BETRAYAL.


BETRAYAL.
“S-sorry Elise, s-sobrang lasing kami no’ng gabing may nangyari sa’ming dalawa ni Rick. S-sorry. S-sorry talaga.” Humihikbing saad ni Leann.
Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko.
Hindi. H-hindi ko matanggap.
H-hindi ko kaya.
“E-elise. A-ayokong lumaki ang anak ‘kong w-walang kinikilalang ama-”
“Cut it out, Leann. Wala na akong pakialam tungkol sa bagay na iyan.” I said to my bestfriend. Buong lakas ko siyang tinalikuran at humakbang papalayo sa kinatatayuan niya.
I can’t believe this.
My bestfriend and my boyfriend just had a one night stand!
B-bakit?
P-paano?
P-paano nila nakayanang gawin sa akin ito?
—·
“W-will you marry me Elise?” Nanginginig na tanong ni Rick.
Nag umpisang mangilid ang luha ko.
Kung pwede lang, kahit ngayon ay papakasalan ko na siya pero hindi pwede.
Hindi maaari.
Hindi maaari dahil magkakaanak na ito… Sa bestfriend ko.
Umiling ako kasabay ng pagbuka sa sariling labi.
“No… Marry my bestfriend instead because soon, you will have your first child.” Ramdam kong nagulat siya sa itinugon ko pero hindi ko na pwedeng bawiin iyon.
Dahan-dahang bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
Isang patak.
Dalawang patak.
Tatlong patak.
Hanggang sa sunod-sunod na.
After saying that, I left him immediately.
I left him without giving...


a chance na makapagpaliwanag pa. Basta ang alam ko lang ay hindi tamang pakasalan ko siya.
Mahal na mahal ko si Rick pero hindi kakayanin ng konsensya kong makita ang babaeng tinuring kong kapatid na naghihirap dahil sa pagiging makasarili ko.
I continue my studies in New York.
—–
Seven years after, I came back to the Philippines.
Nakita ko ang lalaking minahal ko ng sobra together with my bestfriend at masayang-masaya ang mga ito kasama ang tatlo nilang anak.
I felt like my chest was stabbed for multiple times.
My feelings never changed. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.
Mahal na mahal ko pa rin ang lalaking tinatanaw ko ngayon kasama ang pamilya niya.
I haven’t move on and I’m still hurt but what makes me hurt more is what my boyfriend said to me three weeks ago.
“Your bestfriend lied to you but still, I want to thank you for believing her and not listening to my explanations back then. I am not the biological father of her first child Elise. Like what you wanted, I followed you. I married her. It made me the happiest man and it will not be possible if you didn’t ask me to marry her. To marry your bestfriend.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top