BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER SIX


Nang marating namin ang Lab ay nakahanda na ang lahat ng Equipment na kailangan, pinag suot din kami ng kanya-kanyang lab gown, iyong puti na parang sa Hospital.
“ang Result ang magiging grades nyo kaya pag igihan nyo, humanap kayo ng kanya-kanya nyong Grupo.” anang Teacher, mabuti na lamang at kasama ko na si Aliza, “3 members in one group. ”
“Su-” -Zoe
“Suho”-Jade
Nagsabay ang dalawa sa pagtawag kay suho pero hindi sila nito pinakinggan, sa halip ay humakbang ito palapit sakin. “Three members na tayo. ” nakatawang aniya.
“Okay na ba ang lahat? “tanong ni Teacher namin. “okay mag Start na kayo.”Ang lahat ng grupo ay kinailangang nag pakulo ng tubig mula sa Ulan. “Bakit kailangang tubig ulan?” tanong ng Teacher.
“Kumpara po sa Mineral ay mas mataas ang Boiling point nito, 97% lamang ang sa mineral samantala umaabot naman sa 100% ang tubig ulan. ” sagot ko.
“2 points para sa Grupo ni Maricon. ” pamumuri ng Guro sa’kin. ” gamitin nyo ang thermometer para masukat ang boiling point nito. ” anang teacher.
“Ako sana ang sasagot pero alam mo pala yon. ” ani Suho.
“Mag ingat ka dyan baka ka mapaso. ” saad nya muli naririnig ko naman sya pero mas pinili kong hwag umimik.
“Ma’am,, ipinatatawag po kayo sa Dean’s office. ” mukha, ni Dexter ang bumungad sa Harap ng Pinto, ” inutusan po ako ni Dean na palitan muna kayo sa pagbabantay ng Freshman.” nakangiting aniya, nilingon ko si Suho para makita kung okay lang ba iyon sa kanya pero nabasa ko ang bulong ng labi nya.
‘ SI-MO-MMY TA-LA-GA ‘
Nang magtama ang mata namin ay makahulugan ang ginawa nyang reaksyon, nagpatuloy kami sa Proyektong sinabi ng Guro gumawa si Suho ng Solvent na kulay asul dahil sa kulay ng Sabon.
“patingin ako ng Ginawa mo suho?” Ani Zoe tsaka lumapit sa gitnan namin ni Suho. “Wow ang ganda.. Kinuha nya ang Babasaging equipment kung saan nakalagay ang ginawa ni Suho. “Tignan nyo guys. ” ani Zoe tsaka pinakita sa mga kagrupo nya. “Ang ganda ng Gawa ni Suho. ” huling pamumuri pa nya bago nya iabot pabalik sa’kin, hindi ko pa man naaabot ay Nabitiwan? O sadyang binitiwan? Dahilan para mabasag ito sa Sahig.
“Hala naku!”
“Anong ginawa mo Maricon! ”
Bulungan ng nga kaklase ko.
“Hala bat Mo binitiwan! ” sa huli ay ako pa ng nasisi,
“Ano… Lilinisin ko na lang” saad ko. Yumuko na ako para pulutin ang mga nagkalat na bubog.
“Hwag mong pulitin, “ani Suho na pinigilan ang kamay ko, kaagad namang nakakuha ng Walis at dustpan si Dexter.”Nasugatan ka ba?” tanong pa ni Suho.
“Sorry… Nabasag ko. ” nakayukong saad ko, akala ko ay magagalit sa’kin si Suho dahil alam kong maliit ang pasensya nya pagdating sa mga bagay na pinaghirapan nya na-a-alala ko na minsan na nyang sinigawan ang kaklase naming babae sa manila nang matapon ang project nya.
“Kaya kong gumawa ng bago, ikaw ang mas inaalala ko. ” aniya, binawi ko ang kamay ko pabalik.
“A-ano.. Okay lang ako…. Senior, pupunta lang po ako ng Cr. ” saad ko, hindi ko hinintay na sumagot pa sya at lumabas na ako, pakiramdam ko ay nahihirapan na akong huminga sa Eskwelahang ito, Parating nakatanaw ang lahat ng Estudyante sa twing lalapit si Sakin si Suho, panay ang pagbabanta ni Jade kahit lumalayo na’ko.
“Inay? Kung maaari po sana ay hwag nyong banggitin sa Itay na lalake ang anak ng Amo nyo? ” nakikiusap na saad ko kay Inay sabado nang tanghali habang pauwi kami mula sa palengke.
” Oo, anak naiintindihan ko ngunit inaalala...


ko paano na lamang kung malaman ng itay mo? ”
“Ako na lamang po ang bahalang magpaliwanag sa kanya nay. ”
“Si Suho ay mabait na bata masyado lamang nadadala ng pagka spoiled nya kaya kung minsan ay nagiging sakit ito,sa ulo ng mame nya, pasasaan ba’t makakahanap din iyon ng babaeng magpapabago sa kanya. ” natatawang ani Inay habang nakatanaw sa’kin.
“Ano pong, klaseng tawa iyan, kung titigan nyo po ako ay tila tinutukso nyo po ako sa lalakemg iyon. ” nahihiyang saad ko.
“Wala akong hangad na ganon anak, ikaw lamang ang nag iisip. ” ani Inay, bumaba kami ng tricycle pagtapat nito sa tarangkahan namin, malayo pa man ay rinig na rinig na namin ang malakas na tawa ni Itay kasama ang kaharap nyang bisita.
“Elyong! Sino ba ang bisita natin? ” ani Inay kaya’t sabay pa silang lumingon sa’min.
“Suho? “gulat na saad ko, nakangiti ito sa’kin animo’y ganoon talaga kami ka close. Napakurap ‘kurap pa ako nang dambahin ako ni Sucon.
“Sucon!Come! “ani Suho. ” Dumalaw lang po ako. ” aniya pa, o si Inay ang kausap. Hindi nya’ko pinansin!
“Nako ijo! Anong ginagawa mo dito… Bakit hindi ka nagsabi sakin na dadalaw ka. ” tarantang ani Inay.
“Gusto ko po kayong Surpresahin. ” nakangiting sagot nya na naman ngunit ngayo’y sakin naman sya nakatingin tila ako ang sinabihan nyang nais nya’kong surpresahin. “sa katunayan ay sasama po ako kay Tito sa bukid. ” maligayang anito.
‘ano naman anfmg gagawin nya don? Wala naman syang alam sa mga gawaing bukid. ‘
“Oh sya ijo, tayo na para mailibot pa kita ng matagal-tagal .” ni Itay. “Kesya anak, ikuha mo ng sambra at pajamang pang bukid itong kaklase mo, sa panahon ngayon ay bibihira ang mga lalakeng may interes sa bukid. “tatawa-tawang saad ni Itay.
Kagat labi kong tinungo ang aparador nina Itay para kumuha ng damit pang bukid para kay Suho, “Paano nya kaya natunton ang bahay namin? Nakakahiya kay mam Shiena kapag nalaman nya to. ”
“Napaka Gwapo mo Ijo, naaalala ko tuloy nubg kabataan ko ay ganyang ganyan din ang Itsura ko sayo. ” Ani Itay, gusto kong sapuhin ang noo ko sa hiya.
“Kaya po pala nagka anak kayo na kasing ganda ng mga Dyosa. ” hindi ko alam kung pamumuri ba iyon o ñang iinis sa paraan kung paano tumawa si Suho.
“Heto, magpalit kana. ” saad ko nang iabot ko ang mga Damit na isusuot nya, sinadya nya oang damputin ang kamay ko kasama ang damit tsaka ito tatawa-tawa.
“pakihawakan mo muna .” iniabot nya sakin ang tali ng Aso nya, Ayaw ko pa sana itong tanggapin ngunit lumapit na sa’kin su Sucon.
“Ma, paano po bang nalaman ni Suho ang bahay natin? ” maya-maya’y tanong ko habang nag gagayak kami ng pananghalian na dadalhin kina Itay.
“Ano bang Malay ko sa batang iyan. ” natatawang ani Inay .”Nakakatuwa dahil dinalaw nya tayo hindi ba anak? “ani inay nang lingunin ako. “Oh ano’t naka simangot ka? Hindi mo ba gusto ang batang iyon? ”
Mabilis akong napalingon kay inay na may halong pagkabigla. “Anong pong Gusto? Syempre po hindi ko sya Gusto! Bat ako magkakagusto kay Suho! “mabilis na tutol ko.
“Ang ibig kong sabihin ay Hindi mo ba gusto ang Ugali ng batang iyon. “pagtatama ni Inay sa maling interpretasyon ko sa sinabi nya. “Hahaha kung ano-ano kasi ang iniisip mong bata ka. “nanunuksong ani inay. “Halika na at baka Gutom na ang mga iyon. ” saad pa ni Inay nang hindi nawawala ang ngiti sa labi.
OHHY ANG HARD NYO KAY ZOE 😂😂😂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top