang noo pero buong mukha hindi.
” A-ate..” puta heto na naman yung pakiramdam ko pickup ko kaagad pag ganyan kapatid ko kinakabahan na agad din ako so nagdadasal ako ng oras na yun pero magkalayo kami magkapatid kase nga nasa pangkuan siya ako asa labag nakaupong parang lalaki.
” A-aate sarah.” Iyan ang kinaiinis ko sa kapatid ko na kapag takot naiiyak siya tapos ako madadamay sa takot, punyeta.
Habang focus kami sa ulo na yun bigla itong gumalaw at unti unting nakikita na namin ang malalaki niyang mata na babalutan ng itim at putang*na hindi ka maniniwala pero puta! Para kung maiihi sa panty ng makita ko ang kabuohan niya.
Isang babae Mahaba ang leeg baliko na parang zigzag ang leeg niya at nakaputi siya at may malalaking ngiti sa labi na parang bumubulong pa sa hangin.
” Ateeee…” Halos humagulgol na sa iyak ang kapatid ko pero ako hindi maalis kasi siya yung Asa likod ng kasamahan ni Tito Noel siya yung babae na nakita ko na sobrang kinatakutan ko.
Halos banggitin na nga din ng kapatid ko ang lahat ng santo pero punyeta kitang kita ko ang paglapit nito na nag ZOOM ZOOM palapit.
Tawa lang ito ng tawa habang papalapit sa amin ng makalapit ito sa akin ay bigla akong pumilit kahit ayaw ng mata ko at nagmulat ako ay nawala ito.
Yung kapatid ko asa gilid iyak ng iyak samantalang ako nanginginig sa paglapit sa kapatid ko at pinatatayo kung bilisan niya para makababa na kami halos natagalan ako sa pag alo sa kapatid ko isip ko nga akala ko ba’y naisara nila bakit parang hindi naman dahil kitang kita pa din ng kapatid ko.
Halos gabi gabi ay hindi kami makatulog magkapatid pero pinapasa diyos namin na baka din sa lagi nga kaming nagtatalo o lapitin talaga kami pinagawa pa kami ng Mama at Papa namin ng pangontra daw kuno yung may red simula nun okay okay naman kami pero pag nakakalimuta kinakabahan na kami kase parang anytime andyan sila.
Salamat sa pagbabasa ng nakakatakot kung karanasan sa buhay at totoo yan walang halong bola. 📝❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top