BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER THIRTEEN


magdamag yatang nag layag ang isip ko dahil sa sinabing iyon ni Suho.
~.”Paano kung sabihin kong Gusto kita? “~
~.”Paano kung sabihin kong Gusto kita? “~
~.”Paano kung sabihin kong Gusto kita? “~
“hahahah biro lang..” iyon ang pinakahuling sinabi nya, oo tama baka biro nga lang yon.
“Anak, hindi kaba papasok sa Eskwela? Aba’y malalate kana ah. ”
“tinatamad po akong pumasok nay, pwede po bang hwag muna akong pumasok kahit ngayon lang? ” tamad na saad ko habang nakadapa sa kawayan naming papag.
“oh,bakit?maynangyari ba sa’yo? sana ay nagpaalam ka kay Mam shiena? ” sunod-sunod na saad ni Inay.
Hindi ako kumibo sa halip ay ipinikit ko na lamang ang mata ko hanggang sa ayain ako ulit ng Antok.
*BRIZZZK! BRIZZZK!
Pupungas -pungas pa ako nang magising ako sa pag Vibrate ng Cellphone ko.
isang mensahe na mula kay Inay.
~BUMILI KA NG PIZZA DYAN MALAPIT SA KANTO, IYONG 75 ANG ISA AT DALHIN MO RITO. ~
nag inat ako sandali tsaka ko pinukpok-pukpok ang batok ko para mawala ang Antok ko, ipinulupot ko ang buhok ko tsaka ako nagsuot ng Jacket palabas.
Binuksan kong muli ang phone ko para makita kung anong oras na. 11:45? Bakit kaya magpapabili si Inay ng Pizza?wala kaya syang tanghalian?
Matapos kung bumili ng dalawamg kahon na Pizza ay sumakay ako sa Jeep para tumungo sa mansyon ng mga Villegas.
Tanghali na pero malamlam parin ang panahon na nagdudulot ng malamig na klima, inakap ko ang sarili ko nang umihip ang hangin, nasa Hallway palang ako pero nangunot na ang noo ko nang matanaw ko sa Terrace si Suho sa ikalawang palapag ng bahay, nakatuon ang dalawang kamay nya sa bakal at tila masayang -masaya sa panunuod sa’kin.
Hala! Ano bang sinasabi ko!
Bakit kaya sya nandito?
Eh? Natural Bahay nya to eh!
Oo nga! Ibig kong sabihin hindi sya pumasok?
Makikita mo ba sya dyan kung pumasok sya!
‘Haisst! Bakit ba nagtatalo ang isip ko!
Naku! Hindi pa nga pala ko naliligo
Nang magbalik ako nang paningin sa Terrace ay wala na doon si Suho, sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para mabilis na tumakbo, dun ako dumaan sa gilid ng pool para umikot sa likod ng mansyon.
“Nay! “tawag ko pa kay Inay nang makita ko, syang abala sa pagsasampay, lalapit na sana ko nang biglang sumilip ang ulo ni Suho sa Pinto at kumaway pa ito sa’kin.
“Hai.. “aniya. “We’res my Pizza?” nakangiting aniya.
Tinanaw ko si Inay ngunit nag kibit balikat lamang sya, sinadya nyang ipatext ako kay Inay para hindi ko malamang nandito sya!
“U-umabsent ka? “tanong ko.
“Oo, umabsent ka din eh. ” pilyong aniya maya-maya ay lumabas ang isa pang kasambahay.
“Sir suho, bakit daw po kayo nag cutting sabi ni Mam Shiena. ” bungad nito, na ikinalaki ko ng mata, kaagad namang ngumiti si Suho sa’kin tila nagpapacute.
“Bat ka nag cutting! “hindi ko napigil ang boses ko, baka ako ang pagalitan nito ni Mam Shiena” bakit ka sabi nag cutting? “nawawalan, ng pasensyang saad ko
“Boring sa School. ” simpleng aniya, “tara gala tayo. ” hinawakan nya ang kamay ko pero binawi ko iyon.
Humarap ako kay Inay tsaka ko inabot ang pinabili nya, “Uuwi na po ako nay. ” mahinahong saad ko tsaka ako naglakad palayo.
“Sandali! Ohy! Maricon! ” tawag pansin pa sa’kin ni Suho pero hindi na ako nag aksaya pa ng oras para lingunin sya, tyak na ako na naman ang topic sa Floor namin wala ako at wala din si Suho.
Hindi nga ako nagkamali, nang umaga pagpasok ko ay dinumog ako ng mga kaklase namin, para itanong kung bakit ako absent.
“Kayo na ni Suho? ”
“bat nagcutting si Suho?”
“alam mo ba kung bakit sya wala nang last period? ”
Ngunit isa ma’y wala akong sinagot, mabigat akong nagbuntong hininga. “Ikaw ba talaga ang dahilan ng pag cutting ni Suho? ” iyon ang huling tanong mula kay Zoe.
“Wala akong alam, umabsent ako kasi masama yung pakiramdam ko yun lang yun. ” hindi ko na yata kayang mag tiis dito. ” Kung Talagang Gusto mo si Suho, lapitan mo sya at kausapin hwag mo saking idaan dahil wala akong pakialam sa kanya. ” mahinahon ngunit nasisiguro kong alam nyang galit na’ko.
“Maricon, sorry. ” ani Zoe hindi ko alam...


kung paniniwala ko pa ba ang sorry nya matapos ng mga ginawa nya sakin.” Kasi, natatakot lang naman ako eh, balak ko nang sagutin si Suho mamaya kaya gusto ko iyong masiguro. ” aniya pa.
Kung ganon?talagang may gusto si Suho sa kanya?
Para saan yung sinabi nya nung nakaraan? Na gusto nya’ko?
Gusto kong matawa, ‘Oo nga pala biro nga lang daw pala lahat nalimutan ko na.’
Tipid akong ngumiti, “Hwag kang mag alala wala akong gusto sa kanya, yung mga nakikita mo sa’min…hanggang kaibigan lang yon. ” nababaliw na yata ako, tila biglang sumikip ang damdamin ko sa mga sinabi ko, tila na ninibago din ako na hindi ko nararamdaman sa paligid si Suho.
“Maricon, samahan mo akong manuod ng practice nila Dexter, balita ko ay malapit na daw ang Sport Fest. ” galak na saad ni Alaiza, wala pang tao nang maupo kami sa Bench. ” may problema ba? “alalang tanong ni Alaiza.
Umiling na lamang ako. “May Gusto sana kong sabihin sa’yo.” itinuon nya lang ang pansin sakin at naghintay sa susunod kong sasabihin. “Ang totoo, mahirap lang ako…nagbubukid ang tatay ko samantala kasambahay naman ang nanay ko. ” nagbaba ako ng tingin habang pinagkukut-kot ko ang kuko ko, hinintay kong magsalita ng masama sa’kin si Alaiza pero wala akong narimig kaya’t nag angat ako ng paningin.
Nakangiti sya sakin, iyong totoong ngiti. “Alam ko. ” aniya pa. “Simula pa lang. ” aniya ng walang panghuhusga. “Hinintay ko lang na sabihin mo sakin, kasu kung talagang kaibigan ang turing mo sakin tyak na hindi mo iyon ililihim. ” bigla ay tumulo ang luha ko.
Sa wakas, maliban kay Suho ay may nakakakilala na sa’kin sa tunay na ako.
“Nagta-trabaho ka kay Suho tama? Kaya palagi ka nyang kinukulit? ” natatawang anito pa .” O’ baka nga Gusto kana rin nya. ”
Nabigla ako nang sabihin nya iyon. “Pano mong nasasabi yan? ” saad ko.
“Ang lahat ng nakapaligid sa inyo ay halatang-halata na ikaw nalang yata ang hindi nakakaalam. ”
“pero sabi ni Zo- – -”
Napanguso sya. ” alam mo naman na impakta ang babaeng iyon.” kontra nya sa’kin. “isantabi mo muna yang si Zoe, ayan na silaaaaaaa! ” hiyaw ni Alaiza dahilan para harangan ko ang tainga ko.
Lumingon sa’min si Dexter at nakangiti ito, ngumiti rin ako bilang ganti pero mas naagaw ang atensyon ko ng lakakeng walang pang itaas at tanging soccer short lang ang suot nya dahilan para lalong lumakas ang hiyawan sa paligid.
“KYAAAAAAAAAH! SUHO ME LABS! ”
“PENGENG PANDESAL! ”
“P*TCHA SUHO BE MINE PLEASE! BE MINE! ”
“GIRLS HIHIMATAYIN NA’KO! SALUHIN NYO KO! ”
“UNANG SCORE KO PARA SA’YO! ” umalingawngaw ang boses ni Suho sa buing field bagaman wala syang binanggit na pangalan tila may tuwa akong naramdaman.
“Zoe ikaw yata yung sinabihan nya! “anang kaklase ko sa likuran namin.
“Siguro nga, kasi sasagutin ko na sya hahaha” bakas ang kilig sa tono ni Zoe, ang kaninang tuwa na naramdaman ko tila bigla na lamang naglaho.
“Hwag mo na lamang silang pakinggan.” ani Alaiza.
“Hah? “pagkukunwari ko. “ang alin? Hahahah.” kunwari saad ko tsaka ako nagfocus sa panunuod ng soccer.
Sa ilang minuto na panunuod ko ay panay si Dexter at Suho lamang ang nakakakuha ng atensyon ko, tila seryoso sila sa paglalaban kahit practice game lamang ito.
Nang sipain ni Suho ang unang tira na pumasok sa net ay naglingon ito samin pero pinili kong hwag salubungin ang mata nya dahil tyak na si Zoe ang hinahanap nya,
‘ano na bang nangyayari sakin? ‘
Tila nawala ako sa Ulirat dahil sa narinig ko kay Zoe kanina, natapos ang practice game sa score na 3 para sa senior at 2 para sa freshman.
“alaiza, mauna na’ko lumabas. ” saad ko tsaka ako tumayo at naglakad palabas, tumungo ako sa bench at naupo don. Ipinikit ko ang mata ko ng mariin para irelax sana ang sarili ko pero muli kong natanaw si Suho kasama si Zoe sa rooftop ng building at mukhang seryoso silang nag uusap ni Suho kaya’t tumalikod ako at nagmadaling maglakad.
MUKHANG MAGIGING MADALANG ANG UPDATE KO GUYS SOBRANG HIRAP PO NG SCHED KO HALOS DI KO NA MAISINGIT ANG PAGSULAT PERO PROMISE NA TATAPUSIN KO PO ITO ~
SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGBABASA






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top