BEWARE THAT GIRL CHAPTER #04


“Oh, ija tuloy ka”ngiting bungad ni Ms.Clair. Siya kasi ang dean na tinutukoy ko sa inyo. Mabait naman siya parang di lang ako kumbinsido sa kinikilos niya. Sa tuwing nandito kasi ako sa office niya parang kilala niya ako. Kinakabahan parin akong umupo kahit di ko alam kung bakit ako pinapapunta dito. Kadalasan kasi kapag pinatawag ako may ipapagawa sa akin. Napatigil ako nang magsalita si Ms.Clair.
“Jasmin, pinapapunta kita dito dahil may ipakilala ako sayo” taka naman akong tumango kahit wala akong ediya kung sino. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang lalaking may katangkaran sa akin. Kung titingnan mo yung mukha niya napaka seryuso at parang di kayang ngumiti. Teka lang, parang pamilyar siya sa akin. Tama siya yung lalaking nagtanong sa akin nung nakaraang araw. Dumako ang tingin nito sa akin at ganoon parin ang mukha niya seryuso parin. Ewan ko ba parang walang makikitang masaya sa kanyang mga mata. Pumasok ang lalaki saka isinara ang pinto.
“Oh, andito ka na pala. Jasmin siya si Detective Parker Delapeña” pagpakilala ni dean nito. Teka?Seryuso? Detective? Kailan pa napunta ang isang detective sa campus nato. Malay mo baka may hinahanap. Natigil ako sa pagtatalo ng isipan ko ng magsalita ulit si dean.
“Jasmin okey ka lang?” tumango na lang ako bilang tugon.
“I know what you thinking Jasmin, base sa mga activity na ibinigay namin sa inyo. Nakitaan ka namin ng potensyal na humawak sa isang kaso. Well sabi mo gusto mong maging ganap na pulis, sa tingin ko kung trabahong pulis ang pag- uusapan . Kailangan mo ring mag imbistiga upang malutas mo ang isang kaso. Pinapunta kita dito upang kunin ka bilang partner ni Mr. Parker. Sana...


Jasmin pagbibigyan mo ako sa favor nato.” mahabang paliwanag ni Ms. Clair. Habang ako nag- iisip parin. Parang kuha ko naman ang punto ni dean. Ang tanong lang sa dinami- daming estudyante dito ba’t ako pa. Ano kaya pagbibigyan ko kaya si Ms. Clair?
Napatingin ako kay Mr. Parker na kanina pang tahimik. Nagsimula akong magsalita.
“ Opo pagbibigyan ko kayo dahil ngayon lang kasi kayo humingi ng favor sa akin” pagkasabi ko nun. Lumiwanag ang mukha ni dean napaka big deal naman pumayag lang ako bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya.
“Talaga? Maraming salamat Jasmin wag kang mag alala malalaman mo rin kung bakit ikaw ang pinili ko” galak na pagkasabi nito na may malawak na ngiti. Tiningnan ko naman yung lalaki kanina pa nakaupo parang kinagat na siguro siya ng mga lamok diyan. Kanina pa kasing tahimik siya.
“ Hi Mr. Parker ako nga pala si-” di ko natuloy nang magsalita ito.
“I know your Jasmin Rosales ”sabi nito na seryuso parin. Tumingin naman ako kay dean ngumiti lang ito. Parang tanga talaga ako dito di ko alam ang nangyayari pati pangalan ko alam ni Mr. Parker. Di ko nga nakilala ang lalaki yan samantalang siya kilala ako.
“Partner?”nilahad ni Mr. Parker yung kamay niya para makikamay. Tinangggap ko na Iang kahit naguguluhan.
“And by the way wag mo akong tawaging Mr. e ka edad naman tayo. Parker na lang ang itawag mo sa akin. Tumango na lang ako bilang tugon. Natapos na ang pag- uusap namin di ko rin pala alam na nasa kabilang apartment lang pala nakatira si Parker. Kakaiba pala kapag nakausap mo na si Parker naging madaldal na siya di tulad nung unang pagkikita namin kanina.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top