Bangungot Ng Nakaraan


Bangungot Ng Nakaraan”
Written by: Celine Ven Hermosa
“Give me a smile from your heart, love” rinig kong ani ni Dylan habang nagmumuni ako sa dalampasigan. Nilingon ko naman ang gawi nito at nakita ko itong may dalang camera, kaya ngumisi ako ng napakatamis-tamis habang itinutok niya sa ‘kin ang camera. “Patingin nga, love” saad ko at tumakbo papalapit sa taong pinakamamahal ko. “Ang ganda, sobrang ganda, love!” giit ko at niyakap siya pero kalaunan kumalas din ako sa pagkakayakap. “Salamat, love. Maganda kasi yung model” pabalik nitong bati at naramdaman ko nalang na may kamay ang pumulupot sa aking bewang. “I will never forget this memorable day” saad ko dito at tumingin sa mga mata niya. Wala na akong makitang iba pang magpapatibok ng puso ko kagaya ng pinaparamdam niya sa ‘kin. Sobrang mahalaga siya sa buhay ko na kay-ganda i-treasure, parang napapawi lahat ng problema at lungkot ko kapag nakikita ko siya. He makes my mood change.
“Kita mo ‘yan, love?” tanong sa ‘kin ni Dylan habang tinuturo ang buwan. Nandito ulit kami sa dalampasigan, nakaupo ako habang siya naman ay nakahiga at inuunan ang mga hita ko. “Kitang-kita ko, love. Para ka ding isang buwan sa buhay ko, nag-iisa at walang katulad pero mahal na mahal ko” saad ko pa at ngumiti. “Ngunit aalis din ang buwan pag dating ng araw, aalis din ako kapag...


sisikat na ang araw, mahal ko” yumuko naman ako para tignan ang mukha nito, nakatitig pa rin siya sa tanawin. “I think this is our last day being a couple together, I love you from my last breath Cindy” aniya at biglang nandilim ang paningin ko dahilan para sumikip ang dibdib ko at ramdam kong sa anumang oras ay pwede ng bumuhos ng tubig ang mga mata ko. “Dylannn!” sigaw ko dahilan ng aking pagkagising.
Panaginip. Binangungot na naman ako sa nakaraan naming dalawa. “Dylan! Bumalik ka, nagmamakaawa ako bumalik ka!” at sa pagkakataong ito ay hindi ko na nakaya ang sakit na matagal ko ng dinadamdam at tuluyan ng umiyak. “Tulungan mo akong makalimot, please. Tulungan mo ako!” ang daya-daya mo, hanggang plano nalang ba ang lahat? Sabi mo’y sabay nating tutupadin ang lahat ng iyon ng magkasama ngunit ano na ito? Ang lupit ng tadhana. Sana… Sana no’ng araw na nagkakilala tayo, sana hindi nalang kita pinansin. Sana nagpabulag-bulagan nalang ako, para hindi na ‘to nangyari pa, para hindi na tayo masaktan pa. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, kinaibigan nalang sana kita. “Bumalik kana, hindi ko na kaya” patuloy pa rin akong umiiyak habang yakap-yakap ang unan. Napahawak nalang ako sa sarili kong buhok dahil sa frustration. “Ahhhhh!” sigaw ko sa kawalan.
‘Mahirap salubungin ang hinaharap kung patuloy kang nabubuhay sa nakaraan mo’.
@Silverbullet






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top