BEWARE THAT GIRL CHAPTER #03


Umaga akong nakarating sa paaralan dahil minabuti ko kasing maaga akong umalis sa bahay. Nandito ako ngayon sa classroom namin sari- saring chismiss ang narinig ko. Hindi ko na lang pinagtuonan nang pansin dahil wala naman akong mapala. Hanggang sa dumating ang professor namin. May pagka seryuso kasi ang professor namin di ko nga alam sa tuwing sa discussion niya naka focus ako.
“Class listen, ano ang pumasok sa isipan niyo kapag narinig niyo ang salitang crime scene?” tanong ng prof namin habang hawak-hawak ang isang papel. Kaya sumagot kaagad ang mga kaklase ko samantalang ako walang imik nakikinig lang. Kung crime scene ang pag- uusapan e napakadali lang yun. Yun Ang Lugar kung saan naganap ang krimen o patayan.
“Ok, now may activity tayong gagawin ngayon which is pupunta tayo sa isang lugar kung saan nagpakamatay si Mr. Velasco. Isang taon na ang nakalipas ngunit parang walang nagbago sa kaso. Papupuntahin ko kayo doon upang may kunti kayong malaman.”mahabang lintaya ng aming prof saka may ibinigay na tig-iisang papel sa amin dahil dito namin isulat kung ano ang masasabi namin ukol sa krimen na naganap. Pag-aralan din namin kung suicide ba o pinatay ang biktima.
Mayamaya pa ay narating namin ang srime scene nandito...


rin ang patay na katawan ni Mr. Velasco. Pinasuot din kami ng PPE at gloves. Pianag- aralan kung mabuti ang patay na katawan ni Mr. Velasco samantalang ang mga kaklase ko ay kanya-kanyang pinag masdan bawat sulok sa nangyari lugar. Parang may mali talaga akong naramdaman kung suicide ang nagyari ba’t may nakalagay na suicide note. Ewan ko ba kaya naisipan ko kapahin ang bulsa ng biktima baka may makuha akong bagay. Kinapa ko ng mabuti at parang may bagay akong nahawakan kaya kinuha ko agad ito. Laking gulat ko nang makita ang isang lumang selpon. Baka may makuha akong impormasyon nito kaya agad kung pinuntahan ang professor namin. Pinaalam ko ang nangyari may mga pulis ding dumating di ko akalain na nakatulong na pala ako. Ang pinagtataka ko lang ba’t di pa ito nalutas isang taon na kasi ang nakalipas hanggang ngayon wala paring pinagbago.
Pagkatapos namin pumunta doon. Pinabalik na kami sa campus para ipagpatuloy ang activity namin. Iniisip ko parin kanina baka hindi suicide ang nagyari iyon kasi ang kutob ko. Nagulat na lang ako nang ipinatawag ako sa deans office naku naman ano naman kaya ito.
Kinakabahan kung tinungo office kakatok na sana ako nang bumukas ang pinto.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top